Fourteen

1.1K 51 3
                                        





Jodie


I wake up on the floor. Again. I've lost count of how many times I've rolled off this tiny bed. So thank goodness I've got pillows down here to break my fall.

But wait a minute.

How did I manage to get these pillows from the cabinet last night and lay them on the floor like this? Usually, kapag kumukuha kasi ako ng mga gamit diyan sa taas, gumagamit ako ng upuan kasi nga, hindi naman ako gano'n katangkad.

Ganoon na ba ako kalutang kaya wala akong maalala? Am I sleepwalking now? Do I have Vitamin B deficiency?

Ugh, who knows?

When you're dirt poor and drowning in stress, anything can happen, really. I mean, just the other day, I found myself arguing with the rice cooker. Taas kasi nang taas ang switch nito, napundi na naman. Pagkatapos, iyong isang uniform ko ng Mindy's naihalo ko sa uniform ko sa school—kasi nga lutang ako—kaya nagmantsahan sila ng kulay.

I sigh, trying to calm my racing mind as I get to my feet.

Nagluto ako ng agahan. Habang pinapalabas ko ang natural oil ng longganisa sa pan, nilapitan ko ang work desk ko nang mapansin ko roon ang module na pinasagutan ko kay Seb kagabi. Natuwa ako nang makitang kompleto niyang nasagutan ang bawat pahina.

Pero ano kayang oras niya ibinalik 'to sa'kin kagabi? Hindi ko kasi maalala. Ang katunayan, pati kung paano ko naipasok ang mga libro at foldable chair ko, hindi ko rin maalala.

Wala akong maalala!

I step out onto the balcony, hoping to catch a glimpse of Seb's window. But then my attention is snagged by Matteo Salvatore, who's just opening the gates to walk back in. He's fresh from his jog, right on schedule. The guy is like clockwork, exercising every single day at precisely 4:30 AM.

Basa ang suot nitong hooded sweater ng pawis at nakalapat sa mga tenga niya ang malalaking itim na headphones na madalas ko ring nakikitang ginagamit niya sa Mindy's tuwing naka-break kami.

Nahuli kong mabilis na dumaan ang mga mata niya sa direksyon ko at pagkatapos, umastang parang hindi niya ako napansin nang tuluy-tuloy siyang naglakad papasok sa unit niya.

Mao-offend sana ako pero hindi. I'm used to it by now. Hilig talaga akong tratuhing multo o nakapasong halaman nitong si Matteo tuwing umaga. He only starts acknowledging my existence when the sun's setting. Ewan ko ba. The crazy dude has some serious quirks. Kung sa bagay, nag-away nga na naman pala kami noong isang gabi kaya, malamang, buong linggo na naman kami magi-iwasan.

Papasok na sana ako para ituloy ang pagluluto ko nang, sa wakas, ay mahanap ko si Seb na tumatanaw na mula sa may bintana niya. Sinenyasan ko siya na lumapit.

Sumunod naman ito.

"Seb, anong oras mo ipinasa 'yong module?" Nakangiti kong tanong.

"Ah. . ." aniya habang lumilingon sa direksyon ng unit ni Matteo. "Bandang alas-diyes, Ate. Iniwan ko sa mga libro mo habang tulog ka diyan sa labas kagabi."

My brows shoot up. "Naabutan mo akong tulog dito sa labas kagabi?"

"Oo."

I scratch my head. "So, paano kaya ako nakapasok sa loob?" I wonder aloud, adjusting the scarf wrapped around me.

"Ah!" sabi ni Seb na biglang ngumiti. "Nakita kong may bumuhat sa'yong matangkad na lalaki kagabi. Taga-rito lang sa malapit."

"Ha?"

Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon