Matteo
TV night—huh. Ilang beses na umiling si Juan Enrique habang pinagmamasdan niya ang bagong-ligong katawan sa harap ng vanity mirror sa loob ng banyo. Hindi siya makapaniwalang pumayag siya na manonood lang sila ng telebisyon ni Jodie Tuazon habang nagsasama sa iisang hotel room.
Kilala kasi niya ang kanyang sarili.
Hindi na niya mabilang ang mga babaeng nakasiping niya, at ni minsan, hindi siya nagkaroon ng pakialam sa katauhan ng mga ito. Basta't pasado sa kanyang panlasa, dadalhin niya ito sa kama. At pagkatapos niya itong makasiping, tapos na.
Pero iba talaga ang nararamdaman niya para rito kay Jodie. Ibang-iba ito sa lahat ng nakilala niya.
Ngayon lang siya nagkaroon ng ganitong klase ng emosyon.
Gusto niya itong angkinin nang paulit-ulit pero may kung anong pwersang pumipigil sa kanya—isang pwersang hindi niya kailanman naranasan sa iba. Isang pwersang pinipilit siyang mag-ingat. Na huwag madaliin si Jodie.
Na hintayin ang tamang panahon.
Siguro nga, sadyang mataas ang tingin niya sa dalaga. Ayaw niyang magkamali. Ayaw niyang masira itong magandang bagay na nasimulan nilang dalawa. Takot siya. Sa pinaka-unang pagkakataon, nagkaroon siya ng pangamba pagdating sa isang babae.
Kaya naman heto—kahit na labag na labag sa loob niyang manonood lang sila, magtitiis siya.
Gayunpaman, umaasa pa rin siyang maaakit niya ito ngayong gabi kaya naman hinanap niya ang isang kahon ng condom na nakatago sa isa sa mga wooden drawers ng banyo. Ipinatago niya ito sa kanyang mga tauhan, kasama na ang mga damit at sapatos sa loob ng closet, bagay na wala naman doon bago ang araw na ito.
Oo, nagsinungaling kasi siya kay Jodie. Hindi ang Channel 8 ang nagbigay sa kanya ng kwartong ito. Ang katunayan nga, ito ang pinakaunang pagkakataon na napadpad siya sa gawing ito ng mundo. Ipinahanda lang niya itong hotel room sa kanyang mga tauhan para gumana ang kwento niya kay Jodie, at hindi magtaka ang dalaga kung saan niya kinuha ang perang pambayad sa lugar na ito.
Kailangan niyang pangatawanan ang pagpapanggap sa ngayon. Hindi pa kasi niya naiiisip kung paano aamin sa dalaga.
Nagpatuyo siya ng buhok gamit ang isang blow-drier, nagsuot ng damit, naglapat ng pabango. Binuksan niya ang karton ng condom at mabilis na nagbulsa ng tatlong pakete bago siya pasimpleng lumabas ng banyo.
Mabilis niyang nakita si Jodie na nasa kama. Nakaupo ito, nakasandal ang likod sa headboard. Ngumingiti ito habang nanonood ng TV at dumadakot ng potato chips mula sa malaking bowl na isinama ng staff sa kanilang dinner tray. Balot na balot ng kumot ang katawan nito na para bang binarikadahan ang sarili.
Muli, gustong humalakhak ng negosyante pero nagpigil siya.
Jodie
Nangingiti na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa hotel room kahapon. Halos wala kaming tulog kaya naman maski na siya, hindi nagawa ang maaga niyang paggising nang sumunod na umaga.
Well, no—nothing that special happened, alright? Napahaba lang talaga ang naging kwentuhan namin. And our topics weren't so serious, either. We just ended up talking for hours about random things—just sharing pieces of our lives like we had all the time in the world.
BINABASA MO ANG
Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)
RomanceWhen Jodie's restaurant branch is selected to join a televised social experiment, she finds herself face-to-face with Matteo Salvatore: a mysterious Italian man who is distractingly gorgeous, intimidatingly brilliant, and clearly used to getting wha...
