ERIN' POV
"Wife, maniwala ka. Wala kaming relasyon ng babaeng yon--"
Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Ginusto mo bang halikan ka ng babaeng yon, Syd?" tanong ko sa kaniya.
Agad naman siyang umangal. I saw the CCTV footage. Dahil feel ko mababaliw na ko kakaisip, kaya naman napagdesisyonan ko nang panoorin iyon.
And I saw them kissing, I know that he was drunk last night.
Pero masakit pa rin sa part ko na makita ang lahat. Mismong asawa ko na nakikipaghalikan sa kaibigan ko.
Hindi naman iyon bago lalo na ang issue na ganon, pero masakit pa rin. Lalo na kung sa iyo nangyayari..
Hindi niya ginusto yon, naniniwala ako sa kaniya. Sadyang maharot lang si Nadia, at inabuso ang kalasingan ng asawa ko.
"Wife, wala akong balak na palitan at patulan ang babaeng yon. Maniwala ka," sabi niya pa. Hindi ko alam konting suyo lang niya naniwala na agad ako.
"I love you, Erin." Hinalikan niya naman ako sa labi, ginantihan ko naman ang mga halik na iyon.
***
"Erin!" nakangiting bungad sa akin ni Sabbey, andito kami sa Dreame Cafe. Ewan ko ba dito, bakit niya ako pinatawag.
"Oh?" bungad na tanong ko sa kaniya.
Umupo ako sa harap niya, tinawag naman niya ang isanag waitress.
"One, frappucino chocolatey chips and one frappucino coffee jelly, Miss."
Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa babaeng yon.
"Bakit mo ba ko pinapunta?" tanong ko sa kaniya.
"Makikitsismis ako, so what happened to Syd?" tanong niya.
"Still my husband," sabi ko na ikinagulat nniya.
"What?!"
"Sab, Syd is my husband. Isa pa I saw everything. I heard his side also. And thatO enough." Maya-maya dumating na ang order namin.
"Well, buhay mo yan eh," sabi niya sa akin bago ininom ang milktea na kanina niya pa inorder.
Naaagaw ang atensyon namin ang isang babaeng dumating, nakalingkis siya sa lalaki.
Napatingin siya sa amin ni Sabbey"Oh, Erin, Sabbey!" bati niya bago lumapit sa amin at bineso kami.
"Oh by the way, you already know him, Erin right?" sabi niya. I saw rheguy. Siya yung sa starry last night. Yung lalaking kalampungan ni Trina. Hindi pa rin pala siya nakikipaghiwalay sa lalaking may asawa na?
"You're married?" tanong ko na ikinagulat ni Sabbey, pagtingin ko sa daliri niya, wala na ang singsing.
HIndi siya sumagot.
"A-ah excuse me, ah?" sabi ni Sab at hinila ako.
"What?" tanong ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin.
"I'm asking him, kung kasal na ba siya," sabi ko.Ano bang masama sa tinanong ko?
"Yon na nga girl! Bakit mo tinatanong yan?" ulit niya. Hindi ko siya maintindihan.
"Ano bang masama? I just want to know kung kasal na ba siya."
"Girl naman eh!"
"Sabbey, I'm a wife. Like his wife, masakit ang ginagawa nila sa asawa niya. Bakit ka magpapakasal kung ayaw mong magpatali at maghahanap ka rin ng iba?" sabi ko. Natahimik naman si Sabbey
"Masakit sa isang babae na lokohin ng mahal nila. As a woman, ito lang ang magagawa ko for her. Lalo na at alam at nakikita mo ang pang-gagago niya sa asawa niya."
Natahimik siya na tila inaaral ang mgasinasabi ko.
"Mararanasan mo rin ito, Sab. Kapag nakapag-asawa ka. Sa ngayon, wala kang pake. Pero someday, maiintindihan mo rin ako," sabi ko pa bago ako lumabas ng Dreame Cafe.
Masasabi kong nag matured na ko mula ng mag-asawa ako. Hindi ko alam kung bakit mas pinipili nila ang maging isang kabit kesa maging legal.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako dumiretso sa bahay, ipinark ko ang kotse ko sa parking lot ng club house.
Palubog na pala ang araw, tanaw ko dito ang sunset. Naupo ako sa isang bench at masayang pinagmasdan iyon.
Habang busy ako sa panonood, nakita ko ang isang babae na naka-jogging pants at naka T-shirt habang may hawak na puto pao s kanang kamay.
Hindi naman ako tsismosa pero ngayon ko lang siya nakita rito. Who's she?
Hindi sa pagmamataas, pero wala sa itsura niya na isang home owner dito sa South ridge. Pero syempre ayoko naman siya i-judge.
Napabikit-balikat na lang ako at muling tinanaw aang sunset.
Nang lumubog na ang sunset, nagdesisyon na akong umuwi.Actually, hinintay ko lang na lumubog ang araw.
Nang maka-uwi, nakita kong may bakante sa parking lot namin. So wala pa si Syd? Bumaba ako at pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ni Manang.
"Madame," nakangiting bati niya sa akin.
"Wala pa po ba si Syd?" tanong ko.
"Wala pa ho, Madame," sagot naman niya.
Kahit sabihhin niyang mahal niya ko at wala siyang balak na mahanap ng iba, hindi maalis sa akin ang hindi magduda at matakot.
Gusto ko sana siya puntahan sa office niya, kaso baka tulad noon, mabigo lang din ako. Kaya naman panghahawakan ko ang sinabi niyang mahal niya ko.
***
"Patayin niyo kapag pumalag."
Naalimpungatan ako sa narinig ko. Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Syd na may hawak na phone sa tainga niya.
"Huwag kayong sasabit. Kung may makaalam, patayin niyo," para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Anong ibig-sabihin non? Anong papatayin?
Hindi ko magawang kumilos, ara akong naistawa sa narinig ko.
"Ang gusto ko, walang sabit. Kapag kayo sumabit, alam niyo na mangyayari sa pamilya niyo..."
Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya, para akong nanginginig sa takot.
Maya-maya, ibinaba niya ang phone niya, nakita ko naman na may hawak siyang baril?
Ano to? Ano ba talagang pakay mo, Syd? Nakaramdam ako ng takot.
May mali, may nagyayaring hindi ko alam sa asawa ko. Pero paano ko malalaman kun natatakot akong harapin siya?
Itinago niya ang baril sa drawer, mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko magawang gumalaw. Ang daming katanungan sa isip ko na gusto ko malaman.
Bakit Syd? Anong itinatago mo? Baikit hindi ko alam ang bagay na ito?
Sa loob ng five years naming magkarelasyon, bakit hindi ko man lang nalaman ang bagay na ito?
"Mamamatay tao ang asawa mo, Ate."
Parang naririnig ko ang tinig ni Eron sa paligid. Hindi Kaya tama ang kapatid ko?
Na masamang tao si Syd?
Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Natatakot ako.
Natatakot ako sa maaring mangyari kung sakalaing malalaman ko ang lihim ni Syd.
Natatatkot ako na mawala siya sa akin, hindi pa ako handang mawala siya.
BINABASA MO ANG
A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)
عاطفيةIsang disente at maayos na babae si Erin. Kailanman ay hindi siya naghinala sa asawa niyang si Syd. Bukod sa sobrang gwapo at maganda ang pangangatawan ng asawa ay mayaman ito. Kaya hindi na siya magtataka kung lapitin ito ng mga babae. Masaya siya...