The next morning, I head back to work at Mindy's, even if I've still got unused days off courtesy of Miss Evelyn. I pedal like I'm on a mission, and the second I swing around the back entrance—boom. Shocked faces everywhere. Kung sa bagay, wala akong ibang pinagsabihan na babalik na ako ngayon.
Napalitan tuloy ng hiya ang malaki kong ngiti.
"Hmm. . . Good morning?" Iyon na lang ang namutawi sa bibig ko habang ipina-park ko ang aking bike.
Mabilis akong nilapitan nina Direk Annie at Luke.
"'Nak ng teteng. Ano'ng ginagawa mo rito, Jodie?" bulong ni Direk habang nakapamaywang. Si Luke naman ay nakahalukipkip. Kita sa mukha nila ang pag-aalala.
"I'm ready to work na po—"
"Go home, Jodie. Magbakasyon ka muna. Kung itong shooting ang iniisip mo, ipina-rewrite na namin sa mga writers ang script," paliwanag ni Luke pero umiling ako.
"Kung magmumukmok ako sa bahay, mas lalo lang akong puputaktihin ng kung anu-anong bagay. Mas okay na 'tong maging busy ulit ako."
Right as I say it, the back door swings open—and there he is. Matteo. The surprise on his face is instant and obvious. And just like that, yesterday hits me all at once: the way he held me at Burnham Park, our breakfast, the tour I bailed on. . . and the frustrated look on his face when I did.
Mabilis na nag-init ang mukha ko.
Gayunpaman, nagpilit pa rin ako ng ngiti at kinawayan pa siya, bagay na sigurado akong pinagtatakahan ng ibang nakakakita sa amin matapos silang masanay na hindi kami nagpapansinan.
Nawala naman ang gulat sa mukha niya at mabilis na napalitan ng. . . wala. Wala na naman siyang ekspresyon at tanging pagtitikhim lang ang itinugon bago siya nagpatuloy sa paglalakad. My smile disintegrates. Ah. So Cold War na ulit kami. Right.
Isa-isa naman akong kinumusta ng aking mga katrabaho pagkapasok ko. Si Berna at si Aling Chita, niyakap pa ako at sinabihan na sa susunod na may pupuntahan ay pwede raw akong magpasama sa kanila. Gano'n din ang sentimento ng iba.
Kako naman, wala nang 'Landon' sa buhay ko ngayon kaya wala na silang dapat na ipag-alala pa.
ℱ
We close the branch early today for a meeting. It's almost February, and from this month until March, tourism in Baguio is going to hit its peak because of the Panagbenga Festival. Magaganap ang opening day nito sa Sabado.
Dito kami sa may dining area umupo lahat. Nakahawak ako ng notebook, inililista ang mga bilin ng aming manager na si Miss Evelyn at ng isa sa mga show writers na si Miss Elaine. They announce that in addition to sponsoring several events, our branch will also participate in the opening parade.
My co-workers burst into cheers at the news, of course. First time kasi naming gagawin 'to. Kada-taon kasi, basta opening day ng festival, hindi na kami magkanda-ugaga sa dami ng dumarayong customer sa amin. We always missed the big events because of that.
Kaya naman hindi lang ito magmimistulang bakasyon namin; mapapanood namin mismo ang mga kaganapan!
I hear the scrape of a chair next to me and find that Luke has moved closer. He leans in and whispers while the meeting continues.
"Kumusta ang sugat mo, okay na ba?" tanong niya.
Tiningnan ko siya. "Mababaw lang naman. Naghilom na. Hindi ko na nga ramdam kung aling braso ko ang nasugat, e,."
BINABASA MO ANG
Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)
RomanceWhen Jodie's restaurant branch is selected to join a televised social experiment, she finds herself face-to-face with Matteo Salvatore: a mysterious Italian man who is distractingly gorgeous, intimidatingly brilliant, and clearly used to getting wha...
