AWB 17

2.7K 85 3
                                    

ERIN'S POV

Ilang araw ang lumipas mula ng i-uwi namin si Syd. Masaya ako kasi naka-uwi na siya. Pero mas malaki ang part na nalulungkot ako.

Mula kasi nung araw na inuwi namin siya, para bang ibang tao na ang kasama ko. Parang hindi na siya si Syd.

Ang laki nang nagbago sa relasyon at pagsasama namin. Hindi na siya yung tulad ng dati na sweet at palagi akong nilalambing.

Ngayon parang ibang tao na siya. Malayong-malayo sa Syd na asawa ko.

"Manang wala pa po ba si Syd?" tanong ko kay Manang.

"Wala pa po Ma'am," sagot niya bago siya tumungo sa kusina.

Kararating ko lang mula sa Starry. Matao daw kaya naman minabuti kong tulungan sila. Since wala pang exact date kami aalis.

Naghintay ako sa kwarto namin, alas onse na wala pa rin siya.

Napapadalas na ang pag-uwi niya ng gabi. Kaya naman kinakabahan ako.

Ilang oras ang nakalipas. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa paligid. Wala pa rin si Syd. Napatingin ako sa orasan. Alas kwatro na nang madaling araw.

Muli kong kinontact si Syd pero nagulat ako nang patayin niya.

Bigla akong kinabahan, ewan ko kung bakit. Kinukutuban ako ng hindi maganda.

"Asan ka na ba mahal ko?" sambit ko sa kawalan. Nakatulala lang ako habang hinihintay siyang umuwi.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto, at inuluwa noon si Syd na gume-gewang maglakad.

"Hun!" Napabalikwas ako ng tayo at inalalayan siya. Dumiretso siya sa kama.

Hindi na siya nag-abalang tumingin sa akin. Nakatulog na lang siya sa kama. Inasikaso ko naman siya at binihisan.

Matapos ko siyang punasan ay tumabi na ako sa kaniya at tinitigan ang mukha niya.

Hindi ko pa napipikit ang mata ko nang may mag-text sa kaniya. Napataas ang kilay ko at tinignan iyon.

"Nag-enjoy ako babe, see you tomorrow." Yan ang nakasulat sa text. Sumikip bigla ang dibdib ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan yon.

Sinubukan kong huminga ng malalim bago kumalma. Gusto ko siyang komprontahin, pero wala akong magawa.

Kailangan kong malaman kung sino ang babae niya!

Agad na pumasok sa isip ko si Nadia.Kaya naman nabuhay ang galit ko sa babaeng yon, siya lang naman ang kilala kong baliw na baliw sa asawa ko at desperada na makuha su Syd.

Hindi ko magawang matulog, kahit nakapikit na ako. Gusto kong malaman ang lahat.

Lumipas ang oras, pero mula noong umuwi si Sud ay hindi ko na nagawang makatulog. Iniisip ko pa rin yung babae niya. Iniisip ko kung sino at paano nangyari ang bagay na to.

"Hoy girl! Ang lalim ng iniisip mo ah?" sabi niya sa akin habang nakatigtig.
"Umuwi si Syd kaninang alas-kwatro," sabi ko.

Nakita ko naman ang pagtaray niya.

"Eh ano bang bago?" tanong niya sa akin.

"May babae si Syd." Nasamid siya nang sabihin ko iyon.

"ANO?!" galit na sigaw niya.

"Nahuli ko siya kagabi, may text yung babae. And I think na galing siya doon," sabi ko pa habang pinipigilang umiyak.

"Eh gago pala yang asawa mo-" patayo na siya pero agad ko siyang pinigilan.

"Sab, please. Hayaan mong ako an umayos nito." Nakatingin ako sa kaniya ng seryoso bago siya muling umupo.

"Im here, kung kailangan mo ng backup," sabi niya pa.

"Thank you," nakangiting sagot ko

Sa ngayon, kailangan kobsiyang imbestigahan. Kailangan kong mahuli ang babae niya. Kanina pa siya pumasok. Konti lang ang tulog niya pero pumasok pa rin siya.

Naisipan kong pumunta sa Fournier Company. Baka may maabutan ako doon.

"Ma'am Erin!" nakangiting bati ng guard sa akin.

"Kuya, huwag mo nang sabihin kay Syd na andito ako. I want to surprise him," pagsisinungaling ko.

"Eh, Ma'am, wala po si Sir dito," sabi niya at kumamot ng ulo.

"What?" ulit na tanong ko.

"Hindi po siya pumasok ngayon."

For sure andon siya sa babae niya, agad akong nag-drive papuntang condo ni Nadia.

Mabilis kong pinagpipipindotang doorbell, medyo nagtago ako para hindi niya makitakung sino ang tao.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto. Sinalubong ko naman siya.

"Asan ang asawa ko?" tanong ko sa kaniya habang naka-cross arm.
Nakitako ang bahagya niyang pag-ngisi.

"Bakit mo sa akin hinahanap ang asawa mo? Hindi ba mahal ka niya?" nakangising sagot niya habang nang-aasar na nakatingin sa akin.

"Lubayan mo kami ng asawa ko, Nadia. Kung ayaw mo magkagulo tayo," sabi ko sa kaniya.

Mukha namang wala dito si Syd, kaya naman hindi na ko nag-abalang pumasok pa at haluglugin ang unit niya.

Mahuhuli ko rin naman sila, wag lang silang papahuli sa akin. Kasi baka kung ano ang magawa ko.

May amnesia siya, kaya alam kong hindi niya alam ang ginagawa niya. Naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya for me.

Kaya gagawin ko ang lahat para mapabilis ang pag-alis namin papuntang Spain. Ayokong mag-stay pa siya dito sa magulong mundo namin.

Gusto ko nang tahimik kaming namumuhay sa malayo. Yung walang Nadia o sino mang gusto kaming paghiwalayin.

Bukas na bukas aasikasuhin ko agad ang mga papeles namin para maka-alis kami sa lalog madaling panahon.

Gusto ko, pagbalik ng ala-ala niya. Ako ang una niyang makikita. Gusto ko na pagbalik non ay malayo na kami sa lahat ng gulo.

Hindi ko naman gugustuhing mawalay sa kaniya ng ganon-ganon lang. Hanggat kaya ko, magtitiis ako.

Pag-uwi ko sa bahay, gaya ng nakasanayan. Wala si Syd doon. Bumalik na naman ang lungkot ng puso ko nang pagmasdan ang kwarto namin.

Noon, siya pa ang nasundo sa akin sa Stary. Pagdating ko andito na siya hinihintay ako.

Tapos magagalit kapag late akong nakauwi. Susuyuin ko lang at okay na kami.

Napangiti ako ng mapait. Ngayon, heto ako na ang naghihintay sa kaniya.

Hinihintay siya kung uuwi  hindi. Nagpupuyat kakahintay sa pag-uwi niya. Tapos aasikasuhin siya dahil lasing na lasing.

Busy ako sa pag emot ng sumigaw si Manang.

"Ma'am Erin! Si sir Syd po, andito na!" sigaw niya sa labas na ikinataranta ko.

Lumabas ako at napatigil ak ng makita na may kasama siyang babae. Nakalingkis sa kaniya yung babae.

Napataas ang kilay ko. So hindi si Nadia ang kabit ng asawa ko? Kundi ang pokpok na to na taga starry?

"Babe mauna na ako, andito na pala ang asawa mo," sabi niya at nahihiyang tumingin sa akin.

Nakataas lang ang kilay kong tinitigan siya.

Bago pa man siya umalis akmang hahalikan niya ang asawa ko kaya mabilis ko siyang kinaladkad palabas.

Naiinis ako! Ito pa ang babae niya? Isang mababa? Sabagay, kahit sino namang kabit ay mababa sa paningin ko.

Inlalayan ko si Syd na pumasok sa loob ng kwarto. Gusto kong magalit. Pero wala akog magawa. Dahil alam kongmay amnesia lang siya kaya niya nagagawa to..

A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon