AWB 13

2.5K 86 2
                                    

ERIN'S POV.

Habang nag-drive ako, hindi ko mapigilan hindi mapatingin kay Nicholai. Ano bang problema ng lalaking to?

"Honey..."

Napalingon ako ng wala sa oras ng magsalita siya. Kaya napataas ang kilay ko ng makitang nakapikot ang mga mata niya.

May problema yan sila ng asawa niya. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa daan.

Ilang saglit pa ay nakarating kami ng South ridge. Ang alam ko ay sa Mulberry rin siya nakatira.

Kaya naman tinignan ko ang phone niya at mabilis na hinanap ang address niya. Mabuti na lang at na sinabi ng guard ang bahay niya.

Malapit lang ang bahay niya sa bahay ko noon. Kaya dadaanan ko na rin si Eron para makausap siya.

Dito pa lang, tanaw ko na ang katulong napapasok sa bahay nila Nicholai. Nakita niya siguro ang kotse ni Nicho kaya napatingin siya.

"Good evening, Sir– Sino po kayo?" tanong ng isang katulong.

"Where's he's wife?" tanong ko at bumaba ng kotse.

Nakita ko naman na pumasok ang katulong para tawagin ang asawa ni Nicholai.

"Honey?"

Habang ako naman ay inaakay si Nicho palabas ng kotse niya.

"W-who are you?" tanong niya sa akin na para bang isa akong kabit ni Nicholai.

"So, ikaw ang asawa pala niya," sabi ko at dahan-dahan pinalapit si Nicho sa kaniya.

Napatingin ako sa tingin niya. Nakatingin siya sa polo ni Nicholai na bukas ang butones. Bago siya tumingin sa akin.

"Here..." Inabot mo naman sa kaniya ang susi ng kotse ni Nicholai bago ako lumakad palayo.

Hindi ko na tinignan pa ang itsura niya. Ayokong makasira ng relasyon. Pero bahala na siya sa iisipin niya. Basta ang mahalaga, totoo ako sa sarili ko.

Naglakad ako papuntang bahay ko. Actually doon nga nakatira si Eron ngayon, kakausapin ko na talaga siya.

Hindi pwedeng may galit siya habang paalis na ko. Ilang bahay lang naman ang pagitan. Matapos ang walong bahay, nakarating naman ako doon. Nakita ko na kakapasok lang ni Manang.

"Ma'am Erin!" nakangiting bungad niya sa akin.

"Manang, andiyan ba si Eron?" tanong ko sa kaniya bago ako pumasok.

"Ay opo, Ma'am nasa kwarto niya po," sabi ni manang. Dumiretso naman ako sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok. Dahil hindi naman iyon naka-lock.

Nakita ko siyang busy sa computer niya kaya naman minabuti kong umupo sa kama.

"Ang galing mo pa rin diyan, ah?" sabi ko. Nakita ko naman na napalingon siya at nagulat ng makita ako.

"Ate? What are you doing here?" tanong niya at binitawan ang mouse na hawak niya.

"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin ng diretso.

"Hindi ka naman maniniwala sa akin hindi ba? So what?" pilosopong sabi niya sa akin.

"Nagpakasal ka sa lalaking hindi mo lubusang kilala. Sa lalaking masama at pumapatay," natatawang sabi niya. Pero bawat pagsabi niya non ay alam kong may ibig-sabihin.

"I know everything, and yes! He's a mafia boss," sabi ko na ikinalingon niya. Kita ko ang mukha niyang gulat.

"You know? Pero nanatili ka sa tabi niya? Pinapahamak mo ba ang sarili mo Xcyl?!" sabi niya sa akin.

"Just calm down, we already talk about this. And we decided..."

Pinutol ko ang sasabihin ko. Nanatili siyang tahimik habang pekeng natatawa.

"We decided to leave. Pupunta kaming Spain. Doon kami maninirahan for a year," sabi ko na mas lalong kinatawa niya.

"And do you believe at him?" sabi niya sa akin.

"He's still my husband, Eron. So just please accept my desicion. Lalayo kami sa gulo," sabi ko pa. Ayokong makipagtalo sa kaniya dahil pagod ako.

"O c'mon, Xcyl! Masamang tao siya! Paano mo natitiis na tumabi sa mamamatay na taong yon? Hindi ka ba natatakot?" sabi niya at humarap sa akin.

"Ako ang natatakot sayo, Ate. Hindi natin siya kilala. Baka susunod ikaw na ang saktan niya. Mapapatay ko talaga siya, swear!" sabi niya pa.

Napangiti naman ako, alam ko naman kasing hindi niya ko matitiis.

"Thank you, Xial."

Matapos ang pag-uusap naming iyon, napag-desicion na niyang ihatid ako.

Nakakadama naman ako kahit papaano, kaya naman sabi ko sa kanto na lang ako ihatid para hindi na niya makita si Syd.

Nakarating naman agad ako sa bahay. Akala ko ay wala pa si Syd. Pero laking gulat ko nang nasa labas siya ng gate nag-aabang.

"Hun!" tawag ko sa kaniya na iki alingon naman niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Where has you been?" tanong naman niya. Napataas ang kilay ko.

"Hinatid ko ang isang costumer namin. Since taga rito lang din siya sa South Ridge," sabi ko.

"Lalaki?" seryosong tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"Lasing na lasing siya. Kailangan kong gawin-"

"Bakit ikaw pa? Hindi mo siya obligasyon! Pwede mong ipahatid sa mga staff mo." Ramdam ko ang galit sa tono ng boses niya.

"Teka nga, ano bang pinupunto mo? Na nanlalaki ako?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ba? Mas pinili mong sumakay sa kotse nung lalaking yon kaysa ipahatid sa staff mo?!" galit rin niya sigaw.

Nagsisigawan kami rito sa labas. Medyo nakakahiya lang dahil napakatahimik na rito.

"Wala ako sa mood makipagtalo sayo," sabi ko sa kaniya at dumiretso sa loob.

Nag-ayos ako ng katawan ko bago ako mulin humiga sa kama. Nasa tabi ko siya, pero wala akong ni isang salitang sinabi. Ipinikit ko ang mata ko, napagod ata ako ngayong araw.

Naramdaman ko ang paglakabay ng kamay ni Syd, at ang mga labi niya na dumadampi sa leeg ko.
Bumaba ang mga kamay niya sa dibdib ko dahilan para tanggalin ko iyon.

"Syd, Im sleeping!" sabi ko na lang.

Naramdaman ko naman na inalis niya ang kamay niya sa dibdib ko bago ako hinalikan.

"Sorry na, Wife. Ayoko lang na nasakay ka sa kotse ng ibang lalaki," sabi niya at hinalik-halikan ako sa leeg.

Medyo na-guilty naman ako, tama siya. As his wife, hindi ko dapat ginawa iyon.

Naisip ko rin kasi na kakausapin ko si Eron. Kaya nawala sa isip ko magagalit siya kapag sumakaya ko.

Isa pa ano na lang ang iisipin ng iba kapag nakita ako diba? Gaya ng asawa ni Nicholai.

Pinahatid ko ang kotse ko sa staff para lang ihatid ang costumer na lalaki.

Sinong asawa ang hindi magagali non? Medyo nakonsensya naman ako. Bukas na bukas mag-sosorry ako sa kaniya.

Pero for now, I need to rest. Medyo napagod ang beauty ko maghapon. At kailangan ko nang mag-charge for tomorrow.

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon