Nine

1.2K 55 0
                                        




"Fire Kendrick," mariing utos ni Juan Enrique sa kausap niyang si Annie sa phone. Batid niya ang alinlangan ng kausap dahil sa katahimikang nanaig sa pagitan nila, ngunit nakapagdesisyon na siya.

At pinal na ito.

"Annie, I'm actually doing Ken a favor by letting him go. I don't want to add to his misery," kalmado niyang dagdag. "Either terminate his contract or pull some strings to get him transferred to another department at Channel 8. Surely, someone out there needs a PA."

Sa kabilang dako naman, nakailang sapo na sa noo si Annie dahil sa nakapanlulumong utos na ito. Bukod sa biglaan ang desisyon, napalapit na ang ibang crew members kay Kendra na sadyang masiyahing tao. Gayunpaman, batid din naman niya na wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa nakakataas sa kanya.

"Boss, nag-aalala lang ako na baka mag-apila si Kendra ng reklamo. Pero, sure. Titingnan ko kung ano'ng magagawa ko," sagot nito na napaupo pa pabalik sa kama niya sa condo'ng tinutuluyan. "Pero. . . sino po ba ang ipapalit natin sa kanya?"

"I'm bringing someone with me from Manila. His name's Seb. He knows exactly what to do, so you can stop worrying about everything else and just focus on Kendrick's case," sagot ng negosyante bago mabilis na tinapos ang tawag.

"Iyon ba 'yong sinasabi mong director ng show, Kuya?" kunot-noong tanong ni Seb. Tumango naman siya. "Buenaventura—para nga talagang pamilyar."

"Are you familiar with uhm—oh, yeah, 'Last One Laughing'? I heard Annie Buenaventura was the one who directed that show," kwento niya bagamat aminadong hindi alam kung tungkol saan ang palabas na 'yon.

Agad na tumango ang kausap.

"Ah, oo naman, Kuya! All three seasons, napanood ko! Sikat na sikat kaya 'yon."

"Yeah, that," aniya na wala talagang alam sa kahit na anong nagawa ng direktor dati. Not my brand of entertainment, I guess.

Nasa loob sila ng isang itim na Range Rover patungo sa airport. Parehas silang nakaupo sa may backseat bagamat isinisiksik ng binatilyo ang sarili niya sa pinakagilid, tila nahihiya pa nang husto sa katabi.

Palihim namang inaral ni Juan Enrique ang itsura ngayon ng binatilyo, mula ulo hanggang paa—bagong gupit, maayos na ang pananamit, at napakahigpit nang pagyakap sa kinakandong na backpack.

"Nervous?"

Nagpilit ng ngiti si Seb. "First time ko kasing sasakay sa airplane, Kuya—"

"Which will barely last twenty minutes." Dinakot niya ang isang bagong pack ng earplugs na nakatago sa dala niyang suitcase. "Here, take these. Lucky for you, I always keep a spare. Wear them later."

Paglaon, naibsan din ang kaba ng binatilyo lalo na nang nasa himpapawid na sila at banayad ang lipad. Napakalikot nga nito sa loob ng cabin at umuupo pa kung saan-saan masilayan lang ang iba't ibang anggulo ng magandang tanawin sa labas.

"Wow! Iyon na siguro ang Zambales! Iyon naman ang Nueva Ecija!"

Nangingiti naman nang palihim si Juan Enrique. Pero hindi rin nagtagal iyon nang may maalala siya—ang thumb drive na iniabot sa kanya kagabi ng kanyang sekretarya.

"Here's everything that you need to know about the girl, sir."

Ibinaba ni Juan Enrique ang foldable table ng inuupuan niya at sinuri ang digital file gamit ang kanyang laptop. Ito ay ang mga agency record na ipinahalungkat niya tungkol kay Jodie Tuazon.

Una, nakalakip dito ang kopya ng birth certificate ng dalaga—panganay si Jodie. Ipinanganak siya noong ika-5 ng Nobyembre taong 2000. Mayroon din itong dalawang nakababatang kapatid na kambal: sina Jacob at Jennifer.

Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon