Laking tuwa ko naman ng malamang mutual ang nararamdaman namin. Gusto ko nga sumigaw doon dahil sa tuwa pera at the same time nakakahiya rin baka mapalabas kami ng wala sa oras.Nang makauwi sa bahay ay biglang naiba ang timpla ng aking pakiramdam dahil na rin siguro sa pagod. Unti unting lumalabo ang aking paningin hanggang sa hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari.
Nagising akong nasa hospital bed maraming nakalagay na tube sa akin. Wala pa ako sa wisyo kaya pumikit muna ako hindi ko na rin alam kung anong oras na paniguradong nag aala na siya sa akin. Dumating ang doctor ko upang paalalahanan ng dapat kong gawin upang ma maintaine ko pa ang lagay ko.
Sa bawat pag tapak ko sa hallway ng condo nila, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya magagalit na siya sa akin. Kaya laking pasalamat kong naintindihan niya ako. Inaya ko siyang kumain ng dinner kahit hindi pa ako masyadong okay gusto ko lang bumawi sa kanya.
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya.
Ngumit na lamang ako bilang sagot, marami pa siyang tanong sa akin at isa na doon ang pag amin ko ng mararamdaman para sa kanya. Alam kong ang sudden ng confession ko pero doon ko lang kayang ilabas. Pinipilit niya ako kung totoo ba raw, lintik na babae mukha bang biro iyon.
Sa harap ng lahat ipinaramdam kong siya lang ang babaeng mahal ko, ipinakilala ko siya sa lahat ng tao ngayong gabi. Gusto kong maramdaman niyang totoo ang lahat at ang mahalin lamang ang tanging intensyon ko kahit hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ba ako.
Masaya ang araw na iyon kita ko ang ningning ng kanyang mata, ang ngiti hindi na mabura sa kanyang labi.
"Anong karapatan kong saktan ang katulad niya" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanya, tumatakbo siya ngayon.
Naging mabilis ang pangyayari, lumala ang sakit ko ilang araw na rin mali hindi lang araw kundi linggo na rin ang hindi pag paparamdam sa kanya. Ayaw kong makita niya akong ganito. Mas mahihirapan ako kaya nag desisyon akong patayin lahat ng cellphone ko para wala akong contact sa kanya. Alam kong mali iyon pero sa ngayon ayon lamang ang mas makakabuti.
After 2 and half weeks medyo umayos ang pakiramdam ko, inanyayahan ko siyang pumunta sa condo ko. Ngunit bago ko siya makasama ay ilang iyak mula sa kabilang linya ang aking narinig. Eto ang kinakatakot ko dahil bukod sa aking pag balik ay hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako.
"Bakit ngayon ka lang?" rinig na rinig ko ang hikbi niya, pati na rin ang mga kaibigan niya na marahan siyang pinapatahan.
"Im sorry, can you go here? "
"Okay" saka niya pinatay ang tawag.
Unti unti ng lumabas ang luha sa aking mata, ako ang may kasalanan kaya dapat hindi ako masaktan. Bago pa lang kami mag kita ay nag plano na akong isurprise siya papunta sa lugar na gustong gusto niyang puntahan. Okay na ang lahat na contact ko na ang Hotel para tutuluyan namin. Lahat ay maayos na siya na lamang ang kulang.
Naging maayos naman kami bago ako lumabas para kunin ang kulang sa aming dadalhin ngunit sa pag balik ko ay mas lalo akong tinamaan ng takot.
Wala ka ba talagang balak sabihin sakin? binibigyan na kita nang pag kakataon.... hanggang kelan mo itatago ito sa akin ha...Hanggang kelan" naestatwa ako sa aking kinakatayuan, para bang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kanyang sinabi.
Hindi ko akalain na kahit itago ko ito ng matagal, malalaman niya pa rin. It's all my fault kung bakit siya ganyan, nasasaktan ng dahil sa akin. Expected ko na naman e, kingina hindi ko akalain na ganon pala kasakit iyon kasi akala ko hindi e. Ayon na siguro ang pinaka bobo kong ginawa, Im so sorry baby..
Sa dami rami ng nagawa kong kasalanan sa kanya, wala siyang ibang ginawa kundi tanggapin at intindihin ako. Im so lucky to be with her, kahit pilitin kong makasama siya habang buhay baka wala pa ko sa kalagitnaan noon ay wala na ako. Alam kong darating ang araw na makakahanap siya ng iba, wala naman akong magagawa kundi suportahan ang gusto niya. Sa isip ko pa nga lang nakabuo na kami ng pamilya e may dalawang anak, malaking bahay. Tapos ako naman nasa trabaho samantalanh siya ay nasa bahay ay inaalagaan ang mga bata. Sympre alam kong namang malabo iyon.
Sa hindi malaman na dahilan ay nagising ako na para bang matagal na natulog, puting kisame ang bumungad sa akin at ang amoy ng ospital ang namalagi sa aking ilong.
"Tita gising na po si Axel" rinig kong sigaw ni AM
Marahan akong bumaling sa kanya at kita ko ang pag tutubig ng kanyang mata. Andito siya sa tabi ko hindi ako iniwan.
Dumating ang aking doctor at ipinaliwanag ang nangyari, lumalala na ang sakit ko at pati ibang organs ay nadadamay na rin. Nilingon ko ang babaeng nasa gilid ko, nakatungo siya simula pa noong mag simulang mag salita si doc na para bang hinahanda niya ang sarili sa anong balita ang matanggap.
"Baby..." munting sambit ko, kaya bumaling siya sa akin na pilit ang ngiti.
"Pasensya ka na at pinapahirapan kita ng ganito kalala, mahal kita kaya lalaban ako hanggang kung saan ang makakaya ko." dagdag ko pang sabi. Hinaplos ko ang makinis niyang mukha at pinalis ang luhang narooon.
Sa ilang linggo ko rito ay mas lalo lamang akong napapagod, hindi na rin ako makatayo ng ayos kaya wheel chair na ang nag papa lakad sa akin. Ang useless ko na ba, sobrang bigat ng nararamdaman ko sa tuwing napapagod sila alagaan ako.
Dumating na ang gabi, tapos na naming panoodin ang pag lubog ng araw, gusto ko sanang bago ako mawala ay siya ang kasama ko manood ng ganito sa huling pag kakataon. Nararamdaman ko na ring konti na lang ang natitira kong buhay.
"Tara batangas?, di natuloy yong sa vigan e"
pag aaya ko sa kanya, kita ko naman ang pag aalala sa kanyang mata, nag dadalawang isip dahil baka mapahamak lang ako."Sigurado ka bang kaya mo?" mahinhin niyang sambit. Ang sarap mo talagang titigan. Mamimiss ko yang ganyang mukha, tumanga ako para makumbinsi siya.
"Yes baby... I want to spend... my remaining days with.. you" pinipilit ko na lamang maging malakas para sa kanya.
"Don't say that baby.."
"Husshh don't cry na aa".
Kaya matapos mangyari iyon ay nag paalam kami sa doctor ko na kung maaari ay pagayan akong pumunta sa batangas, at buti naman ay sumang ayon ito. Kaya kinabukasan ay nag handa na kami, gustuhin mang sumama ni Mama dahil nag aalala siya sa akin. Pinilit ko lang na wag na lang dahil mas mabuting mag pahinga na lang siya sa bahay.