EIGHTEEN

25 7 0
                                    

Dalawang araw na ang lumipas matapos ang pagtatalo namin, halos ikulong naman ang kaniyang sarili sa kwarto niya. Lumalabas lang siya kapag umaga para mag-agahan at sa gabi kapag maghahapunan, at hindi ko maiwasang mangamba sa kung ano na ang kalagayan niya ngayon. Paniguradong todo aral at basa 'yon buong araw para sa paparating na eksaminasyon, pero hindi naman nararapat na pabayaan niya aymng kaniyang sarili.

Marahil ay dinaramdam niya ang aming pagtatalo at ang kaniyang paninibugho, damn! Of all men? Bakit si Rowan pa? Of all women? Bakit ako pa?

"Didiretsohin na kita" buti naman, "Si Rowan".

Hindi ako nakagalaw ng literal sa kaniyang sinabi, " S-si Rowan?" Tanong ko at napatango lang siya habang tulalang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Tuluyang nanghina ang aking mga tuhod, napa-upo nalang ako sa sahig at napasuklay sa buhok ko. It all makes sense now, kaya pala gano'n nalang ang reaksyon niya nang makita kami ni Rowan sa tore, kaya pala hindi niya ako kinikibo kanina kahit anong pilit ko. May gusto siya kay Rowan!

Tila ba nawalan ako ng lakas upang magsalita pa, ngunit kailangan kong malaman ang sagot sa aking katanungan. "Pero bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana sinabi mo noon pang--"

"Kailangan pa bang ulit-ulitin 'yon? Akala ko ay madali mong matutuklasan lalo pa't nasabi ko naman sayo noon pa. Pero anong ginawa mo? Nagbingi-bingihan ka lang, patunay na kahit ako. Na nag-iisa mong kaibigan ay hindi mo isinasaloob at pinapahalagahan" sermon niya habang namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.

Sobra akong nakonsensya sa sinabi niya, napayuko nalang ako. Gano'n na ba ako kawalang-kwentang kaibigan? 'Di ko na napigilan ang aking mga luha dahil ibig na nitong kumalas sa pagkakakubli sa aking mata. Nakatingin pa rin siya sa kisame habang patuloy na tulalang tumatangis.

Sa mga oras na iyon, parang isa-isang nag-flash sa utak ko ang lahat ng mga pagsasawalang-bahala at pagtataboy ko kay Jewel. Tumatak naman ng labis ang alaala namin sa great hall kung saan sinabi niya na may gusto ang Sariah the hoe kay Rowan pero hindi ko masyado binigyang pansin ang mga sinabi niya.

Noon pa man ay may gusto na siya kay Rowan pero hindi lang niya masabi sa akin dahil baka ipagtabuyan at kamumuhian ko siya dahil sa kaki ng kasalanan ng Rowan na 'yon sa akin.

Bakit ba napakatigas ng puso't isip ko upang hindi ko man lang maramdaman ang saloobin niya? Kaya pala noong makalaya si Rowan ay pinaboran niya agad ito pero hindi niya lang kayang ipagtapat, she just helped me calm down.

Tanghaling tapat pero wala akong balak lumabas para mananghalian, naisipan kong pumunta muna sa opisina ni Azraell upang siya'y kausapin tungkol sa nagpabigay ng package na 'yon. Hindi pa run maawat ang aking isipan sa pag-iisip kung sino ba ang anonymous package giver na 'yon, mas mabuti nang may makausap ako tungkol dito.

Nadatnan si Azraell na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa kaniyang swivel chair, suot-suot niya ang kaniyang reading glasses na may disenyong balat ng cobra sa frame nito. Maganda kahit weird tingnan, pwedi na siyang tawaging: The Eye of the King Cobra.

Pumasok ako at gulat naman siyang napatingin sa akin saka tumayo. "Oh, Carlynne napabisita ka" panimula niya. Lumapit siya sa akin at magiliw na inalok ako na maupo sa kaniyang sofa, umupo naman ako doon at umupo siya sa silyang nasa tapat ko. "Good afternoon Azraell, aka the eye of the king cobra" bati ko habang nakangiti, gulat ang kaniyang ekspresyon at tila ba hindi niya naunawaan ang aking sinabi.

Itinuro ko sa kaniya ang kaniyang anteoho (eyeglass) at tumawa naman siya, malayong-malayo sa Azraell na naka-usap no noong nakaraang araw. "Matagal na ito sa akin ngunit ngayon ko lamang napansin" masiglang wika niya. Wow ah, grabe naman. Kung tutuosin napakaganda ng disenyo nito, kulay ginto na may stripes ng cobra na nakapalibot sa frame at may dalawang ulo ng cobra sa magkabilang dulo.

Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now