AWB 3

3.7K 130 4
                                    

ERIN'S POV

"Where are you going?" tanong ko kay Syd habang nakadungaw sa kaniya. Nagbibihis siya.

"May importante akong meeting, Wife."

Napataas ang kilay ko, meeting?

"Wala akong babae, huwag kang mag-alala uuwi ako na malinis at matino," sabi niya pa at hinalikan ako sa labi.

"Wala naman akong sinabi na may babae ka, ah?" pangungulit ko.

"Nakataas ang kilay mo, I know you. Nanghihinala ka. Hindi pa sira utak ko para ipagpalit ka sa kahit na sino," sabi niyabago ako hinarap.

"Huwag ka nang mag-alala. This is the meeting only," sabi niya.

Nakumbinsi naman ako na pumayag. Wala aman ako magagawa, alangan sumama ako?

"Ingat," sabi ko na kang at hinalikan siya sa labi.

"Wait for me," sabi niya pa.

Alas kwatro na, pero pinayagan ko pa rin siyang umalis kahit medyo nakakapaghinala.

Ilang araw na siyang ganiyan, may biglaang meeting daw.

Nauwi naman siya ng maayos at wala naman akong nakikitang bakas ng lipstick. Hindi tulad noon, nung makita ko siya sa Stary.

May lipstick ang polo niya, hindi ko alam kung may hindi ba magandang nangyari sa kanila ni Nadia.

Natatakot din akong tignan sa CCTV. Dahil baka di ko kayanin kung sakali mang meron.

Pumayag naman siya na pumasok ako sa Stary ngayon, kailangan din ako doon. Lalo na at sabado maraming tao.

Ilang oras lang ang lumipas kaya naman nag ready na ako.

Bumungad sa akin ang mga bouncer at guard. Nginitian ko lang sila at dumiretso sa office.

Matapos kong ilagay iyon, pagpasok ko sa club, bumungad sa akin ang napakaraming tao. Kahit na sobrang laki nito. Kaliwaaan rin ang mga nakikitang naghahalikan.

Sanay na ko diyan. Ganiyan din ako dati, kung sino-sino kahalikan ko. Pero iba na ngayon, napangiti ako.

Ang daming nagbago sa akin, kaya siguro ganon na lang sila. Sinasbaing binago ako ni Syd.

Biglang naalala na nasa VIP room daw sila. Kaya naman mabilis akong pumunta doon.

Nakita ko agad naman doon sila, katabi ni Trina si Sabbey. Pero nagulat ako ng wala doon si Nadia. Ang sabi niya ay andito na siya kanina pa.

"Where's Nadia?" hindi ko napigilang hindi magtanong.

"Kanina andito yon eh, asan na nga ba yung bruhang yon?" tanong ni Sab kay Trina.

"Ewan ko ba don sa babaeng yon, parang laging may lakad," sagot naman ni Trina.

Bigla ako kinutuban. Kanina bago umalis si Syd, nag text si Nadia na ang tagal ko raw dumating.

"Where are you going?" tanong ni Trina sa akin.

"Kakarating mo lang tapos aalis ka agad?" sabat pa ni Sab.

Napaisip ako bigla, saan ko naman sila hahanapin? Napaupo na lang ako habang naka-crossed arm.

"May problema ka na naman?" tanong ni Sab habang nakatunganga sa harap ko.

Napa-sigh na lang ako. Ayoko naman magkwento, baka mamaya mali ako. Edi napasama pa si Nadia.

Ayoko rin may makaalam pa ng tungkol doon. Mabilis kong kinontact si Syd. Pero hindi niya sinasagot.

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon