Three

2K 62 37
                                        




"Jodie!"

I curl into my thick blanket and roll over, rubbing my socked feet together in a sad attempt to fight off the cold. Pale light seeps through the lace curtains—too bright for moonlight, too early for sunrise. Definitely not morning yet. Pwede pa akong bumalik sa pagtulog.

"Jodie!" Lumakas pa ang boses na 'yon, kasabay ng sunud-sunod na pagkatok. "Jodie, bumangon ka nga saglit! Anya metten! (Ano ba 'yan!)"

Nagising na lang ako nang makilala ko kung kanino ang boses—Auntie Cleng.

I glance at the clock—it's only five in the morning, and it's still dark outside. Ugh. This is the one thing I hate most about Auntie's routines. Or should I say bad habits?

Still, I get up and open the door for her. Lumantad sa harap ko ang itsura niya. Maiitim na naman ang ilalim ng kanyang mga mata, at suot pa rin niya ang makapal na bestida na gamit niya kahapon bago siya magpunta sa tong-it'an.

"Auntie naman. Ano'ng oras na? Hindi na pwede 'tong ginagawa mo!" giit ko bago niya ako pinakitaan ng nahihiyang ngiti. "Isusumbong na kita kay Nica, at pati na rin kay Tito—"

"Hay! Ano ba! Haan kadi, a (Huwag naman). Iyon na nga lang ang libangan ko, e," paliwanag niya bago siya namaywang. "Siya nga pala. Iyon ba ang mga bagong tenants? Tama iyong tumawag sa'kin last week. Mga taga-Maynila talaga, ano? At may isang foreigner. Pero ang aga naman yata nilang gumayak at umalis."

"Umalis?"

Tumango si Auntie. "Oo, suot pa nga ng poging foreigner 'yong uniform niyo sa Mindy's."

"May sinabi ba sila sa inyo?"

"Ang sabi nung foreigner 'first day of work' daw," kwento niya na ginaya pa ang boses ni Matteo Salvatore.

Alas-siyete kasi ang call time namin kaya nakakapagtaka na ang aga-aga nilang umalis. May nagbago kaya sa plano? Nakalimutan kaya akong i-inform ng mga kasama namin?

"Siya ba 'yong pinagu-usapan nila kagabi sa tong-it-an na nagte-taping na artista sa branch niyo? Ba't 'di mo man lang sinabi sa'kin na may ganyang ganap pala? Sa mga amiga ko pa narinig ang tsismis."

"Auntie, bawal po kasi naming ipagkalat. Pinag-sign po kami ng kontrata ng Channel 8."

"Channel 8? Wow, kung ganoon, bigatin pala ang taping na 'yan!"

"Kayo ang hindi nagsabi sa'kin na taga-Maynila pala ang mga darating—"

"Ayna! (Ano ba!) Wala rin akong ideya na sila ang tumawag. . ."

Tumagal pa nang ilang minuto ang usapan namin ni Auntie Cleng bago ko siya sinabihang bumawi ng tulog. Pinaalalahanan ko rin siya tungkol sa pag-inom niya ng pill para sa kanyang hypertension.

The truth is, I can't understand why Auntie acts this way. E sa talong-talo na nga niya ang mga nagrerebeldeng teenagers na madaling araw na rin kung umuwi! Siguro nga talaga, kailangan ko nang bigyan ng babala si Tito Benjie. Kailangan ko ng kasama sa pagpapaalala kay Auntie Cleng na masama sa kalusugan itong inaasta niya.

I don't bother going back to bed. I head straight for the shower, throw on some clothes, skip the blow-dry, and hop on my bike. It's not even two minutes in when regret kicks in—sharp and icy, just like the misty morning air biting at my face with every push of the pedals.

Walong minuto lang ang layo ng branch mula sa apartment namin. Ang pinakamahirap na daan ay iyong pataas na kalsada na kailangan ko pang lakarin habang hatak ang bike ko. Ito mismo ang dahilan kung bakit malaki ang muscles ng legs ko, at kung bakit parati akong hingal na hingal sa tuwing dumarating sa may backdoor ng restaurant.

Ciao, Mister Stranger (18+) (Wattys Shortlist Finalist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon