Matapos ang pangyayaring iyon..Ilang araw na rin ang nakalipas hindi pa rin siya nagigising.
Hindi ako umalis sa tabi niya, kelangan andito ako once na magising siya. Kita na rin ang pagod sa mata ni Tita wala pa itong tulog kaya nag aalala na rin ako.
Bumaling ulit ako sa kanya na para bang mahimbing na natutulog lang. Sana nga natutulog ka na lang para isang yugyug lang sa kanya ay magigising na siya agad.
"Wake up na please".
Dahil na rin sa sobrang puyat at pagod ay hindi ko na naasikaso ang sarili. Kaya minsan ay napapagalitan na ako ng mga kaibigan ko, dahil kapag nalaman ni Axel iyon ay baka daw mag tampo ito.
Kaya matapos maligo ay bumalik ako sa dating sigla para na rin maging maganda ang vibes sa kwarto, aaminin kong hindi kasing taas ang energy ko pero kakayanin ko ito para sa kanya.
"Lord give me some time, I cannot take this pa" pag mamakaawa ko sa kanya.
Wag muna ngayon hindi ko po pa kaya. Hindi ko na po ata talaga makakaya.
Sa buong araw ay umiyak lang ako sa tabi niya, paulit-ulit na chinicheck kung maayos ba ang lagay niya. Lumipas ang ilang araw at ganon pa rin ang routine ko.