ERIN'S POV
"Hun," tawag ko sa kaniya bago lumapit. Nakatingin lang siya ng seryoso sa akin habang hawak ang laptop nito.
Dito nanggagaling ang mga ungol sa laptop. Kaya naman bahagya akong sumilip.
"Oh fuck, Nicholai!"
Nagitla ako ng marinig ang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero kahawig talaga ang boses namin ni Nicholai!
That's imposible! Tila nasasarapan ang babae sa video sa ginagawa sa kaniya ng lakaki. Hindi ako nakagalaw.
Hindi ko alam paano ipapaliwanag ang bagay na nakikita ko.
Isa lang ang alam ko, imposible ito!"H-hun, L-let me explain. H-hindi ako 'yan! H-hindi ko magagawa sa'yo 'yan..."
Hindi makapaniwalang paliwanag ko habang pinapanood namin ang scandal video.
"Don't tell us na hindi kayo nagkita ni Nicholai?" nakataas kilay na tanong ni Nadia habang nakangisi sa akin.
"N-nagkita kami. Oo, he's already drunk, kaya hinatid ko siya sa bahay nila! Pero walang nangyari samin--"
"Oh I see, you're indenial!"
Ngumisi si Nadia sa akin para mas lalo akong mainis sa kaniya.
"Hindi ako 'yan! Maniwala ka Syd, hindi ko magagawa sa'yo 'yan! May asawa si Nicholai!"
Halos maiyak ako sa harap niya para maniwala siya sa akin.
"Enough," ma-awtoridad na utos ni Syd sa amin na ikinatigil ko.
Kita sa mata niya ang galit.
Muli siyang humarap sa akin bago magsalita."I thought, I know you, but I'm wrong." Iyan ang lumabas sa bibig niya bago siya tumalikod.
"S-Syd sandali! Believe me, H-hindi ko alam 'yon! Wala akong alam. H-hindi ko magagawa sayo ang mga bagay na 'yun! Believe me."
Nakayakap ako sa kaniya habang naiyak sa likod niya.
Pero tinignan lang ako ni Syd na may halong pandidiri bago ito tumalikod at tuluyang lumakad palayo.
Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak. Hindi ko inaasahan ang lahat ng 'to. For all those years, ngayon pa kami nagkasira mag-asawa.
Hindi ko rin alam kung saan galing ang pekeng scandal na iyon! At kung bakit pati ang boses namin ni Nicholai ay gayang-gaya!
Ni ang labi ko ay hindi dumapo sa lalaking iyon.
Hinabol ko si Syd salabas, nakita kong sumakay siya ng kotse.
Hinabol ko pa rin siya pero wala siyang paki at dumiretso lang sa pag-drive.
Wala akong nagawa kundi ang mapaluhod sa gitna ng kalsada. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang gulo ng utak ko.
Nahagulgol ako habang tinatanaw angvkotse ni Syd na papalayo.
Nang mahimasmasan, nakita ko ang paglabas ni Nadia sa Bahay namin, kasabay ang pagdating ng kotse ni Trina.
Nakangiti lang siya sa akin at akmang papasok sa kotse ng hilahin ko ang buhok niya.
"A-anong ginawa mo?! P-paano mo nagawa yon?!" galit na tanong ko sa kaniya habang tinitignan siya ng matalim.
"Pwede ba, Erin. Wala akong ginagawa. May nagsend sa akin ng video," sabi niya na at ngumisi.
"Imposible yon! Imposibleng may mangyari sa amin!" sigaw ko sa kaniya.
"Wala naman akong paki kung totoo man o hindi ang scandal, si Syd ang importante dito."
"Well, posible nga pala yon. Posible yon sa mga taong inggitera," sabi ko sa kaniya.
"Say all you want, Erin. After this night, for sure, Syd will annul to you."
Nanggigil akong tinanaw ang kotse nilang papalayo.
Pumasok ako sa loob, at doon ako umiyak ng umiyak. Ilang beses ko ring tinawagan si Syd pero ring lang nang ring. Paano nangyari iyon?
Bakit ganon? Ang daming katanungan sa isip ko na gusto kong masagot. Sino ang may gawa non.
Isang tao lang ang kayang gumawa ng bagay na yon. Si Nadia, siya lang ang naiisip kong jaysng gumawa ng kagagahan na yon!
Dahil alam ko naman hindi siya maka-move on kay Syd. At hanggang ngayon ay pinagpapantasiyahan niya parin ang asawa ko.
Bagay na hindi naman gagawin ni Syd sa kaniya.
Siguro kailangan ko munang hayaan siyang makapag-isip. Alam ko namang nabigla rin siya sa nangyari.
Napapikit na lang ako. Gusto kong magpahinga pero hindi ko kayang makatulog.
Naiisip ko si Syd. Paano kung may mangyari sa kaniya?
Napabangon ako ilang oras na mula kanin pero di pa rin siya nabalik. Sinubukan kong itext si Gonzalo. Pero hindi niya raw kasama si Syd.
Sumunod kong itinext si Ramn. Pero gaya ni Gonzalo, hindi niya rin kasama si Syd.
"Say all you want, Erin. After this night, for sure, Syd will annul to you."
Naalala ko ang sinabi ni Nadia. Bigla akong natakot.
Hindi naman siguro? He loves me. At alam kong papakinggan niya ang paliwanag ko.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Hindi kami maghihiwalay ni Syd. Hindi niya ko hihiwalayan.
Pilit kong ipinipikit ang mata ko. Alas dose na pero wala pa rin siya.
Hindi ko namalayan na may tumatawag pala sa akin. Kaya naman muli kong tinawagan si Sab.
"Girl! Bakit now ka lang?! Anong nangyari? Bakit uminom si Syd?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko.
"Andiyan siya?" ulit kong tanong.
"Nag-away ba kayo? Kanina pa nang-aaway dito ng mga lalaki," sabi niya pa.
"Lalo na si Nicholai. Nagsuntukan sila!" sumbong niya agad akong napatayo at nagbihis.
"Hoy andiyan ka pa ba?' tanong niya ulit.
Hindi na ko nagsalita at pinatay iyon. Kailangan kong maabutan si Syd sa Stary.
Mabilis akong nag-drive papunta doon. Hindi ako natakot man lang na baka mabangga ako. Basta ang mahalaga maabutan ko si Syd.
Kailangan pa naming mag-usap. Kailangan ko siya.
Mabilis akong nakarating sa Starry. Sinalubong ako ni Sab."Sabi na nga, eh, wala na siya kakaalis lang," sabi niya.
"What?! Bakit pina-alis niyo?" tanong ko sa kaniya at muling lumabas ng starry.
Lasing yon! Baka maymangyaring masama sa kaniya. Kailangan ko siyang abutan. Pero hindi ko alam kung saan siya pupunta?
Nag-drive ako at nagbabakasakali na makikita ko siya o makakasalubong ko siya. Kailangan ko siyang sundan.
Tinatahak ko na ang daan patungo sa dreame cafe. Pero wala pa rin si Syd. Saan ba siya pwedeng pumunta?
Nag-aalala na ako. Tinawagan ko siya pero wala pa rin. Ring lang nang ring.
Asan ka na ba Syd? Napatingala nalang ako dito. Habang nag-iisipng paraan para lang mahanap siya.
Walang napasok sa utak ko kundi ang mahanap siya. May isang lugar akong naisip.
Hindi kaya doon siya pumunta? Sa hide out nila ng mga sindikato?
Sa totoo lang, ayoko pumunta doon. Ayokong makita siyang andon ulit.
Pero no choice na ko. Kailangan ko na siyang makita.
Lalo na't alam kong naghihintay lang si Nadia nang chance na maakit niya muli ang asawa ko.
Hindi naman ako papayag na mapunta lang siya kay Nadia.
Hindi si Nadia ang nakakapaghiwalay sa amin. Hindi ang katulad niya ang ipapalit sa akin ni Syd.
For sure hinahanap na rin yon ni Nadia. Kasama ang kasabwat niyang kabit na si Trina. Pinatong ko ang ulo ko sa manubela bago muling pumikit.
BINABASA MO ANG
A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)
Любовные романыIsang disente at maayos na babae si Erin. Kailanman ay hindi siya naghinala sa asawa niyang si Syd. Bukod sa sobrang gwapo at maganda ang pangangatawan ng asawa ay mayaman ito. Kaya hindi na siya magtataka kung lapitin ito ng mga babae. Masaya siya...