Eleven

1K 50 0
                                        

________________________

Testimonial #033

BERNADETTE SANTOS (38), Line Chef, Mindy's

"Si Matteo ba? Ewan ko lang, ha, pero may nagbago, e. Magsimula no'ng kwan, no'ng dinala niya rito 'yong pinsan niyang si Seb. Alam ko do'n nagsimula 'yon. Well, minsan may konting sumpong pa rin, lalo 'pag nakikita si Jodie, palaging sinisimangutan. Pero at least, nakikipag-usap na ngayon nang matino. Hindi na gaanong nagsusuplado. Sana lang magtuloy-tuloy na. . ."

________________________

Testimonial #035

JODIE TUAZON (24), Server, Mindy's

"Nagbago? Teka. . . Meron ba? I can't really say he's changed, but okay, maybe a bit. Mas kinakausap na siya ng ibang members ng team namin ngayon. I don't know. Siguro hindi ko lang siya gaanong napapansin."

(Jodie, puyat ka na naman 'ata. Pwede bang 'yong mas energetic? Kahit ulitin mo na lang 'yong sinabi mo.)

"Ah. . . okay, Sir Luke. Take two?"

________________________

Testimonial #025

FREDERICO PADUNAN (49), Cook, Mindy's

"Ang bait-bait po ni Sir Matteo. Binisita niya po kami kahapon sa bahay. Nagbigay po ng libreng groceries tapos ang sabi niya, siya na rin po ang bahala sa tuition ng dalawang anak ko sa kolehiyo. Sobra-sobra po ang tuwa naming mag-asawa sa kabutihan niyo, Sir Matteo. Hulog po kayo ng langit sa'min. Maraming salamat po."

(Pa-assist naman, guys, pakiabutan si 'Tay Rico ng tissue, please.)

________________________


Natulala muna ako ng isang buong minuto sa isinuka ng customer sa sahig bago ko naramdaman ang pangangasim ng sikmura ko. Sumingaw kasi ang nakakahilong amoy ng suka at dumiretso sa ilong ko. 

Agad akong nagtakip ng bibig at napahawak sa tiyan habang patakbong pumunta sa stockroom para kumuha ng mop at timba.

Why on earth did that guy come in here when he's already plastered? He had the nerve to waltz in, planning to buy more beer when he could barely walk straight! Idinamay pa niya ako sa laki ng problema niya.

"Jodie, okay ka lang ba? Teka't ipagbubukas kita ng floor cleaner," says my co-worker, Fatima. We both just started working here at FamilyCart, a 24/7 convenience store tucked at the lower end of Session Road.

Part-time lang ako rito, hinalilian ko lang ang isang empleyado nila na manganganak ngayong linggo. My shifts run from seven in the evening to one in the morning on Tuesdays, Thursdays, and Saturdays. Today's only my second day on the job.

Besides booking tutorials on Sundays and my morning shifts at Mindy's, this gig at FamilyCart is my third job. If I include the random gigs Jane throws my way, I'm juggling four jobs at once.

I know. Kung may 'Ate of the Year Award' man, tiyak, hindi lang medallion ang isasabit sa akin. Pwede na rin akong patayuan ng sarili kong rebulto.

Naduduwal man, tiniis ko ang pagmamop. Palagay ko, kare-kare ang huling kinain ng customer bago niya nilunod ang sarili sa beer. May mga piraso pa kasi ng petchay at puso ng saging akong nakita. Ang kumag, hindi yata marunong ngumuya.

Dahil dito, hindi lang pamunas ang kinailangan ko kundi pati walis-tingting. Ang pinakahuling ginawa ko ay ang pag-ispray sa sahig ng perfumed disinfectant.

The problem is, even after my shift ends, that nauseating stench still feels glued to my skin. I'm still gagging as I bike home through the dead streets at one-thirty in the morning.

Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon