Kabanata 3

28 4 0
                                    

Kabanata 3

Dominique's

Nakasimangot akong bumalik sa aming silid dahil sa sobrang inis sa preskong lalaking iyon, kung sino man siya at kung saang lupalop siya ng mundo nanggaling ay wala akong pakialam. Dagdag pa sa bwisit ko ang hagalpak ng tawa nitong kaibigan ko na mula pa kaninang lisanin namin ang cafeteria ay tumatawa na at hanggang ngayon, tumatawa pa din.

"Ano ba Mel?! Bakit ba tawa ka ng tawa riyan? para kang kinikiliting baboy! Ano bang nakakatawa? Mukha ba akong nagpapatawa at kung makahagalpak ka riyan ay parang wala ng bukas!" singhal ko kay Mel, imbes na huminto ay lalo lamang siyang tumawa dahil sa mga tinuran ko. Hindi na ako nagsalita pa sa halip ay tinalikuran ko na lang siya at naupo na sa upuan ko pagkapasok namin sa aming silid.

"Oh, ano ka ngayon? E 'di nakahanap ka ng katapat mo? Halla sige mang alaska ka pa riyan at nang lalo kang karmahin," tumatawang saad niya pagka-upo sa tabi ko na lalo pang nagpabusangot sa akin. Nakakainis! Sinira ng mayabang na lalaki na iyon ang napakagandang araw ko! Sana pala ay hindi na ako nagtungo ng cafeteria at binulok nalang ang sarili ko dito sa classroom namin kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, edi sana hindi ako nabubwisit ng ganito ngayon.

"Isa pang tawa mo diyan Melissa!" banta ko.

"Oh ano? Anong gagawin mo?" nanghahamon namang turan niya.

"Argh! Wala! Kainis! Napakapresko ng lalaki na iyon!" naaasar na sabi ko.

"Presko? Parang hindi naman. Actually I find him cool," nakangiting sabi niya. Yuck! Don't tell me crush ni Mel ang mayabang na 'yon ah! No way! Itatakwil ko talaga siya bilang bestfriend kapag crush niya 'yon! Aish! How I loathe that guy! He's getting into my nerves! The nerve of him to say those words in front of my face! He really is one of a kind jerk. At ano raw? Kapag naging sakanya raw ako?! Hell no! I will never fall for him. Never in my entire life.

"What the! Kadiri Mel ha! Don't tell me crush mo ang antipatikong 'yon. No way Mel! Wag kang adik!" nasusuklam na wika ko.

"Hell no, Gabriela! I said, I find him cool, hindi ko sinabing crush ko siya. Hindi ba pwedeng naaangasan lang ako sakaniya in a good way? Ang layo nang narating ng imagination mo ah," natatawang sabi niya pagkatapos ay may ibinulong pa na hindi ko naintindihan. Hindi na rin ako nagtanong dahil naging okupado ang isip ko. Pero, cool ba sabi niya? Cute kasi pagkakarinig ko e, dapat ko na talagang ipatingin sa espesiyalista ang tenga ko. Kung ano-anong masasamang salita na ang naririnig. Cute my ass! Well, cute naman siya, cut that. Actually, gwapo sana siya, kaso nga lang 'di kagandahan ang ugali. May ipagmamayabang naman siyang hitsura e, pero sana, sinamahan niya na rin ng gwapong attitude!

Bumalik na naman tuloy ang kulo ng dugo ko nang maalala ang mga sinabi niya sa akin kanina. Tsk!

Nagsiayos na kami ng upo nang dumating na ang professor namin sa Accounting. Bumalik na rin sa upuan niya si Mel na nasa harapan ko lang naman. Bakante kasi ang upuan sa kanang gilid ko kaya doon umuupo si Mel kapag ganitong break-time o kapag nais niyang makipaghuntahan sa akin.

Medyo malaki kasi ang space sa pagitan ko at sa inuupuan niya kaya lumilipat pa siya ng upuan. Ang ipinagtataka ko nga e, kung bakit hindi ko maalala kung ano ang dahilan at bakante ang upuang ito. Ito lang din ang bakanteng upuan sa loob ng silid.

Hahabulin ko pa sana si Mel upang itanong ngunit naudlot ang balakin ko nang magsimulang magsalita ang kadarating lang naming professor. Mamaya ko na lang siguro itatanong.

"Good morning, students!" panimulang bati ng aming guro.

"Good morning, Mrs. Santiago!" balik bati naman namin bilang paggalang.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon