I'm in my bed, over thinking. But honestly, I don't even know what to think. One thing that's stuck on my mind is the memory of him placin his lips on mine, what on earth did I think of? Bakit ko siya hinayaang gawin 'yon?
That was my first, and I'm expecting my first kiss to be a bit romantic at dapat jowa ko mismo ang gagawa no'n. Pero kung mamalasin naman oh, sa mortal na kaaway ko pa! Buong buhay ko, I dreamed my first kiss to be nothing but perfect, ngunit mawawala lang ang lahat nang 'yon?
Imbes na makulangan ang mga katanungan sa akin isipan, mas lalo pang nadagdagan dahil sa ginawa niya. Akala ko'y masasagot na ang dalawang malaking tanong na 'yon ngunit putang-ina nabigo na naman ako, pangalawang beses na 'yon ah.
I don't have any fucking clue of what has got into me that moment. It's all blurry, strange and whatever this is, it's new and not meant to be ignored.
I stared at the ceiling for like, a couple of hours until I feel asleep.
————
"Carlynne, huy!" Nagulat ako nang tawagin ako bigla ni Jewel habang nagsusulat kami ng narrative report tungkol sa mga larawang wala akong kaalam-alam.
"I'm sorry, kanina mo pa ba ako tinatawag?"
"Gosh I'll called you the fifth time Carlynne, what were you thinking? " Puta, lima? Andami na pala.
"K, what do you want? " Tanong ko habang nakatitig sa larawang binigay ni Professor Azzedine, siguro isa 'to sa mga topic na natalakay nina Jewel no'ng wala ako.
"May naisulat ka ba?" She asks humbly at nilingon ko naman siya.
"Wala, and what do you expect mayro'n?"
"Do you want me to help you? If you want,"
"That's why I asked you, idiot"
"Ako pa idiot ah, idiot mo mukha mo— akin na nga 'yan, " utos niya at ibinagay ko naman sa kanya agad ang aking kwaderno. Kanina pa ako absent-minded dahil sa una at huling sinabi ni Rowan sa akin.
I need to explain nothing, because that says it all.
Hindi pa rin 'yon nawawala sa isip ko. Well, sino bang basta-basta nalang 'yon makakalimutan, at ano bang ibig niyang sabihin?
"Oh Carlynne, ayan. Kung mayro'n ka pang gustong idagdag dyan, inayos ko na para sayo" sabi niya sabay abot sa akin ng aking kwaderno, ba't ko pa dadagdagan eh wala naman akong alam na idadagdag. Binigay ko ulit ito sa kanya at tiningnan naman niya ako na nagtataka.
"Kung ipapasa mo na 'yang sayo, ipasa mo na rin 'tong akin. " utos ko at agad wala naman siyang nagawa dahil pupunta rin naman siya kay professor Azzedine. Ipinasa niya ito sa kanya at ngumiti naman sila sa isa't-isa, may sinabi naman si prof. Azzedine na hindi ko naintindihan.
"Pwede na raw tayong lumabas sabi ni prof. Azzedine" sabi niya nang bumalik siya sa kinauupuan namin. "Sa'n naman tayo pupunta?" tanong ko at napaupo naman siya.
"Ewan, hindi ko alam. Bakit, may gusto ka balak puntahan? "
"Wala"
"I mean, may ideya ka ba? "
"Wala nga"
Tumigil muna siya sa pagsasalita at napaisip habang hawak-hawak ng isang kamay niya ang siko niya at ang isa naman ay humihimas sa panga niya, kailangan ba talagang ganyan yung gesture pag nag-iisip?
"Alam ko na! Sa ika-pitong tore, isa 'yon sa mga pinakamataas na tore dito halika na" pag-titili niya at wala naman akong nagawa dahil hila-hila na niya ako ngayon. Hindi katulad no'ng mga nakaraang araw na pag-hila sa akin ni Klaurithyia na halos makaputol ng braso sa lakas, ito namang si Jewel ay mabilis ngunit hindi marahas.
![](https://img.wattpad.com/cover/221530016-288-k158520.jpg)
YOU ARE READING
Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]
FantasíaShe is cunning, brave, witty, ambitious and stubborn. A not so quite ideal great great grand daughter of a medieval lord. Power is everything, they say. But neither do they know that It isn't. In her world where magic exists, everyone's greedy, to b...