Natapos ang event kaya nag decide na sila na umakyat pa hotel, Marami daw kaming gagawin dahil bukas ay uuwi na kami. Susulitin ko na lamang ang natitirang oras dito."Papakilala ko kayo sa mga pinsan ko kaya dalian niyo baka andon na rin ang destiny niyo ayaw niyo yon" nag nining ning ang mata ni Max.
"Ayyy bonga ka girl, wait ready lang kami" Sigaw ni Rose sabay pasok sa cr.
Kakatapos ko mag palit ng damit, inaantay ko na lang sila I'm wearing my black maxi dress that my mom gave me 3 months ago.
I ponytail my long hair, nag iwan na rin ako ng konting strands ng buhok sa unahan."Are you ready, let's go and find our baby" Irit na sambit ni leigh she's wearing her stripped blue tank top and black short
nakalugay ang kanyang maikling buhok, mukhang pinag handaan niya ito "hindi tayo uuwi ng walang nakuha" dagdag pa niya."Mukhang si AM lang naman ata ang uuwi ng wala ng dala e" sabay sabay silang tumawa.
Grabe itong mga timawa na ito hoy may crush kaya ako cheeee.
"Ano na ang tagal niyo ready na ako" naiinip na sambit ng Elsi she's wearing lacey white top and a red short bagay sa kanyang maputing hita.
Bumaba na kami para kumain at mag picture dahil abot pa kami sa sunset ng Beach na ito, kaba at saya ang nararamdaman ko habang papunta kami sa lamesa namin, nahagip ng mata ang lalaking gusto ko, napaiwas ako ng makita ko siyang nakangiti sa akin ang cute kasi di na makita mata niya huhu, sayang di ko mapipicturan.
"Guys meet my cousins and friends" sambit ni Max.
Ngumiti kami sa kanila, naiilang ako at hindi makatingin sa lalaking ito and now he's wearing a white sando and short
tama nga ako na matangkad siya, nakakainlove ang singkit niyang mata, baby naman. Speed lang."Guys meet my friends from our school, Elsi" abay mukhang nag papaganda ito sa lalaking naka kulang brown na polo "Leigh, Rose" kaway nila sa kanilang lahat
"And lastly ang lagi kong binabanggit sa inyo si AM" gulat ako sinabi niya, nababanggit pala ako bakit kaya ano kaya iyon.Nag simula naman siya na ipakilala ang mga pinsan at ang kaibigan niya, ano kaya si crushie sa. dalawa hehe.
"And you guys" turo ni Max sa amin " Meet my couz and friends" napatango kami ngunit nakatuon lang ang paningin ko sa ibang tao "This is Miguel" yung naka brown na sando kita ko ang ngisi ni Elsi " Clarence, Jake, Marianna, Cheska, Dominic mga cousins ko" napansin ko ang babaeng kanina pa kaharutan ng baby ko, hoy awatin mo yan "Princess, Dianna, Maria".
"Maria ang desente pakinggan pero tsk di bagay mukhang malandi" bulong ko.
"AM hoy" sigaw ni Max "Okay ka lang?".
Bulong na 'yon ha narinig pa ata, sige nga crushie pakinggan mo tibok ng puso ko baka ikaw isinisigaw HAHAHAHAHA.
"Ha, ah oo hehe okay continue, nice to meet you all" I gave her a quick smile.
Pinag patuloy niya hanggang sa si crushie na ano bang pangalan mo baby "And lastly Axel mga bestfriend namin".
"Axel tsk di bagay, pwede bang baby na lang" bulong ko ulit.
"I decided na mag sama sama tayo para mag kakilanlan din" sabay tingin sa amin ni Max at kumindat. Paano ko malalapitan crushie ko kung may nakabantay. Girlfriend niya kaya, hmm hindi man lang ako natakot sa kanya ayon na 'yon?.
Pag katapos kumain madami rin silang napagusapan ngunit wala ako sa mood makisali ng matapos ay lumabas na kami nag kanya kanya sila ng pupuntahan sa beach na ito yung iba sa may kubo, sa may terrace sa may dagat, ako lang ata mag isa nakakainis wala akong choice kundi pumunta sa may puno ng niyog at umupo sa buhagin.
"Akala ko ba sama sama kakainis" sabay bato ng buhangin sa hangin. "Paano ko makakaclose si axel baby".
Inabala ko na lang ang sarili sa pag kuha ng litrato at pag titig sa magandang sunset.
"Ang ganda sana ganito na lang parati" habang naka video ang langit.
"Bakit ikaw lang mag isa rito?" gulat ako ng mapatingin sa likod, potek yung crush ko teka kalma AM dapat walang pake ha wag marupok.
"Edi samahan mo ko" taksil ka self pero di naman masama hehe.
Umupo siya sa tabi ko nakarecord pa rin ang camera ko at saka ko pinatay, natahimik kaming dalawa.
"Bakit ka andito" ani ko.
"Wala lang" kibit balikat niyang sagot.
"Asan kasama mo".
"Andoon" sabay turo kung saan, luh baliw.
Seryoso ba siya sumagot ang ikli ah, paano ko ba ito ka kausapin ang tipid masyado.
"Ahm ano nga ulit name mo? " simulan ko na kaya hehe.
"Atticus Xavier Elleazer" nakatingin pa rin siya sa langit.
"Ha?" ay potek ka bat ang haba kala ko axel lang.
"Axel for short" seryoso pa din siya, ah okay
"Ilang taon ka na pala? " sambit ko ngunit nakatingin lang sa dagat.
Ayy kuya bet!!
"21" agad na sagot niya "Hindi ko alam interview na pala ito".
Natawa naman ako sa sinabi niya "Saan ka nakatira? " dagdag kong tanong.
"May balak ka bang puntahan ako" nag tatakang tanong niya.
"Bakit gusto mo ba? ko?" napahawak ako sa tyan ko dahil sa kakatawa, kita ang gulat sa kanyang mukha tangina bat ang gwapo mo, parang hirap na hirap ang mata niya.
Inis siya e "What the f..". HAHAHAHAHA
Iniwan ko siya doon, tawang tawa pa rin talaga ako, lumingon ako sa dagat at manghang mangha pa rin sa ganda nitong taglay.
Di ko namalayan na katabi ko na pala siya,
nauna akong mag lakad ng may nakita akong magandang view at nag picture ako ng konti, pasimple ko siyang kinuhaan ng picture habang kumukuha rin siya sa cellphone niya."You like taking photos too? " singit ko sa gilid niya.
Napangiti siya "Yeah, I love capturing beautiful views".
"Thanks" bulong ko, beautiful view daw e HAHAHAHA.
Walanjong ngiti yan nakakahulog ng panty, buti na lang mabitay.
"Yeah, I love you too" napahagikhik ako sa reaksyon niya.
"Hey stop it" at nakasimangot siyang umalis, pikon ampotek.
Siguro nag tataka kayo kung bakit ako ganoon umakto, hindi lang ako interesado pero maalam ako natuto ba naman sa nakakasamang maraming experience e. Kadalasan lang ay once na magawa ko iyon mahihiya na ako sa susunod na araw na para bang hindi alam ang ginawang kalandian noong una HAHAHAHAHA.