Chapter 1

21 4 0
                                    


"Lagi ka na lang nakabusangot, problema te?" titig na sabi sa akin ni Rose.

Bumaling ako sa kanya at humalumbaba, busy siya sa binabasa niyang libro.
"Madami lang kong iniisip, umay sa daming gagawin"  4th year na kami next year, Rose and I are engr. students. "pambihira naman" usal ko.

Kita ko ang pang sang ayon sa kaniyang mata, sabay ang pag tango nito "kahit ako man ay nahihirapan walanjo sobrang dami ba naman pinapagawa" balik ang tingin sa librong binabasa.

Wala naman kaming choice kung hindi gawin iyon, kung hindi ay bagsak na grado ang aabutin namin.

Isang ingay ang narinig namin sa labas ng pintuan ng aming condo isang hudyat bago ang sakuna, biglang bumukas ang pinto at inuluwa ang dalawa kong kaibigan, deretso lamang silang pumasok na para bang wala kami roon.

"Pambihira talaga itong si Max na ka bingwit agad ng bebe diyan as tabi tabi" Tuwang tuwa na sabi ni Elsi sabay palak pak pa at halos matumba na sa kakatawa, mas lalo lang kaming natawa dahil muntikan na siyang mautog dahil sa bigla niyang pag upo.

"Anduya kasi... HAHAHAHAHA di sinabi sa akin na mag aayos siya naka uniform pa naman ako edi sana nakabingwit din grrr" ani Elsi

"Kasalanan ko bang maaga ako lumabas at late ka umuwi, tsk buti nga inintay pa kita grrr" Max.
"Atsaka maganda ka naman sa uniform mo Ms. Architect" sabay tawa niya.

"Diyan ka magaling, mambola saan mo natutunan yan sa mga lalaki mo?" asar na sagot ni Elsi.

Napailing na lamang ako, kahit kelan talaga di papaawat ang isa sa kanila.

"Sa ganda ba naman niyan ni Max matic na yan, konting ligo pa Elsi HAHAHAHAHAHA" iling na sagot ni Rose ngunit ang atensyon niya ay nasa libro pa rin, seriously Rose.

"Ako rin naman, napaka bias mooo" Elsi sabay nguso na parang nalugi, anak ng pota HAHAHAHAHA.

"Wag iiyak HAHAHAHAHA"

I agree, maganda si Max at halos lahat ata ng lalaki ay mapapalingon sa kanya, pwede siyang maging modelo kung hindi nursing ang pinursue niya, maganda rin si Elsi bagay sa kanya ang morena niyang kulay at konti na lamang ay mag kasing height na silang dalawa, mahirap lang sila pag samahin dahil kala mo lagi ay sasabak sa gera.

Napailing na lamang ako at ibinalik ang tingin sa mga plates na nakalatag sa aking table, marami pa ring kelangan ayusin, palitan sa sukat at desinyo. Marami na rin akong nasayang na papel na kumakalat na sa sahig ng sala.

Tuloy pa rin ang tawanan ng tatlo, astig rin at hindi sila nauubusan ng pag uusapan, habang ako ay problemado sa dami pa ng nakatambak, kingina naman.

I glance in my watch patiently waiting for our other friend, mukhang busy pa siya sa school hindi kasi kami pare pareho ng sched at magkaiba pa ng courses, sa sobrang tagal nakaramdam na rin ako ng gutom.

"Hindi ba kayo nagugutom, it's already 12 na mag luluto ako" awat ko sa kanila.

"Yan gusto ko sayo AM HAHAHA" bakas ang tuwa sa mata ni Max ganun din sila Rose at Elsi.

I gave them a smile at pumunta na sa kusina.

Ilang minuto din at natapos ako sa pag luluto, saktong ang dating niya

Leigh is smiling towards me, mukhang naamoy niya ang niluto kong adobo well favorite nila iyon

"Hi" I greet her "Kamusta ang training mo?".

She gave me a smile as a answer and call our friends.

"Shittt ka ang bango niyan a"  patalon at mukhang excited nabanggit ni Rose "Leigh baka naman pwede patikim ng luto mo".

Tumango naman si Leigh at nagsi upo na sila saka nag kwentuhan tungkol sa kani kanilang studies.

Habang nag uusap at nag tatawanan biglang nag ring ang phone ni Max napatingin kami sa kanya, we're looking at her with our "who is that" look.

She just laugh and put her hands up
"Chill guys si mami lang ito, wait excuse me" sabay tayo at pumunta sa balcony.

Ilang minuto pa ay bumalik na siya at tinapos ang pagkain

Leigh and Rose insist na sila ang mag huhugas ng aming pinag kainan well ganun naman kami parati.

Nag asikaso na kami ng aming gagawin, masyadong busy at pasahan na next next week "Guys" ani Max "Alis tayo sa Sunday".

Napakunot ako kasi biglaan siyang nag aya friday ngayon at hectic ang gawain,
Itatanong ko sana kung anong meron pero naunahan na ko ni Rose.

"Why and Where, masyado tayong busy para gumala girl look mukha na tayong luka oh" nag tataka si Rose.

"Wehh talaga ba Rose e nag basa ka lang naman kanina" bulong ko sa sarili.

"Mami is inviting us, wedding ng pinsan ko sa Batangas" ani Max
"Please isang araw lang naman pero-"

"Si tita talaga ang galing tumaming" bulong ko.

"Hep Hep walang pero pero isang araw lang" piigil ni Elsi sa kanya "Pero madami bang boys, sayang punta natin kung wala" dagdag pa niya.

Wala na ding akong magagawa dahil nakapag desisyon na sila, pag lalaki talaga usapan nawawalan ako ng interest.

Binalik ko ang aking focus sa mga requirements ganoon din silang lahat, konti na lang at makapag papahinga na ko.

Lumipas ang ilang oras at nag paalam na sila, mag kakasama kami ni Rose sa condo, sila Leigh, Max at Elsi naman sa kabilang unit.

Nakaramdam na ko ng antok at nag pasya na matulog na "Psst una na ko sa kwarto ko goodnight" paalam ko sa kaniya.

"Goodnight" sabi niya ngunit walang baling akong nakuha sa kaniya, busy talaga.

Deretso akong nag tungo sa cr at naligo
Madali akong natapos dahil sa antok i do my usual skin care night routine, I open my twitter account and post a tweet.

@aempriamorie

"Goodnight sleep well ppl"

A X E LWhere stories live. Discover now