TWENTY SIX

7 1 0
                                    

Kinbukasan, tanghali nang gumising si Carlynne. Madaling araw na noong nakatulog siya, hindi pa rin siya tinatakasan ng pagkabagabag. Siguradong-sigurado na si Carlynne na hindi siya namamalik-mata, dahil 'yon ang ikalawang pagkakataon na nakita niya siya sa loob ng mansion.

Ang magandang balita ay nakakalakad na siyang muli! Pero hindi pa rin gano'n ka-normal, medyo masakit pa rin sa bukong-bukong (ankle) at sa tuhod.

Nagsuot siya ng black oversized t-shirt at cycling shorts na malapit sa tuhod, at sinuot ang puting sapatos niyang Balenciaga Speed Trainers. Masaya siyang naglakad papalabas ng kwarto niya patungo sa kusina, balak niyang kausapin ang tatlong kasambahay sa hardin. Bababa na sana siya nang makasalubong niya si Rowan, sandali silang nagkatinginan hanggang sa matauhan na silang dalawa.

"Oh, saan ang lakad mo? Bihis na bihis ah, tsaka masaya akong nakakalakad ka na" panimula ni Rowan habang nauunang maglakad pababa si Carlynne, nakasunod naman siya sa dalaga.

"Sa labas lang, maglilibot. Duh, bihis na ba 'to sayo? Dadaan lang muna ako sa kusina, ikaw, saan ka naman pupunta?" Sabi ni Carlynne at tumigil sandali para makasabay sa paglalakad si Rowan. Napangiti sa hindi malamang dahilan ang binata.

"Sa kusina, magtitimpla ng kape" sabi niya at napakunot ang noo ni Carlynne.

"May mga kasambahay naman tayo dito, pwede ka namang magpatimpla sa kanila" sabi ko, papunta na kami ngayon sa kusina. Buma-bow naman ang mga kasambahay na nadadaanan namin.

"I have a special taste when it comes to coffee, ako lang ang nakakapag-fill up ng satisfaction na 'yon kaya ako nalang ang magtitimpla" paliwanag niya at tumango naman ako ng marahan, dalawang beses.

"Okay"

"Ano naman ang dadaanan mo sa kusina?" Tanong ni Rowan nang malapit na sila sa kusina.

"May kailangan lang akong makausap na kasambahay doon" sagot ko. Inunahan ni Rowan si Carlynne sa paglalakad.

"Ah, mauna na akosa brewer ah" paalam ng binata at ngumiti. 'Pupunta ka sa malayong lugar? Ilang hakbang lang naman ang layo ko sa kaniya' saad ni Carlynne sa isip. Tumango lang si Carlynne at nginitian naman siya ulit ni Rowan.

Pagdating ko sa kusina, agad silang nag-bow. Pumalakpak ako ng tatlong beses para makuha ang atensyon nila, agad humilera ang sampung kasambahay na dito naka-assign sa kusina.

"Sino sa inyo ang nagngangalang Loida, Laura at Linda" anunsyo ko at napalingon naman ang pitong kasambahay sa bandang gilid. Umabante silang tatlo habang nakayuko at nasa unahan ang kanilang kamay.

"Very well, sumunod kayo sa'kin" utos ko at nauna nang umalis ng kusina, naramdaman ko namang nakasunod sila sa akin at nakayuko pa rin.

Nagtungo ako sa front garden ng bahay at hindi ko maiwasang mapangiti, ang garden na ito ay ang pinakagusto kong parte ng buong mansion. Nasa sentro na ako ng garden habang nakasunod pa rin sila sa akin.

"Okay, sino sa inyo ang Loida, Laura at Linda?"

"Ako po si Loid--"

"Paano ko makakabisado ang mukha mo kung hindi ko ito makikita?" I demanded habang isa-isa silang tinitingnan. "Tumayo ka ng maayos" dugtong ko. Sumunod naman sila sa utos ko.

"Ako po si Loida Migadez, ako po ang panganay sa aming magkaka--"

"Magkakapatid kayong tatlo?" Gulat na tanong ko, napangiti naman ng pilit si Loida. Payat, singkit, maliit at matangos ang ilong, at mga 5'6 ang height nilang lahat. Magkahawig ang mga itsura at pang Maria Clara ang tindig. Hindi halata na si Loida ang panganay dahil mukha pang mas matanda ang dalawang katabi niya. Triplets ba sila?

Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now