Tinext ko sa kanya kung nasaan ako ngayon, habang nag hihintay ay kinausap ko na rin si Rose, ngunit hindi gaano katagal dahil busy daw siya, saan kundi sa pag dedate ako daw abala sa kanila jsq.Isang busina ng kotse ang gumulat sa akin, hinayupak ka talaga, kita ko ang ngisi sa kanyang labi, ay husay naman kagwapo ga nareng batang are, lumapit ako at sumakay na.
"Saan tayo?" tanong niya, at pinaandar na ang kotse.
"Jollibee" sabay sigaw "Alam mo bang miss ko na iyon waahh kakaexcite, tapos kasama pa kita grabe totoo ba yan waaahh". Excited lang ako ano ba.
Hindi ko alam pero ang gaan na agad ng pakiramdam ko ngayong kasama ko siya para bang magkasintahan na kami dati pa, practice lang. Malay mo bukas kami na HAHAHAHAHA.
"Please stop, sakit sa tenga" sabay takip sa isang tenga niya, habang ang isa naman ay nasa manebela. "Greatest achievement ba sayo na makasama ako". Oo kaya tanong mo pa sa akin.
"Minsan ka lang makarinig ng magandang boses ano ba" sabay tawa. "Feeling ka naman, achievement ulul"
"Oo kaya" bulong ko, joke lang yung ulul.
"Ingay mo" mahinang bulyaw niya.
"Isa lang mag papatahimik sa akin" saad ko.
"Ano naman?" takang tanong nito.
"hmm" tipid kong sagot.
Biglang siyang nag preno kaya naugtog ako sa unahan, inis akong tumingin sa kanya, ngunit gulat na tingin ang sa kanya.
"Kung sa tingin mo hahalikan kita para tumahimik ka, nag kakamali ka" mabilis niyang sabi kaya hingal na hingal ito matapos sabihin iyon.
Natawa naman ako dahil sa naisip niya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA kingina, pagkain ang nasa isip ko pero halik nasa isip mo, nice idea".
Natawa na naman ako kaya naman inis na inis na siya, maya maya ay nakarating na kami sa mall, nauuna siyang mag lakad kaya hinabol ko siya, hanggang sa maabutan ko na siya.
"May lakad ka ba ang bilis a" habang hinahabol ang hininga.
"Mabagal ka lang talaga" nauna siya ulit, tumigil muna ako saglit at saka siya hinabol, nakarating kami sa jollibee at humanap na ng maayos na upuan. Pikon HAHAHAHAHA.
"Anong gusto mo?" Secret charot.
"Ikaw?" gets ka niya, pretty pls.
"S1 ikaw ba?" slow ampotek.
"Ganoon na lang din slow".
Tumango na lang ako at umalis na rin siya, may pa kaslow pala ampotek.
Okay lang crush pa din kita uwuuu~.
At dahil masyadong mahaba ang pila sa counter ay nag laro na lamang ako ng Temple Run, tuwang tuwa ako dahil di pa ako nahuhuli ng mga unggoy, left right side slide wieeeeee, go babyy we can do it, habang busy sa pag lalaro ay bigla may kumuha sa cellphone ko, inis akong tumingin sa kanya ngunit nawala rin ito, Im behave baby. Bumalik siya ng walang dalang pagkain yawaaa gutom na ko.
"Uhmm anyare sa nilalaro ko?" sabay kuha sa kanya.
"Ewan ko" sabay kibit balikat.
Nakita ko namang talo na ako dahil sa hindi malamang kadahilanan. Waahh epal talaga grrr, alam mo bang arrghhh gusto kong mag laro uwuuu.
I opened my twitter acc, I posted a tweet.
My heart fluttered while typing, girl I'm so happy sino ba naman di matutuwa kasama mo crush mo hehe slow nga lang."Oh ba't ka ngumingiti diyan" takang tanong niya.
"Kamukha mo kasi yung unggoy sa nilalaro ko" bleehh.
"Ah unggoy" lumapit naman siya sabay hila sa pisngi ko.
"yaaa!!!! masakit walanjooooo, bitaw o ipupokpok ko ito sayo".
Ginaya naman niya ang ginawa ko, dumila siya at nilagay ang dalawang kamay sa ulo. Potangna bakit ang unfair ang cute niya. Sabi na e unggoy talag ito.
Panay asaran lang ang nagawa namin, hanggang sa mag sawa kami HAHAHAHAHA. Pero never mag sasawa sa kanya uewuuu.
@aempriamorie
Satisfied❤️
Maya maya ay dumating na ang order namin.
"Yey!!" Masigla kong sigaw.
Tagal ko ng gustong kumain nito huhu, masaya ko na sanang lalamunin ang pagkain, ngunit napahiya ako sa ginawa niya.
Mariin siyang pumikit at pinag dikit ang kamay, ilang segundo palang ay narinig ko ang mahina niyang bulong.
"Amen" at nag simula na siyang kumain, di ako makagalaw dahil sa hiya, parang ang sama ko naman atang nilalang jsq, bigla siyang napatingin at napakunot "Problema mo?".
"Hehe uhmm you should eat na" sabay turo ko sa pagkain niya.
Sasanayin ko na ang sarili ko para sa susunod hehe, may susunod pa yan kung ayaw, pilitin natin. Walang susuko.
"Tsk parang bata" rinig kong bulong niya.
"Hoy hinayupak ka rinig ko iyon" inis kong tingin sa kanya, bata pala ha "hmm sympre baby mo ko e".
Nabulunan siya sa sinabi ko, kaya dali dali akong ibinigay ang coke sa kanya.
"Hinay hinay lang kasi, wag mo masyadong seryosohin, ako na lang seryosohin mo" napatawa ako sa sinabi ko.
"Fck, Stop It, just.. just eat ur food" sabay baling sa pagkain niya, namumula siya success.
"Ayiee kinikilig"
Tinapunan niya ako ng masamang tingin, napa surrender na din ako agad sabay tawa.
What a great day everyone mainggit kayo. bleehhh. charott