Fifteen

1K 41 3
                                        


I sit here, dazed, as the chaotic scene unfolds in front of me. From my seat, I hear the wail of the ambulance siren as it speeds away. Inside, unconscious and battered, is Landon Saavedra, being rushed to the hospital.

Sa isang sulok naman dito sa loob ng police station, nakatayo si Direk Annie, tatlong show writers, at ilang mga staff galing city hall habang sinasagupa ang mga nagsidatingang local media. They're pleading, paying, promising all sorts of things to quickly douse the flames of controversy before it spreads.

To the right, I see a large glass door. Beyond it, a group of police officers stands with the chief. Matteo Salvatore is there too, seemingly arguing with Mayor Saavedra and his lawyer. Landon's blood is still splattered all over Matteo's gray t-shirt, a grim reminder of the violence that just unfolded.

Maingay sila bagaman hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi.

Nagkalat din ang mga pulis sa labas. Kinukunan nila ng statements ang mga barkada ni Landon na pawang balisa at mapuputla. Lahat kasi kami ay wala pang tulog gayong maga-alas-sais na nang madaling araw.

Despite being busy, they all occasionally glance at me. All of them. Minsan pa nga ay nagsasabay-sabay sila na para bang gusto nila akong itali at sunugin.

"Don't worry, Jodie. Ang mahalaga, ligtas ka." Nagisingan na lang ako ng ulirat nang mamataan ko si Luke. Nakaluhod siya sa harap ko, nakapatong ang kanyang mga kamay sa aking balikat habang ipinapaintindi sa akin ang kanyang sinasabi.

"Everything is going to be alright," dagdag pa niya bago niya hubarin ang suot niyang maong na jacket at marahan itong ipatong sa aking nilalamig na mga binti.

Hindi naman umiimik sa tabi ko si Auntie Cleng bagaman kanina pa niya hinihimas ang aking likuran.

I tighten my hug around myself, my eyes squeezing shut as I brush against the bandaged cut on my arm. My own dried blood is now staining the sleeve of my sweater.

A moment later, the door where Matteo and the mayor were bursts open, nearly shattering from the force. Matteo storms out first, fury etched on his face.

He locks eyes with me and strides over.

"You will sue that piece of shit," he says, his tone leaving no room for argument.

"But—"

"You don't have to think of anything or anyone right now," pagtutuloy niya. Marahan pa niyang inilapat ang kanang kamay niya sa balikat ko. Napatingin ako sa bukong ng kanyang mga daliri. May mga preskong galos pa roon dahil sa ginawa niyang pambubugbog kay Landon kanina.

"I'll take care of everything else, including the legal side. I have the best lawyers ready to handle this, sí? I'll give you all that you need, all the resources."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit mas pinili ko na lang na manahimik muna.

Nag-angat ako ng tingin sa mag-asawang Saavedra. Mapang-usig ang titig nila sa akin ngayon, lalo na ang asawa ng mayor. My breath comes in ragged bursts.

"Miss Josefine Tuazon?"

Tinawag ako ng hepe ng pulis at saka ako pinapasok sa loob ng kwarto kung saan nanggaling si Matteo Salvatore. Bumalik din doon ang naturang mag-asawa.

Ang katunayan, hindi ito ang pinakaunang pagkakataon na humarap ako sa kanila dahil sa mga pinaggagagawa ni Landon, bagaman ito na marahil ang pinakamalala dahil nakaabot na rin kami ngayon sa mga pulis.

Sinamahan ako ni Auntie Cleng na binulungan din ako habang naglalakad kami.

"Jodie. Nasa iyo pa rin ang huling pasya."

Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon