I wake up feeling nothing. Am I numb? Pero ano bang nangyari? Asan ako? Para akong lumulutang, na para ring patay. Hindi ko maunawaan kung ano ang nararamdaman ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang kisame ng kwarto ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang katawan ko. Anong nangyari? Bakit ako naparito? Diba may klasi pa ako? Ang huli kong natatandaan ay nasa training room ako. Bigla namang lumabas ng comfort room si Sera at lumapit sa akin.May kinuha siyang parang telepono pero walang paglalagyan ng numerong tatawagan. Huh? Is this another one of those weird objects? "Sir, gising na po siya sa wakas." sabi niya sa kabilang linya. I looked at her and her face was full of relief. Tinaas ko ang dalawang kamay ko at sobra akong nagulat sa nakita ko. Puno ng tahi ang kamay ko, almost both of my hands are full of stitches.
Tiningnan ako ni Sera na awang-awa. Para siyang tumitingin sa isang namamalimos sa kalye, at isa sa pinaka ayaw ko ay kinakaawaan ako. Gusto kong sumigaw sa pagkadismaya, maiiyak na ata ako sa sitwasyon ko dahil pati mga braso ko ay puno rin ng sugat. Sinong gumawa sa akin nito!? Papatayin ko! Hindi ko na napigilang humagulgol dahil sa pinagsamang sama ng loob at awa sa sarili ko. Sinubukan kong sumigaw pero hindi ko nakayanan dahil sa hapding naramdaman ko, parang ayaw bumukas ng bibig ko.
Gamit ang buong lakas ko, I tried to touch my lips and to my surprise may tahi rin ito. May tahi ang bibig ko sa bandang kaliwa. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sitwasyon ko ngayon. Lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil doon, paano na ako makakakain ng maayos? Paano na ako makakapag-salita ng maayos? Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong naging dahilan kung bakit ako nagka-ganito, hinding-hindi.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at ibinungad nito sina Azraell, Professor Vaughn at mga taong hindi pamilyar sa akin. Sino ba 'tong mga taong 'to? Bakit ang dami nila? At sa hindi ko inaasahan, biglang pumasok ang taong matagal ko nang hinahanap hanap.
Mom.
It felt weird, imbis na maging masaya ako, napuno ako ng inis at galit. Frustration and hatred filled my body. "Baby." bati niya at hinalikan ako sa noo. I remained poker faced at diretsong nakatingin sa ceiling. "Buti naman nagising ka na. We were so worried and we thought hindi ka na magigising, but their you have it sa kawas gising ka na." So, muntikan niyo na akong i-give up, ganon?
Ganyan na ba kahina ang tingin niyo sakin? You are expecting na mamamatay na talaga ako? Diba dapat ikaw ang unang taong maniniwala sa akin at sa kakayahan ko? Pero bakit ikaw pa ang unang bumitaw? Pinilit ko ang sarili kong bumangon kahit ang sakit ng mga braso ko.
"You shouldn't get up sweetheart." pag pipigil sa akin ni mama pero wala siyang nagawa, tinulungan niya nalang ako. Nang makasandal ako sa head rest ng kama, tinignan ko si Azraell. I know he can read minds kaya matalim ko siyang tiningnan at alam na niya ang ibig sabihin non. Hindi rin naman ako makapag-salita, hindi rin makasulat- si Azraell nalang ang paraan.
Lumapit siya kay mama at nag-usap, malayo sa akin. Basta, ang alam ko, wala akong pakealam kung maka-sakit ako ng damdamin ngayon. Intindihin muna nila ako, mukhang wala ng sakit ang makakapantay sa nararamdaman ko ngayon. Yung pakiramdam na ang sakit na nga ng katawan mo, sumakit pa ang damdamin mo. Pinatay na pala nila ako sa isip nila? Minaliit naman nila ako masyado kung ganon.
Hindi ko lubos maisip na hindi si mama ang nakita ko noong binuksan ko ang mga mata ko. Diba dapat siya yung nag-aalaga sa akin kung masama ang pakiramdam ko? Lalo na ngayon, na nasa bingit na ako ng kamatayan. Buti nalang hindi naisipan ni Kamatayan na kunin ako ng maaga. I've gone through many tests in life, and a 16 year old girl like me can't give up easily, not now nor ever.
Bumalik ako sa realidad ng lumapit si Azraell at niyogyog ako ng dahan dahan. "Carlynne, these are the medical team of Heistenburg," talaga? The entire thing? "Yes, the best healers of the four regions have helped you pave the way." pave the way-pave the way tss pave the way mo mukha mo. Tinignan ko si Azraell at sinabi sa kanya through my mind na paalisin muna ang lahat nang tao dito, except for him and mom, and he obeyed.
YOU ARE READING
Zaugustus Institute Of Magic And The Accursed Prophecy [ON GOING +SLOW UPDATE]
FantasyShe is cunning, brave, witty, ambitious and stubborn. A not so quite ideal great great grand daughter of a medieval lord. Power is everything, they say. But neither do they know that It isn't. In her world where magic exists, everyone's greedy, to b...