"Hi Ma" bati ko sa kanya at sinamahan siya sa kusina."Kamusta ang pakiramdam mo?".
Ngiti na lamang ang naisagot ko, ayaw ko nang mag alala pa siya.
Kumunot na naman ang noo niya, hudyat na alam ko na agad ang itatanong.
"Hep hep, Ma naman alam mo namang ayaw ko e" pag papaliwanag ko.
"Bakit ba ayaw mong malaman nila, alam mo bang gusto ko na silang makilala?".
Simula bata palang ako ay ayaw ko ng maiba sa ibang kabataan, lumipat kami sa batangas kung saan malayong malayo sa aking kinalakihan, gusto ko lang maging normal, hindi mayaman, hindi rin mahirap.
"Son, Doc. Joshua wants to give it to you" malungkot siyang tumingin at halata ang pagaalala sa kanyang mata, sabay lahad ng papel sa akin, alam kong kahit anong oras ay lala na ang lagay ko pasalamat na lang at kaya pa ng aking katawan, hinihintay ko na lamang na kusa itong bumagsak dahil handa na naman ako.
"What's your plan graduating ka na?"."Review for board exam?" ngumiti ako, kahit di ako sigurado kung aabot pa ba ako doon.
"Okay goodluck then" at kumain na lamang siya ulit. "You know naman na proud ako sayo"
"Thank you Ma".
Walang alam ang lahat maliban kay mama ngunit normal pa rin ang trato niya sa akin, while I'm in pain, thinking about what will happen to my future life my phone rang, It's from Max my closest friend ever since nag aral ako sa public school.
I clear my throat and answered her call "Hey whats up?".
"You're invited Mr. A" sabay tawa "In a wedding".
Wedding? "Ikakasal ka ba, arranged marriage na naman?".
"Bungal hindi ako, tsk it's my cousin so game?, isasama ko sila AM" bigla akong napangiti, tsk AM na naman "Tska alam mo namang tatanggi ako pag dating sa kasalan e hays kelan ba mawawala yan".
"I know and ayaw ko nga sumama" kunwaring tangi ako.
"Ulol ka ikaw pa kaya, Alam kong sasama ka pag si AM ang binanggit ko" sabay halakhak niya.
Hindi ko pa gaanong kilala si AM pero madalas ko siyang makita sa mga post ni Max, minsan ay pag wala akong magawa I stalk her account bakit ba stalk lang naman.
"Okay fine kbye" sabay patay sa tawag, at binalik ang tingin sa papel, tumunog ang cellphone ko at nagiwan lang ito ng mensahe.
"Sunday Mr. A at 12 pm" napailing ako dahil hanggang ngayon ay ganun pa rin ang tawag niya sa akin, sila ang nag bigay noon dahil masyado daw mahaba ang pangalan ko, kahit ako ay habang haba rin.
Nagising ako dahil sa mga malalakas na patak ng ulan sa bubog ng bahay, di ko alam kung paano ako nakatulog ng ganoong lagay, siguro ay napagod na rin sa kakaiyak. Ito na kaya ang huli kong silay sa ulan.
Dumating ang linggo at nag usap ang lahat kung saan ang venue, hinanda ko ang gamit ko at ang gamot if ever na sumama ang aking pakiramdam , tumunog ang cellphone ko at agad itong sinagot.
"Hey Mr. A, sunduin ka na namin" sigaw ni Miguel sa kabilang linya, nakauwi na rin pala ako sa condo ko.
Bumaba na ako upang salubungin sila, agad na binuksan ni Maria ang van "Naks ang gwapo talaga" sabay suntok sa balikat ko.
Pasalamat ka babae ka.Umiling na lang ako at pumasok sa loob, madali kaming nakarating sa batangas, bago palang ako makapasok ay linga linga akong tumingin sa palagid mukhang wala pa sila, hindi ko siya hinahanap anek kayo hmp, ang ganda kasi nung view.