AWB 9

2.7K 98 2
                                    

ERIN's POV

Tinulungan ako ni Syd tumayo. Hindi ko pa rin siya magawang kausapin. Nakita ko ang pag-aalala niy sa akin.

Nakita ko rin kung paano niya sapakin ang dalawang lalaking kumaladkad sa akin papasok.

Naguguluhan ako, kailan pa? Anong ibig-sabihin nito? Para akong isang aso na takot na takot sa amo niya.

May baril na hawak si Syd at nakatutok iyon sa tatlong lalaki.

"Boss! Maawa ka samin, hindi namin siya kilala kayya nagawa namin yon," alma ng isang lalaki na kumaladkad sa akin kanina.

"Hindi niyo kilala tong babaeng binangga niyo? Asawa lang naman ito ni Boss! Mga tanga!" sigaw ng isang lalaking naka-suit.

Hindi ko magawag mag-salita. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nila. Takot na takot sila habang nakatingin kay Syd.

Nakita ko kung paano itutok muli ni Syd ang baril niya sa tatlong lalaki. Para akong natauhan at sumigaw.

"Syd wag!" sigaw ko at lumapit sa kaniya nang akmang kakalabitin na niya yon.

Tumingin siya sa akin bago ibinaba ang baril. Kahit natatakot ako sa kaniya nilakasan ko ang loob ko. Kailangan ko siyang makausap.

"But they hurt you," sabi niya sa akin.

"Kailan ka pa naging masamang tao, Syd?" tanong ko sa kaniya. Nagulat naman siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan na itatanong ko iyon sa kaniya ngayon mismo.

"Bakit itinago mo sakin?" naiiyak na sabi ko. Ayoko kasing paniwalaan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kaniya.

"Erin... I have a reason. Please, listen to my explanation," sabi niya.

"M-Mamamatay tao ka? So tama pala si Eron?" natatawang sabi ko sa kaniya bago pekeng tumawa.

Mag-sasalita pa sana siya ng sampalin ko siya. Bago ako nagkaroon ng lakas na tumakbo palabas.

Tumakbo ako ng mabilis papuntang kotse ko pero nagulat ako ng yakapin ako ni Syd. Nanghihina ako pero mas pinili kong magsalita.

"I want to go home," sabi ko.

"Erin.."

Pumasok na ko sa loob ng kotse ko at nagsimulang mag-drive pauwi. Natulo ang luha ko habang nasa biyahe.

Bakit? Paano niya nagawang itago iyon? Hindi ako tanga para hindi malaman ang mafia.

At base sa narinig at nalaman ko, isa siyang boss ng sindikato!

Mas masakit pa pala to kesa malaman kong may relasyon sila ni Nadia.

Hindi tumigil ang luha ko kakatulo sa pisngi ko. Hindi lang ako makapaniwala na ang taong pinagkatiwalaan ko ay masamang tao.

Pumapatay siya! Paano na lang kung magalit siya sa akin? Baka isa ako sa papatayin niya balang araw.

Hindi lang iyon ang ikinatatakot ko, baka mapahamak siya dito pag binalikan siya ng mga ito balang araw. Ayokong mawala siya sa akin.

Pero bakit ganito? Hindi ko namalayan na ipinark ko na pala ang kotse ko.

"Good evening, Ma'am Erin," bati sa akin ng isang staff. Dumiretso ako sa loob.

Kailangan ko lang nito kahit ngayon lang. Masyado akong nauguluhan sa nangyari.
Tiinitigan pa ako ng lalaking barista bago ako bigyan ng beer.

Gusto siyang kausapin pero anong gagawin ko? Wala akong lakas sabihin sa kaniya ang lahat?

Kung ko ba o ang mafia? Hindi rin naman ako papayag na magsma kami na andon siya.

Muli kong tinungga ng isang baso. Medyo nakakarami na ko kaya nahihhilo na rin akko.

Maya-maya lang may tumabi sa aking lalaki. I don't know him. Kaya naman ay hindi ko siya pinansin.

"Napaka-choosy mo naman, Miss! Sandali lang naman!"

Hinawakan niya ako sa braso agad ko naman iyong binawi mula sa kamay niya.

"Don't touch me!" sigaw ko sa kaniya.

"Sandali lang miss, sasamahan kita dito sa oag-iinom!"

Muli niyang hinawakan ang mga braso ko. Pilit ko iyong pinalagan pero mas madiin niyang hinawakan iyon.

"Let me go!" sigaw ko. Maya-maya pa ay bigla na lamang siyang tumilapon sa malayo.

"STAY AWAY FROM MY WIFE, IDIOT!"

Agad naman lumapit si Syd sa akin.

"Are you drunk?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin.

"Let's go home, Hun." Naramdaman ko ang kamay niyang binuhat ako papuntang parking lot. Hindi n ako naka-imik pa.

Tahimik akong nakadungaw sa bintana hanggang sa makarating kami sa bahay.

Agad akong pumasok sa kwarto at nagshower.

Nanlalagkit na ko.
Matapos kong magshower, nakabihis na rin si Syd. Akmang hihiga na ko ng hapitin niya ko.

"Wife, sorry. Ayokolang madamay ka pa sa gulo ko. Ayokong isama ka-"

"Kayaitinago mo?" tanong ko sa kaniya.

"Wife, sorry. Naghahanap pa ako ng tamang panahon para sabihin iyon sayo."

"Ako o ang trabaho mo?"

Para namang nagulat si Syd sa sianbi ko. Ayoko ng may paligoy-ligoy pa.

"W-wife naman--"

"Ako o ang trabaho mo?" ulit na tanong ko.

Hindi siya nakapagsalita. Para bang nagiisip pa siya.

Kaya nasaktan ako, dahil para bang napakahirap niyang pumili. Hindi niya ako mapili ng isahang tanong lang.

Kaya naman medyo hinahanda ko na ang sarili k sa posibleng isasagot niya kahit na masakit.

"Silent means yes." Mapakla akong tumawa bago umupo.

"H-hindi sa ganon-"

"Pero ayon ang pinapahiwatig ng mata mo! Bukas na bukas, mag-file na ako ng annulment, para wala nang pumuna pa sa gusto mo," sabi ko sa kaniya at humiga ng kama.

"Wife, mag-usap tayo please. Pag-usapan natin to," sabi niya pa at niyakap ako.

"Wala natayong pag-uusapan! Malinaw na ang lahat na ang trabaho mo ang pinili mo over me right? Bakit pa ko magtitiis sa lalaking hindi ako ang priority?" tanong ko sa kaniya bago muling humiga.

Kahit na masakit para sa part ko, gagawin ko.

Ayokong dumating yung panahon na mapariwara ang buhay niya at ako ang masisi.

He's not choosing me, ay sobrang sakit na.

Gusto ko man siyang yakapin pero pinigilan ko. Hindi ako handa sa sitwasyong ito.

Hindi ako handa na makipaghiwalay sa kaniya ng biglaan. Pero dahil kailangan kong gawin yon. Para sa ikakabuti namin.

Kaya ko ba? Kaya ko bang hiwalayan siya ng ganon-ganon? Napapikit na lang ako, naramdaman kong umalis siya ng kwarto kaya tumulo ang luha ko.

Umalis na kaya siya? Hindi man lang ba niya ko pipigilan?

Bigla kong naisip si Nadia, hindi kaya kay Nadia siya pupunta? Kaya wala siyang balak pigilan ako dahil may balak na sila ni Nadia?

Ayoko mag-isip ng ganon pero hindi ko mapigilan. Maakit sa parte ko na makikipaghiwalay ako habang nakikita kong masaya siya sa iba. Hindi ko kaya.

Napaiyak na lang ako sa unan habang yakap ito, wala siya. Kaya wala akong mapaglabasan ng sama ng loob.

Tama si Eron, masamang tao ang asawa ko. Pero paano ko ito malalampasan? I really love him. Iisipin ko pa lang na maghihiwalay kami hindi ko na kaya. Paano pa kaya kung totoo na?

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon