Special Chapter

8 1 0
                                    


My Dear Aempricott Amorie,

Baby, you know naman kung gaano ako kaswerte dahil sayo.
Sobrang bait mo, understanding mo lahat na ata ng magandang bagay ay na sayo na. Ano pa bang kulang sayo. You're the best girlfriend, best friend, daughter and great student I ever know.
Thank you for being you… for sharing your love with me…
I know na ang laki ng sacrifices mo pag dating sa akin alagaan palang ako, batayan, gabayan, ang puyat at pagod mo ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ang saktan ka lang ang nagawa ko.
Hindi ko nagawang gampanan ang role ko as your boyfriend. I'm so sorry for making you miserable. I didn't mean it. Kung pwede lang na pingilan ko una palang na gustuhin ka, para payapa akong mawawala at hindi kita maaabala. Pero huli na dahil nahulog na ako ng tuluyan sayo. Im so sorry kung lahat ng plano ko sayo ay hindi na matutupad pero alam kong lahat ng plano mo ay sa iba mo na tutuparin, masakit iyon para sa akin. Ang makita ang mahal mo na masaya na sa iba pero ano bang magagawa ko, nasa taas lang naman ako... tumatanaw lang, alangan batuhin ko kayong dalawa hehe peace.
Baby.. I'm so proud of you.
I am promising you I will always love you and be a strong support for you until the day I take my last breath.....

Sulat bago siya mawala hindi ko man lang ito nakita sa kabinet ko, saka ko lamang napansin kung kelan ako aalis. Kakatapos lang din ng Graduation Batch 2019 last week, nanghihinayang akong hindi man lang siya nakadalo doon. Na nakasuot ng uniform at toga, nakangiti sa stage habang kinukuha ang parangal niya. Balita kong cum laude siya kaya dali dali akong pumunta sa event para ako ang kumuha non. Marami ang nagulat sa akin nag tataka kung bakit ang isang 3rd year ay ganon din ang suot. Konti na lang ay siya na

"ATTICUS XAVIER ELLEAZER SANCHEZ, CUM LAUDE"  saad ng prof sa unahan.

Marami ang pumalakpak, rinig ko rin ang ilang bulungan, wari ko'y hindi pa nila alam ang balita. Maybe tita don't want to inform everyone so I'll do it now.

Kinausap ko ang prof sa unahan na prof ko din sa isang subject. I explained everything malungkot siyang tumingin at hinayaan ako.

Hindi ko alam ang gagawin habang nasa unahan, marami ang nag tataka kung bakit ako nandoon at hindi pa bumababa. I calm myself. Hindi ako ready.

"Hi everyone... on behalf of Mr. Sanchez, I'm his girlfriend Aempricott just call me Am for short.Alam kong nag tataka kayo kung bakit ako nandito, at bakit hindi siya ang kaharap niyo" naluluha akong tumingin sa kanila.

"Paano ko ba sasabihin ito...hmm uhmm sabihin na lang natin na hinaram na siya ni god pero wala ng balikan...." hindi ko na alam kung kaya ko pa ituloy ito...

Rinig ko ang gulat ng lahat ang iba ay naiiyak na rin. Marami rin akong nabanggit, nakwento sa kanila kung paano niya nilaban ang sakit niya, kung paano siya maging makulit na para bang walang iniinda na sakit at laging natatakot kapag tuturukan ng karayom. Those memories... it breaks my heart.

"He's angel now, my baby is angel now" nakangiti kong sambit. Doon ko tinapos ang speech ko sa kanila daig ko pa ang mismong valedictorian noong high school ako.

"Im so proud of you baby" bulong ko sa sarili.

Matapos iyon ay umalis na ako dahil hindi na maganda ang aking pakiramdam. I badly need him... I need his warm huge right now..

Nakarating ako kung saan siya nahimlay, inalis ko ang toga at inilagay iyon sa tabi ng kanyang lapida

"Look baby you did it" I'm trying to look nice, but sounds like nah.

"Need you right now" napaubob na lamang ako at nag babadyang tumulo ang luha.

Isang malamig na haplos ng hangin ang aking naramdaman, ang haplos nito sa aking buhok, at ang pag dampi ng halik sa aking pisngi. Doon na tuluyang lumabas ang luha ko, ramdam ko siya ngayon.. dito mismo sa tabi ko. Unti unti ng lumulitaw sa kalangitan ang sunset ang kahel nitong kulay na hinaluan ng dilaw, pula ang siyang nag papaganda doon. Sa dinarami rami ng nangyari sa mundo ay ito lamang ang hindi nag bago, may mawala o dumating man ay ganoon pa rin ang taglay nitong ganda. Ang manood mag isa nito ay nakakapanibago lalo na kung sinanay ka ng taong mahal mo.

And if you want to see me... baby
meet me where the sky touches the sea"

Love your future Engineer,
Axel.

A X E LWhere stories live. Discover now