"Boss, nabalitaan namin mula kila Juanito at Roger ang nangyari kahapon, iyong ginawa niyo raw kay Miss Tuazon. Sinabuyan niyo raw ng tubig," panimula ni Annie, kinakausap ang nakadekwatrong si Juan Enrique.
"Boss naman. Alam naman naming mainit ang dugo niyo kay Jodie pero 'wag naman po sana ninyong paabutin sa gano'n. Kawawa naman 'yong tao."
Nasa loob sila ng isang nakaparadang Grandia, bagay na ginagawa nila para maitago ang pag-uusap mula sa iba.
Naroon naman sa may harap na upuan si Lucas Alfaro na abalang naglalaro ng chess sa cellphone.
Nakasuot ngayon ng sunglasses si Matteo habang nakatuon ang tingin sa labas. Pinapanood niya si Jodie Tuazon na naghahatak ng naglalakihang sisidlan ng mga basura kasama ang ilan nitong mga katrabaho.
Bagaman malaki ang ngiti ng dalaga, hindi maikakaila ang pagod sa itsura nito.
Napangiwi siya bago tingnan si Annie. "I do not hate anyone," aniya bagamat iba ang tumatakbo sa kanyang isip. That Tuazon girl is a liar. She knows my grandma personally. I'm sick of how she can lie to everyone's face every single day. "She just gets on my nerves sometimes."
"Boss, tungkol ba ito kay Kimberly Perez?" sabad naman ni Lucas na hindi lumingon. Nakatuon pa rin ang titig nito sa phone. "Kasi Boss, ang kwento ni Berna sa'kin, si Jodie raw pala ang pinagbibintangan niyong nagsumbong."
Nanlaki ang mga mata ni Annie sa narinig. "Boss! Is that the reason? Naku po! Itong si Lucas ang nagsabi sa'kin ng tungkol sa inyo ni Kimberly! Siya ang nakakita sa inyo—"
"Yeah. Dito mismo sa parking lot," kaswal na sabad ng isa na nagpatikhim kay Matteo. Isinandal niya ang kanyang ulo sa upuan at lalong hinigpitan ang paghahalukipkip habang patuloy na tinititigan si Lucas.
"Kaya Boss, huwag mo nang gaanong sungitan si Jodie, ha. And for the viewers' sake, please try to smile more," pakiusap ni Annie.
Umiling siya. "No. I'm not an actor, Annie. There's a limit to what I can do," aniya bago itapon ng direktor ang sariling mga kamay sa hangin, senyales na sumuko na ito sa katigasan ng ulo ng kausap.
Agad itong lumabas ng Grandia, nakabusangot na sinusundan ni Lucas.
"Ewan ko ba! Patid na patid na ang pisi ko! Hindi ko na alam kung paano pa pakikisamahan ang taong 'yan," giit nito.
Bumungisngis naman si Lucas na umakbay rito.
"Chillax, Direk. Ang mahalaga ay ang makukuha nating sweldo. Hindi pa siguro niya narerealize na ang Mindy's din ang mapapasama dahil sa kagaspangan ng ugali niya," ani Lucas bago nito nilingon si Juan Enrique na nakatago pa rin sa likod ng tinted windows ng sasakyan.
Lingid sa kaalaman ng dalawa, inoobserbahan sila ng Italyano ngayon. At base sa kanilang mga galaw, alam niyang tulad ng mga empleyado ng Mindy's, pati ang TV crew ay hindi rin siya gusto. Lihim siyang pinag-uusapan ng lahat—hinihimay ang kanyang ugali at bawat kilos. Pinagtatawanan. Minumura. Isinusumpa.
Gayunpaman, manhid na siya sa isyung ito. Kasi nga naman, nang simulan niya ang kanyang winery empire at investment firm, ang reputasyon na ito ang kanyang naging puhunan sa mabilis na pag-angat—ang pagiging masungit, strikto, matalim ang dila, pranka, at isang perfectionist.
Dahil dito, sanay na siyang kainisan o katakutan. O pakitaan ng magagandang ngiti kapag siya'y nakaharap ngunit palihim naman siyang sinasaksak kapag nakatalikod.
Nothing and no one is real now. Authenticity is dead, buried beneath layers of pretense.
Ilang minuto pa ang lumipas, habang mag-isa siyang nagmumuni-muni sa loob ng Grandia ay biglang tumunog ang phone sa bulsa ng kanyang pantalon. Sinagot niya agad ang tawag.
BINABASA MO ANG
Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)
RomanceWhen Jodie's restaurant branch is selected to join a televised social experiment, she finds herself face-to-face with Matteo Salvatore: a mysterious Italian man who is distractingly gorgeous, intimidatingly brilliant, and clearly used to getting wha...
