SEVENTEEN

29 8 0
                                    


Lumipas ang ilang araw at hindi ko pa rin nakikita ulit si Rowan, asan naman kaya nagounta 'yon? Naikwento ko na rin kay Jewel ang pinag-usapan namin ni Rowan noong mga nakaraang araw at hindi naman siya makapaniwala.

Nakapagtataka lang dahil simula no'ng sabihin ko sa kanya ang mga napag-usapan namin ay palagi nalang siyang balisa, palagi niya ring tinatanong sa akin kung 'yon lang daw ba ang sinabi niya sa'kin, at madalas rin siyang mawala nang mga ilang araw. Hindi ko naman siya matanong-tanong kung ano'ng dahilan niya kung bakit siya nawawala nalang bigla dahil baka isipin niya na nanghihimasok ako sa personal na buhay niya.

Nandito kami ngayon sa library at abala sa pagbabasa kasama si Jewel para sa paparating na examination.

"Tapos mo na bang basahin 'yan?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Ahh, oo... Bakit hihiramin mo ba?"

"Kung tapos ka na"

"O'sige" sabi ko sabay abot sa kanya ang librong hawak ko.

"Basahin mo na rin 'yan, natapos ko nang basahin ang lahat ng naging aralin natin dyan kaya't basahin mo" sabi niya habang inabot sa akin ang kaniyang binabasang libro. Tumango nalang ako at tiningnan ang ang cover page nito; Potions; How they are made and it's uses.

Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ang subject na ito dahil sa inis kay Ferguson at sa pagpapahiya sa akin noong isang linggo. Pumunta ako sa talaan ng mga nilalaman at nakita kong nilagyan niya ng ekis ang lahat ng mga napag-aralan na namin, ngunit may napansin akong kakaiba.

Una kong binisita ang ang pahina 35 kung saan nagtaka ako kung bakit niya ito minarkahan; The Concealment Potion. Wala akong natatandaang aralin tungkol dito. Speaking of concealment, it's synonym is hiding. Ano naman ang gustong itago ni Jewel?

Ah, alam ko na. Baka may planong mag cheat si Jewel, nevermind nalang. Bahala na siya ang importante ay hindi ako kasali, hinding-hindi ko magagawang mandaya. Hindi ko nalang 'to babangitin sa kanya dahil hindi pa naman ako nakakasigurado na mag-che-cheat talaga siya.

"Nagkikita pa ba kayo ni Rowan?" Napatigil ako sa pag-subo sa pagkain ko dahil sa tanong ni Jewel.

"Hindi na, bakit?" Sabi ko habang binaba ang kutsara na may lamang pagkain, unti-unti akong nawalan ng gana sa tinanong niya. She's always asking me things about Rowan, nakakairita na.

"Ah... Ready ka na?"

"Ready saan?"

"Sa exams"

"Medyo, ewan" sagot ko nalang, napa-iling naman siya at nag-patuloy nang kumain.

"Alis na muna ako, magpapahangin lang" paalam ko at umalis na sa great hall, hindi ko na hinintay ang tugon niya baka tanungin pa ako ng kung ano-ano at mapagtaasan ko pa siya ng boses at ayoko nang mag-away pa kami ulit kaya pinili kong umalis nalang.

Ngayong araw nalang ang huling klase namin dahil bibigyan kami ng dalawang linggo para mag-aral, pero parang nawawalan lang ako ng gana bawat minuto. Nagtungo ako sa ika-pitong tore at umupo sa isang bench doon habang pinakiramdaman ang simoy ng hangin.

Hindi ako nature lover pero simula no'ng dumating ako dito, natutunan ko nang pahalagahan ang kapaligiran. Mula sa 'di kalayuan, nasilayan ko ang isang itim na nilalang na lumilipad papunta sa akin. Teka! Pamilyar sa'kin ang nilalang na 'yon, 'yon yung parseugriff na binigay sa'kin ng anonymous package giver na 'yon!

Nanlaki ang aking mga mata nang dumapo ito sa kabilang dulo ng bench malapit sa akin, pinagmasdan ko ang nilalang at namangha ako sa pinagbago nito. Lumaki siya ng kaunti at naging mas makintab na rin ang kaniyang mga pakpak, lumapit ito sa akin at nilambing ako. Kahit hindi ako mahilig sa mga hayop, kahit papaano ay nakakapagpagaan din naman pala sila ng kalooban.

Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now