Chapter 13

9 3 0
                                    


Nakarating kami sa restaurant kung saan siya nag pareserve, pansin kong para hindi siya okay, masyado siyang matamlay, nag aalala tuloy ako sa kanya.

"Are you okay?" nag aalalang tanong ko. "Pwede namang bukas na lang kung masama pakiramdam mo?".

Umiling siya at ngumiti sa akin, inilahad niya ang kanyang kamay tinanggap ki naman ito sabay marahang hinala papasok sa restaurant, maganda ang lugar na napili niya, ang mga ilaw na bawat lamesa ay mayroon may mga bulaklak rin, mukhang mamahalin ang nakuha niya, isang lalaki ang lumapit sa amin at sinamahan kung saan kami uupo.

I only ordered pasta, kumain na kasi ako kanina sa bahay hindi ko naman alam na dadalaw siya, while we are waiting for our food, I asked him.

"Is this serious na talaga?" di makapaniwala "Yung kahapon, totoo ba? you called me baby" sabay hawak sa pisnge ko.

Tumawa siya dahil sa itsura ko "Yes why,
you don't believe me ano?"

"Uhm no.. yes..?"

"Ah ganon"

Bigla siyang tumayo, hindi ko malaman ang binabalak niyang gagawin, napatungo ako dahil sa hiya ng bigla siyang mag salita sa harap ng maraming tao. Pili ko siyang pinapaupo sa kanyang upuan.

"Good Evening everyone" nag bow siya sa mga tao, potek anong binabalak mo, nakuha niya ang atensyon ng lahat.

"This lady in front of me thinks that I was just joking about my confession so now I heartily want to announce and convinced HER" may diin sa parteng iyon "again that I, Axel Sanchez do love her, without any lies but with whole respect , and hoping that she believes me now" he looked at me and gave me a wink.

Lahat ng tao ay nag palakpakan, at para bang tinutulungan siyang paniwalain ako.

Ngumiti ako kanya at hinila siya paupo "Hala potek ka hoy, nakakahiya pero ang sweet ayieee".

"I never knew I was this romantic, until I fell in love with you" sabay halik sa aking palad.
"I can say you’re such a great teacher"  dagdag na saad niya.

Pumula ang pisnge ko dahil sa ginawa niya, teacher daw hoy baby kaya hmp, biglang may lumapit na batang babae sa tabi ko may dala siyang rosas na pula nakangiti ito at kuminang ang mu-munting mga mata "Ate, kuya loves you po" sabay ngiti sa akin "I hope i find someone like him po" tumabok na siya pabalik sa kanyang magulang.

"Ay idol na ikaw nung bata naks naman" natatawa kong sambit.

"Easyhan ko lang" Sabay tawa niya, agad na dumating ang pagkain namin, pumikit kami at nagsimula ng mag dasal.
Natapos kami at umalis na rin agad, napagdesisyunan namin na mag lakad lakad muna at damhin ang lamig ng hangin, hinawakan niya ang aking kamay habang pinag mamasdan ang paligid, pansin kong kahit gabi na ay maganda pa rin ang mga ilaw sa labas, marami pa ring tao na nakatambay, bigla siyang tumigil at niyakap ako ng mabilis.

"Thank you for accepting me, masaya ako" at niyakap ko din siya pabalik.

"If I could just press pause, in this moment, I'd stay right here in your arms" hinigpitan ko ang pagkayakap ko sa kanya ayaw kong bumitaw, kasi parang anytime pwede siyang mawala sa akin.

Bigla kong narinig ang tawa niya "I glue na kita gusto mo?".

"Yes please" sabay nguso sa kanya, mas gugustuhin kong nakaglue sa kanya.

Natapos ang kasiyahan namin, ng makauwi ako sa condo, kahit sa aking pag higa ay siya ang nasa isip ko, I post a picture of us eto yung kanina. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang binabalik balikan ang masaya naming litrato.

@aempricious

Man❤️ @xaviery

While I'm scrolling at my feed, I saw a picture of me, smiling while watching the lights, and one video of me again while laughing, eto yung tumakbo dahil inasar ko siya non. Mas napangiti ako dahil sa caption na nilagay niya.

@xaviery

amorie❤️

Maaga akong nagisig at visible pa rin sa aking labi ang magandang ngiti. Kay gandang umaga.

"Good Morning Philippines" sigaw ko sa buong unit.

"Hoy ang ingay mo potek ka" sigaw sa akin ni Rose.
"Ayus ang ngiti dahan dahan lang at baka mapunit ang labi ha" sabay tawa sa akin.

Nag bonding lang kaming lahat sa bahay, nanood ng kung ano ano, naglaro na parang bata.  Ngayon na lamang ulit kami nakapag ganito dahil na rin busy silang lahat, naiintindihan ko naman dahil may sarilu silang buhay.
Since summer na ngayon nag plano kami kung saan pupunta.

"Beach kaya?" Max.

"Vigan?" Elsi

"Ayy mahilig sa makaluma, ayan ba itinuro ng bebe mo" sabay tawa nilang lahat, ano iyon bakit hindi ako updated ha.

"Hoy anong bebe ni Elsi kelan pa yan?" takang tanong ko.

"HAHAHAHAHA lagi ka kasing asa bebe mo e, napag iiwanan ka tuloy ng chismis" humalagapak naman sa tawa silang lahat.

Kakasura hmmp hindi man lang ako binalitaan e kakainis grrr.

Habang busy kami sa pag uusap, biglang tumunog ang phone ko, agad akong tumayo at pumasok sa kwarto para doon sagutin

"Hi" masiglang bati ko.

"Baby..can we go to a trip?" pag aaya niya.

Hala trip daw

"Oo naman kelan ba?" habang nakahiga sa kama.

"Uhm bukas?" potek bukas talaga "I have a reservation na kasi e, pwede kong icancel if ayaw mo ngayon".

Napatawa naman ako dahil sa kaba ng boses niya "Miss mo agad ako ha, okay baby" sympre wala ng atrasan ito.

"I always do, sunduin kita bukas" he chucked.

I agree naman at saka pinatay na ang tawag, nag impake agad ako para aalis na lang bukas, dinala ko ang camera ko at iba pang kekelanganin para sa trip namin, lumabas ako para ipaalam sa kanila na may lakad kaming dalawa bukas.

Naging mabilis ang oras siguro ay gusto na rin kaming pagkitain agad jsq mag  hinay hinay lang naman. Habang nakahiga ay marami akong naiisip mga plano na sa sarili ko muna damdamhin, mga memories na kasama siya, ang pangarap ko, ang pangarap niya, marami pa kong di alam sa kanya, kung anong madalas niyang gawin, anong favorite niyang kainin at marami pang iba.

"He stole my heart so I’m planning revenge..." natawa naman ako sa aking naisip.

"I am going to take his last name" HAHAHAHAHAHA.

Maya maya pa ay dinalaw na ako ang antok at agad na nakatulog.

Isang tunog ang gumising sa aking diwa, hinanap ko ito at agad na pinatay at bumalik sa tulog, maya maya pa ay umingay ito ulit, inis kong tinignan ang bumubulabog sa aking pagtulog at laking gulat ko na siya pala ang tumatawag.

Inayos ko ang sarili at sinagot ito "Hey baby why you don't answer my calls, what happen?" alalang ala niya, tinignan ko ang oras at alas singko na ng umaga.

"Why baby?" hikab kong sinabi.

"I'm here na kasi e" owshit oo nga pala ang aga naman niya, agad akong kumilos, at naisipang sa kotse na lang itutuloy ang iba pang gagawin. Natapos na ako at bumaba na rin.

Agad ko siyang nakitang humihikab sa labas ng kotse niya, at bigla siyang ngumiti ng makita, tumakbo ako papunta sa kanya at agad siyang niyakap.

"Good Morning" sabay halik sa aking noo.

"Good Morning din" ngiti kong bati sa kanya.

Hindi ko man alam kung saan kami pupunta, kahit kidnapin niya ako walang problema masaya naman ako kasi siya ang kasama ko.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAA

A X E LWhere stories live. Discover now