AWB 1

8.5K 178 3
                                    

ERIN'S POV

Maaga akong nag-ayos para maaga akong makapunta sa Stary Hub.

Medyo nakaka-stress lang ang araw na to, bukod sa ang tagal ng asawa ko dumating, nawawala pa ang phone ko.

Tatlong taon na rin naman kaming kasal ni Syd. Pero hindi pa kami binibigyan ng anak. Iniisip ko, ano pa nga bang kulang sa akin?

Maganda naman ako? Sexy! Mayaman! At higit sa lahat loyal. Well, never naman nagloko ang asawa ko.

Kampante ako, sa ganda ko ba naman to? May balak pa siyang magloko?

Sa inis ko, inihagis ko ang isang bagay na nahawakan ko. Hindi ko pa rin nahahanap ang phone ko! Alas sais na ng gabi. Bumaba na lang ako sa sala para hanapin si Manang.

"Madam?" bungad niya sa akin habang may hawak na pamunas.

"Manang, pakisabi kay Syd nauna na ako. Hindi ko mahanap ang phone ko eh. Pakihanap na lang din please," sabi ko pa bago ako lumakad palabas.

Naglakad ako sa parking lot ng bahay namin. Medyo nahirapan akong maghanap sa kotseng gagamitin ko.

Actually, hobby namin ni Syd ang mag collection ng cars. Hindi lang yon marami rin.

Nasa dulo pa kasi ang kotse na madalas kong ilabas. Nang makarating ako agad akong napangiti.

My Mercedes-Benz Maybach Exelero. Pagbukas kong pinto. Amoy palang, mayaman na. Well, that's me Erin Xcyl Fournier.

Nag-drive na ako palabas ng bahay. Hindi naman ma-traffic kaya mabilis akong nakarating sa Starry.

Mamaya ko na lang kakausapin si Syd pag-uwi ko. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi napunta doon sa starry.

"Good Evening Madame Erin!"

Nilagpasan ko na lang siya bago ako dumiretso sa office ko. Inilapag ko doon ang gamit ko bago ako lumabas.

Paglabas ko pa lang ay bumungad sa akin ang maingay na Club.

"OMG! You're here! Hulaan ko, wala pa si papa Syd no?" sabi sa akin ni Sabbey habang nakangiti.

"Kung nasa bahay na siya, edi sana wala ako dito," mataray na sabi ko sa kaniya.

"Ang taray mo naman bakla, nanghuhula lang naman yung tao," nakangusong sabat niya.

"Ang gwapo niya! Girl! Look! OMG! Okay lang ang ayos ko?" natatarantang tanong niya sa akin at humarap pa sa mismong mukha ko.

"Sab, guest ka dito hindi bayaran. Tigilan mo nga yang kakalandi mo. Baka mamaya may asawa na yan no!" mataray na sabat ko habang nakataas ang kilay.

"Ay wow! Coming from you talaga? Nag-asawa ka lang naging maria ka na? Eh mas malala ka pa nga sa akin noon!" sabi niya pa.

Hindi ko na siya sinagot pa. Hahalungkatin na naman niya ang past ko.

Matagal ko na ngang kinalimutan pero pilit niya pa ring binabalik!

"Huwag ka na ngang mag-inarte! Ang gwapo kaya nila! Look! Ang hot pa ng isa oh!" kinikilig na tili niya. Napa-sigh na lang ako.

"Napaka-KJ mo ha! Parang dati lang pinagmamalaki mo sa akin na walang magpapabago sayo! Hmp!"

"Hoy, Sabbey Co! Manahimik ka na, naririndi na ko sayo. Napakaingay mo!" sigaw ko.

"Oh? Baka pati alak tatanggihan mo? Hoy! Ipapa-alala ko lang sayo ah? Nag-asawa ka lang, pero hindi ka nagmadre!" sabi niya sabay abot ng isang basong vodka sa akin. Tinitigan ko pa iyon at nag-alangang kunin.

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon