FOUR

133 73 2
                                    


Carlynne's POV

"Hi Carlynne Rosington, Welcome to Zaugustus Institute Of Magic"

"Hi Carlynne Rosington, Welcome to Zaugustus Institute Of Magic"

"Hi Carlynne Rosington, Welcome to Zaugustus Institute Of Magic"

Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang sinabi ng megaphone sa akin do'n sa gate. Naglalakad kami papuntang main door ng kastilyo, ng bigla itong buksan ng dalawang tagabantay. Naka uniform pa talaga a, they wore black long sleeve polos tacked in with a fitted skin tone colored trousers with a red long hat and a pole arm on their right hands. Parang royal palace guards lang ang dating.

Bumungad naman sa amin ang isang lalaki na may red hair perfectly trimmed. And perfectly waxed. Ang cool niya tingnan kahit medyo parang 30+ na siya. Nice costume dude.

"Welcome to Zaugustus Institute Of Magic Mrs. and Ms. Rosington. Headmaster Hildegarde is waiting for you in his office" Napaka-formal ng bati niya, it suits him lalo na't naka black polo with a stripe blue necktie and a black trouser and a very long robe. Couple talaga sila dito. Astig!

"Thank you Professor Vaughn" Pormal na sagot ni mama. Wait, magkakilala sila?

Pumasok kami at naglakad sa main corridor ng kastilyo. What is this place? One word to describe, gigantically-astonishing. Eh sa laki ba naman nito, halos magkasya na yung bayan na nadaanan namin kanina. Corridor palang yan ah. The chandeliers hanging from the ceiling are huge, with a warm lights coming from them. Nabalot ng mala-gintong liwanag ang paligid pero hindi kagaya ng city lights na nakaka silaw.

While staring to the numerous chandeliers above, siguro ay dalawang metro lang ang layo nila sa isa't-isa. That's how close they are. Ang laki-laki pa naman. And you can't ignore the gothic style.

The golden lights perfectly blends with the paintings and portraits alongside the walls. Karamihan ay mga human sized paintings, at ang pinaka maliit na nakita ko ay about fifty-six inches. Agaw pansin din ang malalaking antique vases, mas matangkad pa sa 'kin. And the designs we're inspired from Baroque period. Wow, just wow. Feeling ko talaga Royal Ball to eh, hindi costume party.

This is not the first time that I've seen one of these, but this one's different, really different.

Sa dulo ng corridor, may painting na siyang natatangi sa lahat. It's the largest painting In here. Sinakop na niya yung pader eh. It is a portrait of a woman- an extraordinary beautiful woman in her mid 20s. Who is she? Bakit naiiba ang painting niya sa lahat? It has a golden frame and a shiny crystal glass, and her crown got my attention for a bit.

It has a letter Z on the center of her crown and embroidered with a criss crossed sword and shield. This crown is ridiculous! From the look of the golden crown and the beautiful woman? This place is out of this world.

Hindi ko napansing tumigil na pala kami sa isang malaking double door. May naka paskil sa taas nito na ang nakasulat ay 'Headmaster Hildegarde'. The writing was old, at parang ang tagal na isinulat. But it still can be read though. Pinagbuksan kami ng dalawang taong nakabantay sa pinto.

This is not the first time that I've seen one of these, but this one's different, really different.

What could be better? This place is hella awesome! This room looks much more golden than the main corridor. Kung hindi nakakasilaw ang mga ilaw sa main corridor, dito, kahit tingnan mo pa ng diretso. Hindi ka masisilaw.

Pagpasok namin, bumungad sa amin ang isang nasa mid 30s na lalake. Nakatalikod siya sa amin habang may hinahanap sa naglalakihang bookshelves niya. Bookshelf doon bookshelf dito. Siguro ang talino na nang taong to eh. From the looks of it, walang manipis na libro sa bookshelves niya. Makakapal lahat, gaya nang mukha ng lumalandi sa boyfriend mo.

Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now