"Good morning self!" Bati ni Sariah sa sarili. Siya ang unang taong nagising sa loob ng chateau, agad siyang naghanda para makita kung sino ang naunang nagising sa kanilang dalawa ni Carlynne. Nakapantulog pa rin siya nang lumabas ng kaniyang kwarto. Nagtungo siya sa kwarto ni Carlynne at kumatok ng tatlong beses, kumatok siya ulit ngunit walang sumagot.
Napangiti siya sa sarili niya, napagtanto niyang hindi pa ito gising. Pa'no ba naman e alas-singko palang ng umaga, pumasok siya sa kwarto ni Carlynne at tumambad sa kaniya ang babaeng nakadipa habang nakahiga sa kama. Natawa naman siya bigla. May laway pa kasi ito sa magkabilang pisngi.
"Grabe naman makatulog 'tong impakta na 'to" wika niya sa sarili at umiling-iling umupo siya sa silya malapit sa study table ni Carlynne at pinagmasdan niya ang babaeng bwiset sa buhay niya.
"Kung naging mabait ka lang sana sa'kin, hindi mo alam kung gaano kita kakilala. Sabagay, anak mayaman nga naman. Hindi marunong magpakababa ng pride" mahinang sabi niya habang nakatingin pa rin kay Carlynne, humalukipkip siya.
"Sana maranasan mo ang naranasan ko, hindi ka siguro tatagal ng isang araw" dagdag niya. "Hindi mo ako kilala, pero kilalang-kilala kita" sabi niya sabay tayo. Lumapit siya kay Carlynne at inalog ito sa kaliwang balikat, bigla namang umungol si Carlynne.
"Hey, you're not being fucked. Get the hell up" sabi ni Sariah pero hindi natinag si Carlynne.
"Sinabi nang gumising ka na e!!" Sigaw ni Sariah na umalingawngaw sa malaking kwarto. Dahil sa gulat ay napabalikwas ng bangon si Carlynne at guat na napatingin sa sumigaw na si Sariah. Kalaunan ay ang gulat na ekspresyon sa kaniyang mukha ay napalitan ng galit.
Umupo sa silya si Sariah habang galit na nakatingin sa kaniya si Carlynne. "What? Hay, ginising lang kita dahil una. Oras na para uminom ka ng gamot, pangalawa. Nandito ako para ipaalam sayo na ako ang nanalo sa hamon mo" mataray na paliwanag ni Sariah habang naka-halukipkip at nakapandekwatrong pangbabae.
Hindi nagsalita sa Carlynne, sa halip ay tiningnan lamang siya nito ng sobrang talim, relax na relax lang naman si Sariah. Carlynne's breathing heavily, parang may gustong kumawala sa dibdib niya. Namumula ang kaniyang buong mukha sa galit, dahil kahit mama niya ay hindi pa nito ginising ng ganito. At isa pa naman sa pinaka-ayaw niya ay ginigising siya sa pamamagitan ng panggugulat.
"Magbabayad ka sa ginawa mo!" Sigaw ni Carlynne at biglang nabasag ang mamahaling pabango na nakapatong sa vanity niya na sadyang ikinagulat ni Sariah. Napatingin si Sariah sa pabangong nagkalat sa sahig, nanatili namang nakatitig ng masama sa kaniya si Carlynne.
'Paano niya nagawa 'yon? M-may kapangyarihan ba siya?' tanong ni Sariah sa isip. Ngunit iwinaksi rin niya ito. Hindi siya nagpatinag at nanatiling taas noong nakaupo.
Tubong Huberon si Sariah Eloiza Kershaw, bagamat wala siyang kapangyarihan. Siya ay isang magaling na witch o mangkukulam. Karamihan sa mga naninirahan sa Huberon ay mga magagaling na mangkukulam, at isa na roon ang angkan na kaniyang pinagmulan. Kahit nakaramdam siya ng kaunting takot ay hindi siya nagpadaig dito.
Papasikat na ang araw at lumiliwanag na ang buong paligid, kitang kita niya ngayon ang mukha ni Carlynne na naglalagablab. Ngayon niya lang naaninag na nag-iba ang mata ni Carlynne. Mula sa mala-asul na dagat at mapungay na mata, napalitan ito ng mala-apoy na handa kang sunugin anumang oras.
Nakakuyom na rin ang kaniyang mga kamao dahil sa nararamdamang galit, hindi niya maintindihan ngunit may pakiramdam siya sa kaloob-looban niya na walang kalaban-laban ngayon si Sariah at kahit anumang oras ay kaya niya itong kutilin ang buhay ni Sariah.
"Wala kang kaalam-alam sa ginawa mo, humanda ka nang mamatay!" Malakas na sigaw ni Carlynne at tumayo, para namang nag-slow motion ang paligid para kay Sariah. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Carlynne ngunit makaramdam siya ng labis na kaba dahil parang gano'n na nga ang mangyayari, napalunok siya sa isiping iyon.
YOU ARE READING
Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]
FantasyShe is cunning, brave, witty, ambitious and stubborn. A not so quite ideal great great grand daughter of a medieval lord. Power is everything, they say. But neither do they know that It isn't. In her world where magic exists, everyone's greedy, to b...