AWB 26

3.4K 96 17
                                    

ERIN'S POV

Palabas na ko ng bahay nang makasalubong ko si Nadia kasama si Trina.

"Oh! Hi, Erin!" masayang bungad n Trina sa akin with matching malawak na ngiti pa.

Nilagpasan ko sitlya at dumiretso sa pool. Magdidilig na lang ako ng halaman kaysa makausap sila. Mas nakaka-aliw pa ito.

Nagdidilig ako nang lumapit sila sa pool habang may hawak pang snacks. Tigas talaga ng mukha di ba? Pasalamat siya at pauwi na si Syd.

"OMG!" hindi ko maiwasang hindi pakinggan ang usapan nila.

"For real? OMG Nadia!" sigaw pa ni Trina na animo'y namamangha.

"Yes, I'm three weeks pregnant."

Para akong tinanggalan ng kaluluwa sa sinabi niya. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko.

"For sure matutuwa si Syd nito. Magkaka-anak na kami!" sigaw pa niya.

Pero hindi ko naririnig ang ibang usapan nila. Dahil hanggang ngayon ay naglo-loading sa akin ang lahat.

B-buntis siya? Ayaw pumasok sa utak ko lahat ng sinabi ni Nadia.

Kahit napaka-posible naman non dahil sila ang magkatabi matulog. At ilang beses pa silang mag-sex. Pero mas masakit pa to sa lahat. Ang malaman na buntis ang kabit ng asawa mo.

"Magkaka-baby na kami. Matagal na siyang humihiling sa akin nito. Mabuti na lang at nakabuo na kami."

"Congrats girl! I'm so happy for the both of you! Ninang ako, ah?" sabi naman ni Trina.

"Ano? Buntis ka?" seryosong tanong ko sa kaniya. Hindi ko na napigilang itanong ulit. Baa kasi nabingi lang ako.

Nakita ko ang pag-ngisi nilang dalawa. Na mas laokng ikina-inis ko.

"Yes. I'm three weeks pregnant. Sa wakas, mabibigyan ko na rin siya ng anak. Na hindi mo kayang ibigay sa kaniya," sabi niya at ngumiti ng napakatamis.

"Sa tingin mo matutuwa siya? Kung maalala niya ang lahat baka pandirihan ka lang niya."

Nagulat ako ng tumawa sila. Ewan ko kung bakit kinabahan ako ng hindi ko alam. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang may mali?

"If I were you, Erin. Hihiwalayan ko na si Syd. balewala ka na sa buhay niya. Ni hindi ka na nga niya naiisip, eh!" sabi pa ni Nadia.

"Like I said, hindi ako makikipag-hiwalay sa kaniya. Pipirma lang ako ng divorce paper kapag bumalik na ang alaala niya."

Muli na naman silang tumawa ni Trina. Medyo nainis na ako kaya naman nagsalita ako ulit.

"Ikaw, nabuntis ka lang niya dahil may amnesia siya. Huwag kang feelingera na may feelings sayk si Syd. Dahil simula't sa simula, ako ang pinili niya at hindi ikaw," sabi ko pero nagulat ako ng ngumisi siya. Ano bang tinatago niya?

Lumakad pa siya sa gilid ko bago nagsalita.

"At talagang naniwala kang may amnesia siya? Oh, c'mon, Erin!" Bigla silang tumawa na animo'y tuwang-tuwa.

Bigla na namang nagulo ang isip ko.

"What do you mean?" takang tanon ko. Dahil sobrang gulo na nang isip ko ngayon.

"I want to tell you something important, Erin..." nakangiting sabi niya pa.

"Walang amnesia si Syd, sinabi lang niya iyon para saktan ka. Actually, siya mismo ang lumapit sa akin para sumama sa kaniya dito." Napanganga ako sa sinabi niya.

"Hindi totoo yan!" Bahagya lang siyang tumawa bago muling tumingin sa akin..

"Bakit hindi siya ang tanungin mo? Go Erin! Ask him, tutal buntis na ko. Pwede na kami magseryosong magsama."

"Sa tingin mo maniniwala ako?" sagot ko sa kaniya. Bahagya siyang tumawa.

"Bakit? Masakit ba, Erin? Masakit ba na mas pinili akong makasama ng asawa mo habang ikaw nagpapatanga ka na may amnesia talaga siya!" sabi niya pa habang tumatawa.

Hindi ako naka-imik. Hindi ko na alam. Naghalo-halo na ang emosyon ko. Konti-konti nabubuhay ang galit sa puso ko. Pero mas lamang ang sakit.

"Don't worry. Ibibigay ko siya sayo ng thirty minutes? For sure naman, that is enough para malaman mo ang totoo," sabi niya pa.

Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko alam kung napasok pa ba sa utak ko ang lahat.

"Hon..." Bigla namang dumating si Syd.

Muli ko siyang tinignan. Bakit hindi ko agad naisip iyon? Hinalikan niya si Nadia mismo sa labi.

"Babe, may sasabihin pala ako," nakangiting bungad sa kaniya ni Nadia.

"What is that?"

"Im three weeks pregnant. Magkaka-baby na tayo!"

Nakita ko ang reaction ni Syd nang sabihin iyon ni Nadia. Sobrang saya niya nang marinig iyon. Hindi lang sa ngiti niya.

Nakikita ko rin sa mata niya ang sobrang tuwa na sinabi ni Nadia.

"Fuck! Daddy na ko!" sigaw niya at hinalik-halikan si Nadia sa labi.

"Fuck! I love you!" niyakap niya ito at muling hinalikan ang mga labi ni Nadia. Gumanti naman si Nadia ng halik.

Nakatingin lang ako sa kanila, hindi ko alam pero bakit ganito? Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Sanay naman akong ganiyan sila. Pero iba ngayon. Para akong inapak-apakan ng sobra. Para akong pinatay.

"Ang tagal kong hinintay to!" seryosong sabi niya habang nakatitig kay Nadia.

Napangiti na lang ako, yes. I know. Sobrang tagal mong pinangarap na magka-baby.

Masayang-masaya siya habang binuhat ang mag-ina niya papasok ng bahay.

Naiwan ako habang napangiti ng mapakla. Pangarap niya na bumuo ng pamilya.

At matutupad na yon. Nawala lahat ng galit ko nang makita ko ang ngiti niya.

Hindi iyon ordinaryong tuwa. Dahil ramdam at nakikita ko iyon sa kaniya.

Hindi niya man sabihin, alam kong masaya siya sa piling ni Nadia.

Isa na lang ang kulang. Isang bagay na lang anv kailangan kong gawin.

Ang tanungin siya. Ang malaman ang lahat. Iyon na lang ang kulang sa akin para matanggap ko lahat ng nangyari.

"Konting oras na lang, Syd. Bigyan mo lang ako ng ilang oras para ihanda ang sarili ko..."

Nawalan ako ng gana bigla. Lahat ng nasa isip ko, biglang nawala. Lahat ng plano ko kapag bumalik na ang alaala niya, naglaho na lang na parang bula.

Lahat nang iyon, tuluyang nawala. Ipinikit ko na lang ang lahat. Bago ako huminga ng malalim.

Ang nakakagulat lang, para bang walang luha ang pumatak sa pisngi ko. Siguro naubos na iyon kakaiyak.

Pabigat ng pabigat ang paghinga ko, bago ko naisipang umakyat sa taas. Hindi ko na sila binigyan ng pansin nang makita ko sila sa kusina habang naglalambingan.

Nagluluto si Syd habang si Nadia yakap-yakap siya.

Umakyat ako ng kwarto at hinayaan ang sarili ko Hindi ako umimik, gusto kong sumigaw pero walang nalabas sa bibig ko. Para akong nakalutang sa kawalan.

I'm tired...

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon