Before I met him, I thought happily ever after was just a fairytale. But now that his gone, mas naniniwala na ako. Na sa bawat takbo ng istorya na ito ay malayong malayo sa nababasa kong kwento. Patuloy na mag mamahalan ang dalawang bida at masayang bubuo ng sariling pamilya, lilibutin ang buong mundo kasama ang mga anak na siyang titibay ng kanilang samahan.Tumigil muna ako upang pakalmahin ang sarili, masyado na naman akong nag iisip ng kung ano ano, nilingon ko ang tahimik na paligid bago ulit nag patuloy sa pag lalakad.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa kanya, dala ang bulaklak sa aking kaliwang kamay, malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa aking balat, kasabay nito ang pagpatak ng luha sa aking mata. Hindi ko akalain na dito ko na huling makikita ang pangalan niya.
Atticus Xavier Elleazer Sanchez
You will always be remembered
Isa isa kong hinahawakan ang mga letra sa kanyang lapida, maayos ang pagkakaukit nito at ang pinturang itim nag papakulay rito. Unti unting nang nababasa ang pangalan niya ng mga luha ko, natawa na lamang ako ng walang dahilan
"Pasensya na... baby... iyakin e, iniwan mo e..." Hindi ko na rin malaman kung paano ito pipigilan para bang may sariling controller ang aking luha "Kamusta ka diyan, nakikita mo rin ba ang sunset sa taas... siguro.. siguro ay mas tanaw mo ito ng mas maganda".
I looked at the sky and suddenly close my eyes, I remember all the time na kasama ko siya
"Tanaw namin ang ganda ng sunset, payapa ang langit at maingay ang mga alon, para bang nag uusap sila at ipinagdiriwang ang kanyang pag babalik, andito kami sa dalampasigan di malaman kung saan dadalhin ng paa, wala rin sa plano namin ang pumunta rito, nakasuot pa ako ng pambahay at ganon rin siya
"Di ako mag sasawang panoorin ito mag damag" humilig ang ulo ko sa balikat niya at iniligay ang braso sa aking balikat "ang ganda"
"Di rin ako mag sasawang panoorin kayong dalawa" nakatingin pala siya sa akin "bukod sa sunset maganda ka ring pag masdan"
"Nays galing mambolo ha, come here baby lemme kiss you"
Umiling naman siya sa akin at tumawa, sabay pinipisil ang aking psingi
"Gusto tuloy kita picturan, wait" kinuha ko ang camera at itinutok sa kanya at nag pose naman siya agad, may stolen may fierce, may wacky lahat na ata nagawa niya
Kinuhaan niya rin ako at sa huli ay video habang nag kukulitan, isa isa kong tinignan ang picture niya at di maikakaila na sobrang gwapo niya grabe ikaw na
"Are you this handsome all the time? I can't believe that, I need to make sure. Please help me by spending 24 hours with me"Tumawa naman siya, napapadalas na rin ang pag ngiti at pag tawa niya sa tuwing nakakasama ako, pero minsan ay nag iiba ang feeling ko sa tuwing mag kahiwalay kami, bigla bigla na lang akong mag aalala kaya madalas ay tinetext ko siya
"Ano ka chixx hindi pwede uuwi na tayo maya maya"
"But baby...." sumimangot ako
"No buts"
"You don't like my butts"
"Arghh I mean no pero's" at napakamot naman siya sa ulo niya, agad ko na namang nakita na meron na naman siyang pasa sa braso nito, may maliliit at may malalaki rin
Di ko alam kung bakit napapadalas ang pag kakaroon niya ng ganon.
Binalik ko ang tingin sa alon ng tubig, ang lamig at init ng hangin at nag halo kaya maganda ang tama nito sa aking balat nakakapresko
Mag gagabi na at ilang minuto na lang ay mawawala na ang sunset napag desisyunan na naming umuwi, habang nag lalakad pabalik sa kotse ay bigla tumunog ang cellphone niya, tumingin siya sa akin na parang nag aalangang sagutin
"Di mo sasagutin baka importante, una na ako" tumango namna siya saka hinalikan ang noo ko
"Mabilis lang ito, okay I love you"
"Okay, I love you too" kumaway ako at umuna na, habang tinatahak ko ang daan pabalik sa sasakyan, ay di pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko sa kanya gustuhin ko mang itanong ay hindi ko alam kung paano
Sumilip ako kung saan siya naroon, kalma siyang kinakausap ang nasa kabilang linya, napabaling ang tingin niya sa akin at saka ngumiti".
Masyadong mapaglaro ang tadhana, kung kelan masaya ka na saka may mawawala, kung kelan kuntento ka na saka masisira.
Hindi ko alam kung ano bang naging kasalanan naming dalawa.Anong rason ng tadhana para pag tagpuin kami pero babawiin niya rin sa huli. Ano iyon free trial mga te. Grabeng free trial yan a mapanakit.
"Baby... I need to go na, alam mo naman hindi ako makakapag tagal dahil aalis na rin ako hindi ba"
Alam niya lahat ng pangarap ko, ang pag punta sa ibang bansa para doon ituloy ang buhay namin na sana ay mag makatotoo ngayon. Ngunit ako lamang ang natuloy, iniwan ako nung isa e.
Isang halik ang iniwan ko sa kanyang lapida bago tuluyang tahakin ang daan pauwi.
"Dumating ako sa hospital na may dalang cake at balloons dahil birthday niya ngayon, sobrang excited ko kasi gustong gusto ko talangang isurprise siya.
Sa bawat hakbang ko papalit sa kanyang kwarto ay biglang pag dagsaan ng mga nurse at ang kanyang doctor, gustuhin ko makipag habulan sa kanila nawala ang ngiting nakapaskil sa aking labi at naestatwa na lang ako sa aking kinatatayuan. Naluluhang napaupo sa malamig na sahig ng ospital dala ang cake, 'yong loob wala na lumipad na dahil sa panlalambot ng aking katawan.
"No not now" tuliro kong sambit, iyak lamang ako ng iyak sa sahig, nanatili ako malayo sa kwarto niya, ayokong marinig ang sasabihin ng doctor.
Maya maya pa ay lumabas na ang ilang nurse dito, kaya dali dali akong pumunta sa kwarto niya, rinig ko ang iyak ni Tita. Nadatnan ko siyang wala ng kahit ano sa katawan niya at puting tela na lang ang bumabalot sa buong katawan. Tuluyan na akong napaluhod sa sahig, pinipilit na mapatayo ang sarili, agad na lumapit si Tita para samahan ako.
Wala na siya... huli na ako..
"Tangina ako ang nasurprise ah" nangangatal kong saad, tuloy pa rin ang iyak ko at di na alam ang gagawin."
Nagising ako sa alarm ng orasan, nakarating na rin ako sa aking destinasyon sobrang hirap umalis kapag hindi ka pa okay. Si Max lamang ang nag hatid sa akin dahil busy rin ang iba. Dito ko na sa US itutuloy ang fourth year ko sa Engineering, malapit na rin naman ang pasukan dito.