AWB 29

4.2K 126 4
                                    


ERON'S POV

Maaga akong gumising at nagluto for my sister. Last night, hindi ko siya nakausap. I decided to cooked for her breakfast.

"Ate?" I shout and knock on the door. I wait for almost a minute and shout again.

"Ate? It's me, Eron." But after a few minutes, walang Erin ang lumabas.

"ATE!" I shout again. And called Manang.

"Manang Yolly! Where's the key?! C'mon!" sigaw ko. Nakita ko si Manang na papaakyat papunta sa akin.

"Sir? Ano pong ginagawa niyo diyan?" she asked.

"Where's the key? Hindi ako binubuksan ng pinto ni ate, baka kung napano na siya!" sabi ko at pilit na binubuksan iyon.

"Sir, wala hong tao diyan." Napatingin ako sa kaniya.

"Kanina pa pong madaling araw umalis si Ma'am Erin. Kaya maaga konring nilinis at nilock yan," sabi niya.

"WHAT?! Where is she going?!" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko po alam, Sir. Ang sabi niya lang gusto niyang mapag-isa ngayon," sabi niya.

Napahawak ako ulo ko bago huminga ng malalim.

Fuck you, Syd! Fuck you!

"Sir saan po kayo pupunta?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Mabilis akong nag-drive papuntang Magnolia street.

"Sir Eron?" bungad sa akin ni Manang.

"Where's Syd?" tanong ko sa kaniya.

"Sir wala ho siya dito," sabi niya.

"Tawagin mo siya manang! Wag mo siyang itago sa akin! Dahil papatayin ko siya!" nanggigil na sabi ko.

"What's happening here?"

Nagulat ako ng lumabas sa bahay nila si Nadia. What's the meaning of this? Tumawa ako ng peke.

"Asan si Syd?" seryosong tanong ko.

"He's not here. Makakaalis ka na Eron."

Pero lumapit ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Narinig ko naman ang boses ni Syd sa likod ko. Napayukom ako ng kamao.

Pagharap na pagharap ko ay biglaan ko siyang sinuntok.

"GAGO KA! ANONG GINAWA MO SA ATE KO?! PAPATAYIN KITA!" sigaw ko pero mabilis akong napigil ng mga guard.

"Kailangan kong maka-usap si Erin. Asan siya?" tanong niya sa akin.

Tumawa ako ng malakas.

"SINAKTAN MO ANG ATE KO TAPOS ASAN SIYA? EH GAGO KA PALA EH!" sabi ko sa kaniya.

"Eron, where's my wife?" tanong niya ulit at lumapit sa akin.

"Don't you dare to come near her again. Ako na ang papatay sayo, Syd. Remember that."

Lumakad na ako papasok sa kotse ko bago nag-drive. Fuck Erin! Where are you?

ERIN'S POV

Nakatanaw ako sa palubog na araw. Another day had passed again.

Marahan akong pumikit habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Kasabay ng pagpikit ko ang siyang pagpatak ng luha ko.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang nababasa ang paa ko sa nahampas na alon.

Ilang araw na ba akong nandito? Ilang araw na ba akong ganito? Nag-iisa?

Gusto ko lang ang mapag-isa. Yun lang ang kailangan ko ngayon.

Naglalakad ako ng may maapakan akong sanga.

Hindi ko alam kung bakit ko iyon pinuloy. Naalala ko noon. Dito kami nagsimula ni Syd.

Yung panahong nasa beach kami, nagkabanggan pa kami noon.

Hanggang sa naging kaibigan namin siya.

Then everything was changed after that day. Napangiti ako ng mapait.

Akala ko kasi maayos pa namin to eh, umasa ako. Umasa akong pagbalik ng alaala niya ay magbabalik na rin ang pagmamahal niya sa akin.

Ang hirap tanggapin pala. Kahit anong paghahanda ang gawin mo, kun dumating ka na sa point na yon ay hindi mo pa rin magtatangap agad.

Sobra hirap tanggapin, na yung dating mahal na mahal ka at nangako sayo ay andon na sa ibang babae.

Bumubuo ng pamilya sa iba na pinangarap niyo noon.

Ang hirap lang kasi tanggapin, lalo na sa sarili ko na hindi ako sapat sa kaniya.

Na kahit anong gawin ko, maghahanap at maghahanap pa rin siya ng iba para punan ang pagkukulang ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang tahimik ng lugar, sa ilang araw na pag-stay ko rito.

Kahit papaano nakagaan ng loob ko. Kahit papaano ay nakapag-isip rin ako.

Tinanggal ko ang singsing ko. Yung wedding ring namin ni Syd. Nakita ko doon ang nakaukit sa singsing.

'Erin 8 Syd "

Nakabaliktad ang eight, means infinite.

Handa na ba talaga ako sa desisyon ko?

Ayokong masira ang buhay ng bata dahil sa akin.

Wala siyang kinalaman sa kagagahan ng magulang niya.

Alam ko naman, kahit hindi niya sabihin sa akin. Nakikita ko sa mata niya na sobrang saya niya kay Nadia.

Kahit masakit aminin sa sarili ko na hindi ko kayang ibigay ang mga yon sa kaniya.

At alam ko rin na unti-unti na siyang nahuhulog kay Nadia. Hindi ko iyon maitatanggi dahil sa mga nakikita ko.

Imposibleng wala siyang nararamdaman kay Nadia. Dahil hindi niya mabubuntis iyon kung wala siyang nararamdaman sa kaniya.

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang nadilim. Muli kong hinagkan ang singsing na hawak ko kanina.

Panahon na...

Panahon na para pakawalan ko siya.

Panahon na para pakawalan ko ang lahat ng nararamdaman ko.

Panahon na para palayain ko siya at sumaya sa piling ni Nadia.

Panahon na para tanggapin ko ang lahat at...

Panahon na para bumangon ako.

Sarili ko naman ang uunahin ko, bago ang iba.

Sarili ko naman ang dapat kong mahalin at alagaan. Kailangan kong bumangon at harapin ang lahat.

Muli kong tinignan ang singsing na hawak ko. Pinagmasdan ko iyon.

Nagsimulang magsibagsakan ang luha ko. Huminga muna ako ng malalim at marahang hinalikan iyon.

Ilang saglit pa ay inihagis ko iyon sa dagat. Kasabay ng tuluyang paglubog ng araw.

Mahirap pero kailangan ko talagang tanggapin ang lahat. Kahit na sobrang sakit para sa akin ang gagawin ko.

Mas pipiliin ko pa rin ang dapat gawin kaysa unahin ang nararamdaman ko. Tutal man ako pero wala na kong magagawa.

Ito ang pinili ni Syd. Ang sumang-ayon ako sa lahat ng ito ay makakabuti sa amin.

Kailangan ko nang bumitaw sa taling nakakonekta sa amin.

Kailangan ko nang putulin ang mga connection namin sa isa't-isa.

Ito lang ang paraan para makabangon ako ulit. Ang tanggapin ang lahat at mag-move on.

"I GIVE UP..."

Ngumiti pa ako at lumingon sa dagat bago nagsimulang maglakad palayo.

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon