Chapter 19

6 1 0
                                    


Nakarating kami sa isang private na resort sa bantagas may roon ding beach doon sa kadu duluhan ng resort na ito.
Dahil gabi na nag pahinga na kami agad, bawal mapagod si Axel dahil baka atakihin na naman siya.

Kaya ng magising kami ay nag padala na lang kami ng pagkain sa room namin habang natutulog pa siya ay nag ligo na ako.
At hinintay siyang magising para kumain, sakto namang pag labas ko ng cr ay gising na siya, nakangiting bumaling sa akin

"Good morning sa napaka gandang kong girlfriend".

Kahit kailan talaga ay nako HAHAHAHA, para bang wala siyang sakit sa ginagawa niya.

Natapos kaming kumain at nag aya siya bandang hapon sa dalampasigan.
"Baby, can we go there?" turo niya sa dulong bahagi, agad akong tumango at itinulak ang wheelchair niya.

Sabay naming pinagmasdan ang sunset na madalas naming gustong tignan, ang ngiti sa kanyang mukha ang nag paluha sa akin, hanggang kelan kaya kita makikitang nakangiti, hanggang ngayon na lang kaya?, makakaya ko bang ako na lang mag isa? nawala ang mga nasa isip ko ng tawagin niya ako ulit.

"Baby... pag masdan mo iyon" turo niya ulit doon, agad naman akong lumingon sa araw na malapit ng tumama sa dagat, "Baby.... may kwento ako tungkol sa araw na may minamahal na dagat" kahit pag sasalita ay nahihirapan na siya.

Tumango naman ako at umupo sa buhangin, at umayos para makinig sa kwento niya.

"Osige nga parinig nga ng kwento mo" pilit kong ngiti sa kanya at ngumiti rin siya, di ko alam pero naluluha na naman ako. Be strong baby.

Tumango siya at nag simula ng mag kwento " Isang araw ay wala pang gabi sa buong mundo, may roong makisig na araw na nagpapaliwanag sa buong paligid, mag isa lang siyang nag lalakbay at masayang nangniningning, ngunit isang araw habang naglalakbay siya ay bigla niyang napansin ang magandang dagat" pinag masdan ko siya at kita ang ngiti niya habang nakaharap pa rin sa dagat.
"Tila na love at first sight siya sa kinang ng tubig nito, naisip niyang lumapit sa dagat ngunit pinigilan siya ng mga bituin ang tagapag bantay niya, gustong gusto niyang lumapit doon sa dagat at yakapin ito".

"Anong nangyare? sinunod ba ng araw ang bilin sa kaniya ng mga bituin?" Imbis na sagutin niya ako ay pinag patuloy niya ang kwento.

"Sinabi ng bituin na oras na lumapit siya rito ay mag lalaho siya at mag kakaroon ng kadiliman, malulungkot ang dagat at mahihintay ito sa kanyang pag babalik, oras na sila'y mag kasalubong ay hindi ito mag tatagal at lilisan din siya, gusto niyang malungkot ngunit nanaig sa kanyang isipan na baka ayaw lang nila na malayo siya rito, alagad ito ng kanyang ama na si buwan mga loyal kasi ang mga iyon sa hari ng kalawakan".

Tumango naman ako, at nakinig pa rin sa kwento niya, tila bawat salita niya ay may kahulugan ngunit di ko ito matuklasan, nag babadya na namang lumabas ang luha sa aking mata.

"Habang mahimbing na natutulog ang mga bituin ay tinakasan niya ang mga ito, at nag tungo ang araw kung saan naroon ang dagat, kinausap niya ito at sila nag nakamabutihan, mas malalo siyang nahulog dahil sa ganda ng kanyang alon, naisipan niyang lumapit, malapit na malapit ngunit biglang umiyak ang dagat at pinigilan siya nito, sinabi niya na ayaw niya itong mawala".

Napaluha ako dahil sa sinabi ng dagat, kahit ako ay nasasaktan dahil ayaw ko ring mawala ang taong mahal ko. Mawalay nga lang ako sa kanya ay mababaliw ako paano pa kaya ang mawala siya ng tuluyan.

"Ngunit sinabi ng araw na hindi iyon totoo, kaya lumapit siya, naging maganda ang repleksyon niya sa tuwing siya ay papalapit sa dagat, naging kahel ang dating asul na dagat at ang langit ay may ibat ibang kulay, ngunit habang papalit na ito at ilang hakbang na lang ay dadampi na ang kanyang kamay sa dagat ay bigla nagkaroon ng kadiliman, lumabas ang kanyang ama at siya ay pinarusahan na sa tuwing lalapit sila sa isat isa ay siya'y mag lalaho at di mag kakatagpo ng matagal, nagalit ang bituin sa kanya kaya mas lalo siyang nag lakbay mag isa at nalungkot, ngunit sa tuwing makikita niya ang dagat ay sumasaya siya, mag hihintay nga lang ulit siya ng mahabang oras para masilayan siyang muli" may luhang lumabas sa kanyang mata, at napaluha na rin ako, lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, mas lalo akong napaluha sa kanyang sinabi.

"Ako ang araw at ikaw ang minamahal kong dagat, alam kong masisilayan na lang kita sa taas na kahit mag kalapit man tayo ay hindi na tayo mag tatagpong muli, ngunit tandaan mo na ikaw ang dagat nag papasaya sa akin" inayos niya ang wheel chair paharap sa akin sabay hawak sa aking pisngi at humalik sa aking noo.

Lumuha kaming dalawa, ang hikbi niya ang mas lalong nag paiyak sa akin, agad ko siyang niyakap at humikbi pa ng matagal.

"Kaya mo... kaya mo na namang mag isa di ba?" sabi niya habang humihikbi, umiling ako habang nakatungo "Alam kong... alam kong kaya mo" may piyok na sa bwat salita niya.

Lumuhod ako paharap sa kanya at hinawakan ang parehas niyang kamay "Pwede bang wag mo na lang akong iwan?"
pinahid niya ang luha sa aking pisngi "Pwede naman iyon di ba?"

Umiling siya "Pasensiya na at pinaluha kita ng ganyan, I'm so sorry baby" at humalik sa aking noo "I hate this, i hate seeing you crying because of me".

"I love you" habang nakatingin sa kanya ay tuloy pa rin ang pagluha ko.

Nag tagal pa kami roon hanggang matapos ang liwanag at angkinin na ng gabi ang buong paligid.

A X E LWhere stories live. Discover now