Jodie
"Alam mo naman na friends tayo, 'di ba? Kung may problema ka, you can lean on me," ani Sir Luke habang ibinabalik ko sa kanya ang helmet. "I'm willing to lend you the money—"
"Oh no, Sir. 'Di po ba ang sabi ko naman sa inyo, don't worry? I still have two weeks. Isa pa, may mga panibagong gig ako this week, and the next. Ayos lang po ako."
Nagbuntong-hininga ito at namaywang. "Sige na nga. Hindi na ulit kita pipilitin. Pero iyon nga, tulad ng sinabi ko, huwag kang magdadalawang-isip na lumapit kung talagang kailangan mo na." Bumalik siya sa bike at pinainit ang makina nito. "Or, ganito na lang. Since ayaw mong pumayag na pautangin kita, pagbigyan mo na lang ako sa ibang bagay."
Ibang bagay? "Hala. Kinakabahan naman ako. Ano 'yan?"
"A simple favor." He scratches his head, looking a little. . . shy. "Can you please drop the 'sir' and the 'po'? Nakakatanda na kasi ng feeling. Just call me 'Luke.'"
I laugh. Now I understand why he always looks slightly pained whenever I use those polite terms. I can't refuse this request though especially because he's only ever shown me kindness.
"Okay. Good night. . . Luke." Napayuko ako bago magpakita ng isang nahihiyang ngiti.
I hear him gasping loudly.
"Good night, Jodie. See you tomorrow." May halong lambing ang pagsabi niya nito, bagay na nagpainit sa mga pisngi ko. Pagkatapos, pinaandar na niya palayo ang bike.
I'm grinning as I walk back to my unit, head down, relieved that the day is finally over and I can finally rest—oh.
I spot Matteo leaning against the wall, right on my path. He's smoking, something that's strictly forbidden inside the compound. The moonlight catches his formal suit, casting an eerie glow as the white smoke he exhales dances in the chilly air.
For a moment, nawala ako sa sarili ko habang tahimik ko siyang pinapanood.
He is so. . . beautiful. No, no, no, damn it. Gusto ko tuloy manapak at hindi ko alam kung siya ba ang gusto kong sapakin o ang sarili ko. I need to derail this train of thought. Lalo na ngayon—he's breaking one of the rules of this place. My rules!
"Smoking inside the compound costs 3K," pagsusungit ko rito.
The jerk just stares at me, puffing away, not a word in return. Taas-noo ko na lang tuloy na ipinagpatuloy ang lakad pero natigil ulit nang ipitik niya ang upos ng yosi sa may daanan ko.
I'm about to yell and make him pick it up, but he quickly strides into his unit. I glare at the discarded cigarette, my face scrunching up in frustration.
Konting provoke pa, kumukulong tubig na ang isasaboy ko sa'yo!
Seb
Kinabukasan, lampas alas-diyes ng gabi. Nagmadali ang binatilyong si Seb sa pagsagot sa mga tanong nang maramdaman niya ang antok. Makailang beses na rin niyang sinasabunutan ang sarili huwag lang makatulog sa may lamesita kung saan niya tinatapos ang module na ibinigay sa kanya ni Jodie Tuazon.
Asar! Ba't ba kasi kailangan ko pa 'tong gawin? tanong niya nang paulit-ulit sa sarili.
Magda-dalawang linggo pa lang si Seb na nagtatrabaho para kay Juan Enrique ngunit ramdam na niya ang hirap dahil sa pagkapihikan, pabago-bago, at kakaibang ugali ng bagong amo.
Una. Kahit siguro kuskusin na ng maraming beses ni Seb ng pamunas ang mga gamit sa unit ni Juan Enrique, may magagalugad pa rin itong kapiranggot na alikabok sa kasuluk-sulokan. Mistula itong diyos na maalam kung ano ang mali sa paligid niya.
BINABASA MO ANG
Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)
RomanceWhen Jodie's restaurant branch is selected to join a televised social experiment, she finds herself face-to-face with Matteo Salvatore: a mysterious Italian man who is distractingly gorgeous, intimidatingly brilliant, and clearly used to getting wha...
