AWB 16

2.7K 85 3
                                    

ERIN'S POV

Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring iyon. Kaya agad kong kinuha at nakita na si Syd ang natawag.

Hindi na ako nag-alangan at sinagot ko agad iyon.

"Hon? Where are you?" tanong ko. Pero nagulat ako ng hindi siya ang nagsalita.

"Ikaw po ba ang misis niya?" tanong ng isang babae sa kabilang linya.

"Yes, who's this?" tanong ko ulit.

"This is nurse Sheena, yung asawa niyo po naaksidente, nandito po siya ngayon sa hospital," sabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Agad akong nag-drive papunta sa hospital. Kinabahan ako, may masamang nangyari kay Syd. At dahil sa kagagawan ko iyon!

Naiiyak akong nagtungo sa hospital. Dahil sakin napahamak siya.
Humahangos akong itinakbo ang hallway papuntang Emergency room. Tamang-tama lang ang paglabas ng doctor.

"Misis?" tanong niya sa akin.

"Fournier doc," sagot ko.

"Ikaw nga, so for now he's fine. Maya-maya lang ay pwede ka nang pumasok," sabi niya.

Nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya.

"Thank you, Doc!" sagot ko sa kaniya. Naiiyak ako sa tuwa at ligtas siya!

Kailangan ko siyang makausap. Kailangan namin ayusin ang gulo namin.

Ilang oras pa ay lumabas na sila. Pinapasok naman nila ako. Pagpasok ko pa lang ng pinto nakit ko na si Syd na nakahiga. Agad ko rin namang tinawagan si Ramn kanina. Kaya nakarating na rin siya kaagad.

Umupo ako sa tabi ni Syd, habang nasa sofa naman si Ramn, hihintayinpa namin siyang gumising.

***

Nagising ako ng maramdaman kong gumalaw si Syd. Nakatulog na pala ako.

"Hun?" Napatayo ako para asikasuhin at kamustahin siya.

"Bro," tawag sa kaniya ni Ramn.

Lumingon muna siya bago dahan-dahang umupo. Inilalayan ko naman siya.

"Hun, may masakit ba sayo?" natatarantang tanong ko at hinawakan ang mukha niya.

Nagulat ako ng tumingin siya sa akin. Para bang wala siyang galit sa akin. Nakatingin lang siya na parang walang nangyari.

"Hun? Are you okay? Anong masakit sayo?" tanong ko ulit. At niyakap siya. Naiiyak ako, ang daming gasa ng mukha at katawan niya.

Hindi na naman siya kumibo at nanatiling nakatingin sa akin na para bang wala siyang alam.

"Mabuti na lang at nakaligtas ka, Hun. Thank you, makakauwi na rin tayo at doon tayo mag-uusap ah?" sabi ko sa kaniya habang hawak ang kamay niya. Pero gaya kanina nakatingin lang siya sa akin na ipinagtaka ko na rin.

"Hun? May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Medyo kinakabahan ako.

"Hon? Who are you?" nagtatakang tanong niya na ikina-istatwa ko. Anong ibig-sabihin nito?

"Where I am?" tanong niya at lumingon-lingon

"S-Syd, I'm Erin. Your wife," naiiyak na sabi ko. Kadalasan kasi sa mga movie na napapanood ko tinataboy sila ng asawa nila.

Kaya natatakoy ako na baka gawin niya sa akin yon.

"I don't know you, Miss. I can't remember- ahh!" Na-alerto naman ako ng hawakan niya ang ulo niya.

Mabilis namang tumawag si Ramn ng mga nurse. At agad rin siyang inasikaso.

"Doc, what happened to my husband? Bakit hindi niya ko maalala?" tanong ko sa kaniya.

"We will check him, excuse me," sabi niya at pinalabas kami.

Naiiyak naman akong lumabas habang naka-upo sa upuan. Inalalayan ako ni Ramn habang naiyak.

"Magiging okay rin si Syd. Trust him," sabi niya.

Ilang minuto pa ang lumipas. Pinapasok na kami ng doctor. Pero hindi pa ako nakakapasok ng may dumating.

Nakataas ang kilay kong nakatingin sa kaniya.

"What are you doing here?" mataray na tanong ko kay Nadia.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito, Erin. Si Syd, so excuse me," sabi niya pero hinarang ko siya.

"Hindi ka kailangan ng asawa ko. He's fine and myself is enough to him. You may go, Nadia," sagot ko naman.

Naka-cross arm akong nakatingin sa kaniya.

"Excuse me? Misis Fournier?" tanong ng doc kaya napalingon ako at pumasok.

"Doc..."

"Hindi namin alam kung bakit nagkaganon siya, wala namang natamaang organ sa loob kaya he's safe."

Nagpasalamat naman ako, sinabi niya rin na pansamantala lang naman daw iyon. Kung sakaling hindi pa rin niya ako maalala. Magbabalik rin daw iyon.

"Hun!" Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Sorry miss, but I can't remember you. Who are you?" tanong niya.

"I'm your wife, Syd. Im Erin," naiiyak na sabi ko.

Ipinakita ko ang singsing naming dalawa. Pilit naman niya iyong inalala.

"It's okay, Hun. Kung hindi mo maalala ngayon. Ang importante ligtas ka," sabi ko sa kaniya.

"Ako si Ramn, bestfriend mo." Lumapit naman sa kaniya si Ramn at nakipag-kamay.

"Syd! Are you okay?"

Napatabi ako ng wala sa oras ng pumasok si Nadia at dali-daling nagpunta kay Syd.

"Im fine?" nagtatakang tanong ni Syd sa kaniya.

Bago pa man siya nakasagot kay Syd ay nagsalita na ako at pinatabi siya.

"She's Nadia, not your relative," sabi ko bago ngumiti sa kaniya. Nakita ko ang pagka-inis niya.

"You may leave, my husband need to rest," mataray na sabi ko sa kaniya.

Pero imbes na mainis ay ngumiti siya

"Hindi pa tayo tapos," nakangiting sagot niya.

Medyo kinabahan ako sa ngiti niyang iyon. Lalo na ngayon at alam kong alam niyang may amnesia si Syd.

Kailangan ko na siyang tuluyang ilayo sa asawa ko. Kailangan na naming makaalis sa lalong madalin panahon.

Hindi maganda ang kutob ko diyan kay Nadia. Ngiti pa lang niya kinikilabutan na ako.

"Bukas pwede niyo na siyang ilabas. Since wala namang malala ang nangyari sa kaniya," sabi ng doctor bago lumabas.

Papalabas na ko ng may sumalubong sa akin.

"Erin!" nakangiting bati ni Gonzalo kasama si Primo.

"He's fine. Kausapin niyo na lang siya. Ay wait! He's memory is temporary lost. Baka magtaka kayo," sabi ko sa kanila.

"Thanks," nakangiting sabi niya bago pumasok.

Gusto ko lang magpahangin. Mabigyan ko sila ng oras ng mga kaibigan niya.

Pero hindi maalis sa akin na maiyak at malungkot. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kung ipapa-alala ko ba sa kaniya ang lahat? O hahayaan kong kusang bumalik iyon?

Paano kung bumalik na lang siya sa mpagiging sindikato? Paano kung tuluyan niya akong itakwil?

Dapat nga ba kong magpasalamat na wala siyang maalala?

Mahirap ang ganito, hindi niya ako maalala. Ni kahit ang pangalan ko hindi niya alam. Paano kung biglang bumalik ang lahat? Napailing ako.

Hindi niya sakin gagawin yon. He loves me. Hindi ang simpleng yon ang sisira sa amin.

Ngayon dapat ang flight namin. Pero mukhang ma-de-delayed na naman. Kailangan ko munang ipa-konsulta sa doctor niya.

Bago kami umalis dito. Pag nagawa ko iyon, ilalayo ko na siya kay Nadia.

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon