Nakauwi na kami galing batangas, dahil sa sobrang haba ng byahe dahil sa traffic ay wala man lang akong matinong tulog kaya pag karating namin sa condo ay parang hinihila ako ng aking malambot na kama.I just woke up around 3 pm, ngayon palang ako kakain ng tanghalian, I prepare my foods bago I check ang mails balik realidad na naman, mukhang tulog pa sila.
Kinuha ko ang camera sa aking bag at nag titingin ng mga pictures and videos magandang memories din kasi ang mga iyon while browsing my camera. Isang video ang nag play, eto yung time na nakasama ko siya medyo kalma pa ko dyan slight. Rinig doon ang kanyang matipunong boses ngunit kalaunan ay nag stop na rin ang video.
Gustuhin ko man siyang hanapin sa socmed, nag mumukha naman akong stalker nyan kaya kelangan ko ng ibang way, Habang paikot ikot sa kwarto ay naalala kong kaibigan nga pala siya ni Max.
Nag isip ako ng paraan kung paano ko makakahanap ng magandang dahilan para hingin ang number niya ng walang pag dududa. Aamin ba ko? kaso baka asarin lang nila ako doon. Tunog ng pinto ang bumukas hudyat na andito sila para tumambay.
Agad naman akong lumabas at nakita silang asa salas nanonood ng movie, tambayan ba talaga itong unit namin hay nako.
"Sino pa ang di kumakain hahambalusin ko ng sandok with feelings" sigaw ko sa kanila.
Since culinary ang kinuha ni leigh sa unit niya sila nag luluto.
Nag taas sila ng kamay sabay tumawa, napasulyap ako kay Max na busy sa pag titipa sa cellphone niya, paano na ito.
"Baby baby baby...." bulong ko sa hangin.
Habang nag luluto ako, biglang sumulpot si Rose sa tabi ko "Sinong baby yun ha" bulong niya habang nag nining ning ang kanyang mata.
Sasabihin ko baa o hindi, chismosa rin kasi ang isang ito e.
Napangiti ako "Ano kasi.. uhmm... kita mo yung lalaki na singkit kahapon sa batangas".
Napaisip siya "Alin yung matangkad na kaibigan ni Max?".
Tumango tango ako, at kinweto sa kanya ang nangyari habang kasama ko siya doon.
"Gagoo ka crush mo?" sabay kiliti sa akin ni Rose. Tumango tango naman ako "Hoy secret lang natin" sabay sabi ko.
Nakakagulat bang may crush ako grabe naman. Mas magulat kayo kapag jowa ko na pala iyon tas hindi niyo alam.
"Oo sige hehe" ngumiti siya ng palihim nang bigla siyang kumaripas palabas sa kusina at sumigaw "Hoy mga punyeta may baby na pala itong si AM" lapitan sila sa akin at ang ibinigay ang kanilang signature look "Who's that".
Bago ko palang sagutin ay nauhan na ko ni Rose "Yung ano ba iyon Alfred ba hindi ano nga yun Ace?" napakamot siya sa ulo niya dahil di makuha ang sagot.
Kala ko ba secret lang potek ka talaga, napatungo naman ako habang nag kukumpulan sila sa gilid. At nag aantay ng sagot sa akin.
"Axel" sabay naming sagot ni Max.
"Ay kala ko si AM ang walang mabibitbit mukhang natalo ata tayo ng gaga" ngising sabi ni Leigh.
"May tinatago pala ampotek" bulyaw ni Elsi.
"Kayo ba naman kasama sinong hindi matuto" kibit balikat kong sagot.
"Ikaw ha kelangan mo ba ng tulong ko?" Nakangiti na sabi ni Max.
"Halaa penge naman ng number nun" nahihiyang sabi ko.
"Speed lang ganon, tama yan" ani Elsi
"Nag mana nga talaga sa atin" dagdag pa ni Leigh.
Nag tawanan naman ang ilan sa kanila kaya nakitawa na rin ako. Hindi naman pala masamang mag kacrush, kaya hanap na rin kayo.
"Ayun lang pala, sige eto o" nakangising sambit ni Max.
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at sinave ang number ni Axel, bakit Mr. A? "Alam mo bang dito yun nag aaral?".
Gulat akong napatingin sa kanya "bakit di ko siya nakikita" takang sabi ko.
"Shifting nga e" natatawa niyang sabi.
Nakakapanghinayang naman palitan ko na lang kata schedule ko hmm.
"Nays Destiny" sigaw nilang lahat.
Matapos kumain ng lahat ay umuwi na rin sila sa kabilang unit, deretso na ko sa kwarto upang maligo at makapagpahinga mahabang araw din ito marami kaming nag pag usapan naitanong ko na rin kay Max kung bakit ako laging nakukwento sa kanila, at hindi rin naman daw mahalaga iyon.
Maaga akong nagising dahil may pasok pa kami at kulang pa ang pinapagawa sa amin, ayokong malate ngayon dahil masyadong mataray ang prof namin , pagkatapos kong gumayak ay pumasok na ako sa school dahil medyo malapit lang naman ay nilalakad ko na lang.
Nalimutan ko na ring kumain dahil sa pag mamabilis, di rin naman nag tagal ang klase at umuna na ako palabas dahil sa gutom, dumaan muna ako convenience store para bilhin ang madalas kong kainin ngunit hindi ko ito matagpuan.
"Miss, wala na po ba kayong stock ng giniling na busog meal?"
Agad naman itong umiling "Wala na po ma'am e, baka po bukas ay meron na" wala akong choice kundi kumuha na lang ng tinapay, umupo muna ako at doon kinain iyon, habang dinadamdam ang pagkahinayang, akala mo'y hulog ng langit ng may mag patong ng giniling sa aking tabi nagningning ang aking mata ngunit laking gulat ko na siya pala ang nag lagay niyon, agad akong umayos ng upo, at biglang naalarma ng bigla siyang tumabi.
"Eto o baka gusto mo" pag aalok niya.
Hindi ko naman alam kung tatanggapin ko ba ito o hindi, pero kasi gusto ko non e, kaso nakakahiya
"Nako hindi na, sayo iyan e" pag tanggi ko, ngunit sa giniling pa rin ako nakatingin.
Bigla siyang umalis at iniwan iyon sa aking tabi, agad akong lumingon at saka siya tinawag.
"Hoy! naiwan mo" hindi siya lumingon sa akin bagkos deretso pa rin siya.
"Eatwell" ayun lamang ang huling sinabi niya at lubusan ng nakalabas.
Hala eatwell daw, crush siguro ako non.
Kapal muks.
Binalik ko ang tingin sa pagkain at wala akong choice kundi kainin sayang naman. Kala ko ba shifting iyon bat parang ang aga niya hmm, pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain.
Simula noong unang encounter namin dalawa sa convinience store, ay inaabangan ko na siya palagi doon at swerte ko dahil lagi ko siyang naabutan, hanggang tingin nga lang ako minsan dahil may kasama siya gustuhin ko mang lumapit, kaso pinipigilan ako ng aking paa.