TWENTY FIVE

11 1 0
                                    

Hindi ko namalayang kanina pa pala ako tulala, at nakailang ulit na akong tinatawag ni Sariah.

"Nahihibang na ang impakta" saad niya at muling sumubo ng chichirya. Hindi ko siya pinakinggan at dali-dali akong umupo sa wheelchair, kahit masakit ay pinilit ko pa ring umupo. Tatayo na sana si Sariah para tulungan ako, pero pinigilan ko siya.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo" seryosong sabi ko. Dali-dali kong tinulak ang sarili ko papalabas ng kwarto, saktong-sakto namang may nakasalubong akong kasambahay sa pasilyo. May dala-dala siyang maliit na tray na naglalaman ng kape.

"Hoy impakta! Baka nakakalimutan mo, kailangan mo pa ring uminom ng gamot na 'to?" Taas kilay na tanong ni Sariah, tumigil ako.

"Yaya, saan mo 'yan dadalhin?" Tanong ko sa kasambahay at napatigil naman siya sa paglalakad.

"Kay Sir Azraell po, bakit po ma'am? May kailangan po ba kayo?" Tanong niya pabalik.

"Akin na, ako nalang ang magdadala niyan. Pupunta rin naman ako doon" sabi niya, nagdadalawang isip pa siya kung iaabot niya pero inagaw ko na 'yon sa kaniya. Does she think that I'm not serious? Lumapit naman si Sariah habang nakataas ang kilay, hawak-hawak niya ang gamot na napakatapang ang amoy. Hindi ko siya pinansin at ibinalik ang atensyon ko sa kasambahay na nasa harapan ko pa rin.

"May kailangan pa po ba kayo ma'am?" Tanong niya.

"Nasan nga ba dito ang kwarto ni Azraell?" Tanong ko, nagulat naman siya. Shock na shock ka girl?

"Ah, nandoon po sa dulo ng pasilyo" aniya sabay turo sa dulo ng hallway. Tumango ako at nag-bow naman siya bago umalis. Sinundan naman ito ng tingin ni Sariah.

"Haba ng buhok mo ano? May pa-bow pa 'yung kasambahay niyo sayo oh" sarkastiko niyang sabi, umirap nalang ako.

"Baka nakakalimutan mong ako ang nag-iisang tagapagmana ng Mama ko?" Banat ko habang nakataas ang kilay, nasa kanan ko siya ngayon.

"Baka nakakalimutan mo rin na hindi mangyayari 'yun kapag hindi mo ininom ito? Sige ka, baka mangisay ka nalang d'yan bigls" Buwelta niya at mas lalo niyang tinaasan ang kilay niya. Naiinis kong kinuha ang mangkok na may lamang gamot.

Nang maubos ko 'yon, padabog kong binalik ang mangkok sa tray.

"Oh ano? Happy ka na? Umalis ka na nga dito at baka mabasag pa 'yan sa mukha mo" pagtataray ko at nauna ng umalis.

Narating ko ang dulo ng pasilyo at kumatok ako sa pintuan ni Azraell, hindi rin pala gano'n kalayo ang kwarto ko sa kaniya. Ilang sandali pa ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Oh! Carlynne, bakit ikaw ang may dala niyan? Hindi ka pa dapat umaalis sa kwarto mo ng mag-isa, baka mapa'no ka" bungad niya sa akin, sabay kuha sa tray na nakapatong sa kandungan ko.

"Salamat sa pag-aalala, pero wala ka bang balak na papasukin ako?"

"Naunahan mo lang ako sa pagsabi sa akin, Carlynne" sabi niya at ngumiti, bumuntong hininga nalang ako. Linakihan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ako.

Pinatong niya ang tray sa mesang malapit sa kaniya, at tinulungan akong makapasok. Naabutan ko namang naka-upo si Rowan sa study table ni Azraell at nagbabasa ng libro. Napatingin siya sa akin at napaiwas naman ako ng tingin, bakit ba kung makatingin siya ay diretso sa mata?

"Magandang umaga Carlynne" nakangiting bati niya. Nginitian ko lang siya at nilibot ng tingin ang buong kwarto ni Azraell. Ang aliwalas, para kang nag-cacamping indoors dahil sa wood theme ng kwarto. Nasa likod ko ang mataas na book shelf na gawa sa puno ng Narra, nasa kanan ko si Rowan at nasa harapan ko si Azraell. Kanina pa pala nakatingin sa akin ang dalawa.

Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now