ERIN'S POV
"I love you." Hinalikan ako ni Syd sa mga labi bago siya umalis.Medyo nagdududa pa rin ako. Pero isinawalang bahala ko na lang ang lahat ng iyon.
Since nakabihis na rin naman ako, dumiretso na ako sa garage. Ilang araw ring hindi ko naasikaso ang Stary. Dahil naging busy ako kay Syd. Gusto ko lang naman makasigurado na wala siyang iba.
Nakarating agad ako sa Stary hub, bumungad sa akin ang napaka-ingay na tugtog na nang-gagaling sa malalaking speaker.
Binati naman ako ng staff. Papunta na ko sa office, nang salubungin ako ni Gonzalo.
"Erin!" masayang bati niya sa akin at tsaka lumapit. Nakita ko naman ang iba pang-kasama niyang lalaki sa table.
"Si Erin nga pala, the owner of Stary Hub," pakilala niya sa akin. Muli kong binalingan sila ng tingin at laing gulat ko ng makita ko siya!
"Erin, si Primo, he's Zanjo and Nicholai..."
Nagkatinginan pa kami ni Nicholai nang banggitin iyon ni Gonzalo. Pero nagulat ako ng tapunan niya lang ako ng tingin.
Anong feeling niya niyan? Ngumiti lang ako sa kanila. So kaibigan pala ni Gonzalo si NIcholai?
Well, I'm not interested to him. May asawa na siya, same with me.
So sa tingin ko ay wala namang malisya na sa amin yon, lalo na't kaibigan siya ni Syd.
Saglit lang naman ako dito, since complete naman ang lahat ng staff ko.
Nag-stay ako sa counter. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako kay Nicholai. He's starring at me too?
Pero bigla niya rin iyon iniliingon sa iba, mukhang problemado ata siya?
Bakit ko ba iniisip ang problema ng iba?
Mas marami kaming problemang mag-asawa na kailangan kong ayusin at isipin kesa sa problema niya.
Ilan oras pa ang lumipas ng magpasya akong umuwi na, nag-paalam naman na ako sa manager ng bar.
Medyo madilim dito sa parking lot, kaya naman hindi ko napansin na may nabangga na pala ako.
"Sorry miss– Alex..." Hindi ko inasahan na andito siya ngayon. Balita ko kasi bihira lang siya dito sabi ng staff ko.
"Erin," bati niya naman. Magkakilala naman kami kahit papaano, like I said, kapit-bahay ko siya sa Mulberry.
"I'm sorry, hindi ko napansin," paghingi ko ng sorry.
"Nah, it's okay," nakangiting sambit niya naman.
"By the way, hindi mo man lang pinasabi na darating ka. Edi sana nag-stay pa ko ng konti," sabi ko.
"Napadaan lang naman ako, it's okay. Well, maybe in the other day?"
"Oh, sure! Why not? I'll prepare that," nakangiting sabi ko.
Nagpaalam na ko sa kaniya bago ako pumasok sa kotse ko.
Medyo nakalayo na ko sa starry ng biglaang huminto ang kotse ko.
Shit! Bumaba naman ako, mabuti na lang at dito ako sa gilid ng highway. At may mga tao pang nadaan.
Tinignan ko ang nasa harap ko at nakita ko na umusok iyon!
Shit! Hindi pa naman ako marunong mag-ayos nito! Sinubukan kong tawagan si Syd, pero out of coverage. Si Sab naman, ayaw sagutin. Fuck! Ayoko pa naman mag-commute!
Mas lalong ayoko maglakad! Kaya no choice nag-abang ako ng masasakyan pero puro kotse ang nadaan!
Ano ba naman to?! Pero nagulat ako ng may humintong kotse sa harap ko.
BINABASA MO ANG
A WIFE'S BURDEN (COMPLETED)
RomanceIsang disente at maayos na babae si Erin. Kailanman ay hindi siya naghinala sa asawa niyang si Syd. Bukod sa sobrang gwapo at maganda ang pangangatawan ng asawa ay mayaman ito. Kaya hindi na siya magtataka kung lapitin ito ng mga babae. Masaya siya...