We are here at his condo, bago tumulak papuntang Vigan ayon kasi ang plano namin sa susunod na gala, marami pa rin akong tanong pero hindi ko pa rin malaman kung bakit, ngayon na lang ulit kami nagkita two weeks ang lumipas. Ang laki na rin ng ipinayat niya, hindi ba siya kumakain."I'll be back okay" paalam niya, may kukunin lang daw siya dahil kulang pa ang dadalhin namin.
Habang nasa salas ay nag libot libot muna ako, simple lang ang interior ng condo, gray at white ang kulay halos lahat ng gamit niya. Malalaman mong sa kanya talaga ito.
I checked my phone if fully charged pa pero sixty percent na lang ito, wala nga pala akong dalang charger kaya pumasok ako sa kwarto niya para hanapin ang charger, I opened his drawer at even his side table pero di ko pa rin makita.
"Lintik saan niya kaya tinago iyon" nilingon ko pa ang kwarto hanggang sa makita ko ito sa mini table niya katabi ng isang envelope, agad kong kinuha ang charger at nag pasyang umalis, ngunit parang may saliring buhay ang paa ko at lumapit ulit doon upang tignan kung anong naroroon.
Siguro ay tungkol lamang ito sa magiging trabaho niya or resume since graduating na siya, dahan dahan ko itong inalis sa envelope at bumungad agad sa akin ang isang kilalang ospital tumigil ako sa pag hila ng papel, maraming pumapasok sa isip ko hindi ko alam kung tama ba o mali, bakit may roon siyang ganito.
"May sakit ba siya" umiling ako "Mukhang wala naman" may iba akong nararamdaman na dapat ay wala kaba at takot, nilaksan ko ang loob ko bago basahing muli ang mga sulat, habang binabasa agad ko itong nabitawan dahil sa lahat ng naisip ko ay isa lamang ang tumama, unti unting nag landasan ang mga luha sa aking mata, niyakap ko ang aking tuhod at doon humikbi, walang ibang pumapasok sa aking isip kundi kung paano niya nakayang hindi ito sabihin sa akin.
Binasa kong muli ang nasa papel at nag hahanap ng biro sa dulong sulat nito ngunit wala akong nakita, ito ba ang dahilan kung bakit siya biglang nawala, unti unti na namang nag labasan na naman ang luhang gusto kong pigilan, ibinalik ang papel sa dating ayos, inayos ko na rin ang sarili bago lumabas ng kwarto ayokong madatnan niya akong ganito.
Inabala ko ang sarili sa pag tingin sa paligid, kahit ang nasa isip ko lamang ay tungkol sa aking nabasa, marami akong tanong, nag umpisa na namang lumabas ng mga luha sa aking mata, dalawang kamay ang yumakap sa akin at ang pag dampi niya ng halik sa aking balikat ang siyang aking ikinagulat, ramdam ko ang kanyang pag bugtong hininga masyado itong malalim, hindi ko namalayan na andito na pala siya dahil na rin siguro sa pag iisip
"Baby.... are you still uhmm mad at me" tumigil siya habang ganon pa rin ang tayo namin " I know you're mad and upset right now, I understand" gusto kong umiyak at sabihin sa kanyang nasasaktan ako sa ginawa niya pero di ko malaman kung bakit ni isang salita ay walang lumalabas aking bibig.
Pinahid ko muna ang aking luha bago siya harapin saka ngumiti sa kanya "I know may reason ka kung bakit ka biglang nawala, uhmm Is there anything you want to share?, Baby I'll listen alam mo yan" pinipigilan ang luhang gusto na namang makalabas.
Umiling siya sa akin, at yumakap lamang, bakit hindi mo masabi sa akin, hindi ko na kaya, lumakad siya palayo at may balak na pumasok sa kanyang kwarto.
" Wala ka ba talagang balak sabihin sakin? binibigyan na kita nang pag kakataon" huminga ako ng malalim at umaasang may sasabihin siya ngunit ni isang salita ay wala akong narinig mula sa kanya "Hanggang kelan mo itatago ito sa akin ha" may piyok sa aking bawat pag sasalita "Hanggang kelan".
Agad siyang napako sa kanyang tinatapakan bago niya akong lingunin litong lito binabasa ng kanyang mata ang gusto kong sabihin.
"AML, Positive?" bakas ang gulat sa kanyang mukha, at napalitan ng pag aalala "Seriously hanggang kelan Axel hanggang kelan mo balak itago ano hanggang sa mawala ka?, potangina, bakit... bakit hindi mo man lang masabi sa akin iyan" unti unti nang lumabas ang mga luha ko, ang luhang kanina pang gustong makisama, lumalabo na ang aking paningin dahil sa pag iyak ngunit di pa rin ako tumigil.
"Para akong tanga kakaisip sayo, nag aalala ako sayo pero hindi mo man lang naisip iyon, ang daming araw na dumaan pero bakit... bakit wala ka bang tiwala sa akin na kahit anong mangyari ay dito lamang ako sa iyong tabi!?""Baby..." ang paglandas ng kanyang luhang ang mas lalong nag paluha sa akin.
"Gustong gusto kong sabihin maniwala ka.. .. naiinis ako sa tuwing lumilipas ang araw na hindi ko ito masabi sayo, ngunit sa tuwing nakikita kitang masaya, ang ngiti mo sa tuwing kasama ako sa tuwing sabay nating nakikita ang sunset, ay umuurong ako, ayoko....ayokong palitan iyon ng sakit, lungkot... dahil..dahil lumuha ka lamang nang dahil sa akin ay nasasaktan na ako... sorry i thought it was better if hindi ko sasabihin sa iyo, mahal kita.. mahal na mahal at ayaw kitang masaktan dahil lamang doon, at mas gugustuhin kong mawala na lang ng walang paramdam sayo" tumungo siya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, mababaliw na ako paano na lahat ng memories na gusto kong gawin kasama siya, paano na. Hindi pa rin akong sang ayon sa dahilan niya alam kong ngayon ay dapat ko siyang intindihin ngunit hindi ko mahanap ang dahilan na iyon.
"Mahal mo ko!?, tanginang yan pero hindi mo man lang masabi sa akin, ayaw mo kong masaktan, baby, ngayon palang na ako ang nakaalam ay nasasaktan na ako, paano pa kaya ang itago sa akin ng matagal" hindi pa rin tumigil ang luhang dumadaloy sa aking pisngi.
"I'm so sorry, please forgive me" lumuhod siya sa akin habang hawak ang aking kamay, wag mong gawin yan pls.
"Im so sorry... baby.. I know Im wrong"
Umupo na rin ako upang pantayan siya at pinahid ang pisngi na basa pa rin dahil sa kanyang luha, sumasakit ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ganyan, ayoko ng dagdagan pa ang sakit na naramdaman niya. Im here baby always here."May balak ka bang makipaghiwalay sa akin dahil baka mahirapan ako? " tumingin siya at tumango.
"Pero hindi ko ginawa dahil lamang doon, masaya ako dahil kasama kita kahit hindi ko alam kung hanggang kelan na lamang ba" lumuha na naman siya na lalong nagpahina sa akin "Kaya ko itong mag isa".
"Baby, everyone fights their own battles, but you dont have to fight them alone. I am here for you" agad ko siyang niyakap at yumakap din siya pabalik "Honestly, It.... hurts me... it hurts me baby" hikbi lang ang nagawa niya.
"Pero kaya kitang samahan sa kahit anong laban, mahal kita pls don't forget that"."Are you still mad at me?".
Umiling ako at hinalikan siya sa noo "Mahalaga pa ba iyon?" Tumango siya, hinawakan ko ang kanyang baba at ipinaharap sa akin, nasilayan ko ang mata niyang mapupungay dahil sa pagiyak, ang takot at sakit ay makikita rin doon. Marahan ko naman itong pinahid, konti na lang ay mararamdaman ko na ang buto sa kanyang mukha. Paano mo na kayang wala ako sa tabi mo.
"Oo dahil nasasaktan na kita" tumaliwas ang tingin niya sa akin at nag babadya na namang lumuha ang kanyang mata.
"Kaya kong kalimutan lahat ng sakit na pinaramdam mo, kaya kong tiisin lahat para sayo, kahit mag mukha akong tanga at desperata sa diyan mismo harapan mo, dahil alam kong sayo ako sasaya kaya pipilitin ko".
Nanginginig na ang kanyang kamay habang nakahawak sa akin, may halong lamig na rin sa bawat haplos ko doon.
"Baby.. look at me" pakiusap ko sa kanya. "I love you, please don't leave me okay".
Nagising ako dahil sa bigat na sa aking tagiliran, isang yapos galing sa kanya hindi ko na rin alam kung paano kami nakatulog ng ganito, agad ko siyang pinagmasdan mahimbing pa rin ang kanyang tulog, hinaplos ko ang makinis niyang balat papunta sa matangos niyang ilong, unti unti na namang lumabas ang mga luha sa aking mata, binalot na naman ang aking isipan ng mga malulungkot na bagay, hanggang kailan ko na lamang kaya ito masisilayan, ang isiping iyon ay di ko makakaya, niyakap ko siya ng mas mahigpit ngunit parang may mali, hindi ko maramdaman ang kanyang paghinga.