Four

1.6K 56 17
                                        







Matteo



𝒲𝑒 𝓀𝓃𝑜𝓌 𝓌𝒽𝒶𝓉 𝓎𝑜𝓊 𝒹𝒾𝒹.

Lumutang ang isip ni Juan Enrique habang inaalala ang mga katagang ito na nakasulat-kamay sa isang piraso ng papel. Umaga nitong nakaraang Lunes nang makatanggap siya ng isang maliit at magaang kahon na pinabuksan pa niya sa kanyang mga tauhan.

Naalala pa niya kung paano napaatras sa gulat ang dalawang bodyguards nang mabuksan nila ito at nakita ang laman: papel na may patak ng tuyong dugo sa gilid, isang matchstick na hindi pa nagagamit, at naninigas na bangkay ng isang maliit na ibon.

Ngumiti pa nga siya nang tumambad sa kanya ang mga ito bago niya pinulot ang naturang patay na ibon at saka ito pinagmasdan.

"Ah, the creativity of some individuals never fails to astound me. Fascinating!" aniya habang tinitingnan ang namumutla niyang bodyguards.

Habang inaalala niya ang malikhaing death threat na 'yon, hindi tuloy namalayan ni Juan Enrique na bumubungisngis siya habang sumasakay ng elevator. Iyon kasi ang gustong-gusto niya—iyong pinapaisip siya't hinahamon.

Natigil na lang siya nang may mamataang tumatakbo sa labas, tila hinahabol ang pinto bago ito magsara. Nang makapasok ang babae, nagalugad na ng mapanuri niyang mga mata ang kabuoan nito.

"Which floor, bella?" tanong niya sa katabing babae bago siya mapakagat sa sariling babang-labi. Maganda kasi ang hubog ng pigura nito: balingkinitan, maputi, makinis ang balat, mestiza ang mukha—ang eksaktong timpla para mapukaw ang pihikan niyang panlasa.

Nginitian naman siya kaagad ng dalaga. Nakasuot ito ng pormal na suit pero sadyang may kaiklian ang palda.

"The highest floor, please," banggit nito bago pindutin ni Juan Enrique ang numero ng pinakamataas na palapag na siya ring sadya niya.

"What's your business in the CEO's office?" anang dalaga.

"Right. The CEO. I'm here to redecorate her office," banat ni Juan Enrique na diretso pa rin ang tingin sa malabong repleksyon ng dalaga mula sa mala-salamin na pinto ng elevator. "What's your job here, Miss Exevea?"

"You know me?"

"It's right there on your nameplate, Catherine."

"Oh." Napahawak pa sa suot na metal nameplate ang babae bago ito ngumiti nang malaki. "I'm Madame Mindy's secretary."

Mabilis na tinapunan ni Juan Enrique ng tingin ang kausap at nginisian.

"Now, that's exciting," aniya. Humarap din naman si Catherine sa kanya at pinulot pa ang dulo ng kanyang pulang korbata. Bumulong siya. "Maybe, you've heard the news. There's a new CEO coming to town." Tinutukoy niya ang sarili.

Dahil dito, tumawa ang dalaga na animo'y kinikiliti. Umatras pa ito at isinandal ang likod sa malamig na pader ng elevator bago siya ikinulong ni Juan Enrique sa mga bisig nito.

"Do you know his name?" pabulong na tanong ng sekretarya na napapakagat-labi na rin.

"Not only that, Miss Exevea. I know everything there is to know about him. And he definitely wants you to be his new secretary."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, ibinakas ni Juan Enrique ang kanang hintuturo sa binti ng babae, pataas sa singit nito. Nakapa niya ang dulo ng underwear nito na gawa sa lace. Nag-init siya nang husto.

"I have to taste you now, Catherine," bulong niya habang marahas na nagbubuga ng hangin sa leeg ng babae. Napaigik ang dalaga bago magpakawala ng ungol.

Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon