AWB 6

3.1K 104 4
                                    

ERIN'S POV

"Good evening, Madam," bati sa akin ng isang guard. After kong pumunta sa office ay dumiretso na ako sa loob. Gaya noon, bumungad sa akin ang napakaingay na Bar.

Maya-mayaa lang nagulat ako ng may mag-text. Si Eron.

"Ate, andito ako sa parking..."

Yan ang text niya, kaya naan pumunta akong parking. Agad kong nakita ang kotse niyang naka-park. Naninigarilyo siya, habang nakasandal sa kotse siya.

"What are you doing here? Bakit di ka pumasok sa loob?" tanong ko sa kaniya.

Hinithit niya muna ang sigarilyo niya bago tumayo at lumapit sa akin.

"Masama ang asawa mo, Ate."

Tinitigan ko siya bago muling nagsalita.

"Eron, nag-usap na tayo about this--"

"Masama siya! Kilalanin mo maigi ang asawa mo!" sabi niya. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

"Eron, please stop this! Asawa ko si Syd! Kaya kilala ko siya. Wala akong nakikitang mali sa gianagawa niya." Medyo tagilid ako sa last na sinabi ko.

"Ako na nagsasabi sayo! Masama si Syd! He's a killer--" Nasampal ko siya sa sinabi niya, sobra na siya.

"HUWAG KA NGANG TANGA, XCYL! HUWAG KANG MAGPAKATANGA SA MAMATAY TAONG IYON!" sigaw niya bago siya pumasok sa kotse at umalis.

Naiwan akong nakatutula , hindi ko alam kong papaniwalaan ko ba siya. Ayoko, natatakot ako na malaman ang lahat.

Ilang oras akong nakatulala sa parking lot, nagbalik ako sa reyalidad nang may marinig ako.

"Baby..." Napalingon naman ako, nakita ko sa di kalayuan ang dalawang tao na nasa gilid ng kotse habang naglalampungan.

"Ohh, shit!"

Napailing na lang ako bago ako pumasok sa loob. Hindi ko naman sinasadya na mabangga ang isang babae, may dala pa siyang alak kaya natapon iyon.

"I'm sorry, Miss," sambit ko. Pero laking gulat ko naman nang makita kung sino ang nabangga ko.

Avianna...

"Oh, Erin!" sabi niya.

"Avi!" bati ko sa kaniya.

"Long time no see," nakataas kilay na sabi niya habang nakangiti.

"Hmm, yeah," sabi ko na lang.

She's Avianna. Yung kasamahan ko noon sa photoshoot. Isa rin siyang artista, pero wala akong balita sa kaniya bukod sa di ko ugaling makitsismis sa buhay ng iba, hindi ako nanonood ng Tv.

Madalas raw siya dito sabi ng manager ng Stary. Palibhasa, ngayon lang ako namalagi ng ganito sa Stary. Kaya konti pa lang ang nakakakilala sa akin bilang may-ari nito.

Matapos naming magkamustahan, pumasok na ko sa loob. Ang daming tao sa dancefloor. Habang puro naglalapungan ang nakikita ko sa mga table.
Maya-maya lang may narinig akong nag-aaway.

"Malandi kang babae ka! May asawa na tong lalaking hinahalikan mo, buti nasisikmura mong makipagpalitan ng laway?" sabi ng babae.

"Kasalanan ko bang nagsasawa na ang asawa mo sayo? Look at yourself! Mayaman naman kayo pero ang losyang mo!" sabi ng isang babae.

Naka-cross arm akong nanonood sa kanila. Para akong nanonood ng sine pero live.

"Huwag kang mag-iskandalo rito!" sigaw ng lalaki. Tinignan ko siya ng maigi. May appeal si kuya, macho pa. Kaya siguro pinag-aagawan siya?

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon