3 days after ay di na ko nakakapunta sa store dahil na rin sa maraming ginagawa padami kasi ng padami ang ipinapagawa sa amin kesyo daw kulang pa iyon para madagdagan ang grades namin, lagi na lang school at bahay routine ko, minsan ay nag aaya sila para gumala, hindi ako nakakasama dahil sa rin hectic ang mga susunod na araw gustuhin ko man ay hindi pwede, hindi ko rin nakakasabay ang iba dahil kung kelan naman ako free ay saka naman sila may ginagawa, buti na lamang ay ilang araw na lang ay matatapos na ang klase sa wakas.Habang nag lalakad ako pauwi sa condo I saw someone who's familiar to me, tinitigan ko siya hanggang sa mamukaan ko.
"Oy, Dominic, dito ka rin pala" kaway ko sa kanya.
Gulat siyang tumingin at parang inaalala ako. Sabagay ilang linggo na rin ang nakakalipas noong punta namin sa Batangas siguro ay limot na rin niya.
"AM, bestfriend ni Max, sa Batangas" pag papaalala ko sa kanya.
"Ahh AM oh i remember you the no to boys" biglang tawa niya sa akin. Ano ba yan sa daming pwedeng maalala sa akin ayon pa.
Napakunot ako bigla "Anong course mo?" ngiting sabi ko.
"Archi" tipid na sagot niya, panigurado ay nakikita niya si Elsi doon. "Ano palang kelangan mo may klase na kami maya maya e, so baka hindi kita ma accompany" dagdag pa niya.
"Wala naman, sige bye " nahihiyang banggit ko.
"Oh okay, sige take care gurl" at umalis na rin.
Ay shuta tinawag akong gurl, sayang type ko pa naman.
Nakarating ako sa unit at nahiga sa kama hawak hawak ko ang cellphone ko at nakatingin sa number niya.
"Kailangan mong lakasan ang loob mo" biglang hablot ni Rose sa cellphone ko.
Bwisit bat hindi ko siya napansin.
Agad siyang nag tipa ng mga letra at saka ito sinend sa kanya, kinuha ko naman ang cellphone at saka siya tumawa ng malakas.
"Di na uso ang yang pagiging ganyan lakasan mo loob mo, paano kung iba ang makakuha, edi talo ka" sabay pumasok sa kwarto niya at iniwan ako.
Dahan dahan kong tinignan kung anong nilagay ni Rose sa text.
"Hi AM here, uhmm you know me right?"
Kaba akong umupo ng bigla itong nag reply, nagdasal muna ako bago buksan ang kanyang mensahe.
New Message
From: Axel"Why?"
Hala teka lang inhale.... exhale.
To:Axel
"Sorry Wrong Send.... "
Potek ambobo mo naman.
Sino ba naman kasing gagawa noon, napakasamang dahilan. Inabala ko na lang ang sarili sa pag gawa ng plates, ginabi na rin ako at hindi pa rin tapos, masyadong mahirap ang isang ito ngunit sa tagal ko sa pag gagawa ay wala pa rin siyang reply. Tanga ka ba AM bakit mag rereply yon kung wrong send nga potek ka.
Lumabas muna ako ng kwarto at naabutan si Rose na nanonood, gusto ko siyang abalahin dahil gulong gulo na ako di ko alam ang gagawin, agad akong humilata at humarap sa kanya.
"Bakit ang dali lang para sa inyo ang umamin sa isang tao" nalulungkot kong sabi.
"Sympre para hindi masayang ang chance, kasi kung tutunganga ka lang diyan wala kang mapapala, di lalapit sayo ang gusto mo kung di mo sisimulan".
Agad naman akong tumango at pumasok na ulit sa kwarto, bakit noong nasa batangas ako ay ang lakas ng loob ko ngunit ngayon ay nababaliw ako pambihira. Para akong makahiyang nasagi lang ay tumitiklop na.
Maaga akong nagising at kumilos na ulit para pumasok, dumaan ako sa convinience store para tignan kung andon siya at saktong ang dating ko dahil mag isa lamang siya, I checked the time at may isang oras pa ako, bumili muna ako ng inumin at agad na tumabi sa kanya.
"Hi" awkward smiled
Lumingon naman siya sa akin at walang reaksyon "Wrong Send pa rin ba yan?".
Tumawa naman ako dahil sa sinabi niya, nahiya lang ako e "Hindi na tamang send na" inabot ko sa kanya ang isang bote at tinaggap naman ito
"Thanks para saan pala?" takang tanong niya.
"Para doon sa binigay mo".
Tumango siya at ininom ito, tahimik kaming dalawa habang pinag mamasdan ang mga taong nag lalakad sa labas, bigla akong napaisip kilala na kaya niya ako.
Tumayo ako at inilahad ko ang aking kamay sa harap niya, takang siyang tumingin at tinaggap ito.
"I'm Aempricott Amorie, AM for short, engr. student" awkward pa rin huhu
"Kilala na kita" walang reaksyon sa kanyang mukha, plain lang parang skyflakes na plain, okay nice.
Ops pahiya ako doon "Pero di kita kilala" pag kukunwari ko pero totoo talaga.
"Ow talaga ba?" may pag dududa sa kanya mata.
Ginaya naman niya ang ginawa ko "Hi, I'm Atticus Xavier Elleazer, Axel for short, engr student too".
Nagulat ako sa sinabi niya, so same kami destiny ba ito, charot 1/2.
"Ala talaga anong year?".
"4th" tipid niyang sagot, ohh graduating.
"Anong plan mo since graduating ka na ilang araw na lang".
"Review for board exam?" tumango naman ako.
Tinignan ko ang oras at malapit na mag simula ang klase, "Una na ako, text text na lang sa ayaw at sa gusto mo.......ako." sabay kindat sa kanya, nakita ko na naman ang inis niyang mukha, dali dali akong pumunta sa classroom namin buti na lamang ay di pa ako late.
Mabilis natapos ang klase at nag decide na umuwi, kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya. Ngunit hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ilang minuto ang lumipas hmm alam ko na.