Kabanata 9

16 2 0
                                    


Dominique's

Nakasimangot ako habang nagmamaneho. Dinaig ko pa ang namatayan sa hitsura ko. Bakit ba ako pinarurusahan ng ganito? Nagpakabait naman ako.

Naging mabuti naman akong anak, kapatid, kaibigan, at kamag-aral. Naging huwaran din akong mamamayan. Hindi nga ako nagtatapon kung saan-saan e, may mga pagkakataon ring nakikilahok ako sa mga clean up drive sa village namin. Tumutulong din ako sa mga nangangailangan, lalo na sa mga kapos palad kaya, bakit ako minamalas? Hindi naman biyernes ngayon at lalong hindi naman 13 ang date. Sabi pa nga sa horoscope ko, swerte raw ako ngayong araw! E bakit ganito? Ano? Peke ba talaga ang horoscope? Dapat ba, hindi ako maniwala sa mga ganoong bagay?

Sa gitna nang pagmamaneho ay nabaling ang tingin ko sa puno't dulo ng kamalasang nararanasan ko. Nakita kong napakalapad ng ngiti niya. Demonyong ito. Sinasabi ko na nga ba at umaarte lang ito e!

Bakit hindi na lang siya mag-audition para maging isang actor? Panigurado naman akong papasa siya sa sobrang galing niyang umarte! Damuhong 'to. Pang MMFF ang acting!

"Anong ngini-ngiti mo riyan? Masaya kana? Maging sila ma'am ay napaikot mo sa kabalbalan mo! Napaka-arte mo ah! Parang hindi ka lalaki kung umasta. Kaunti nalang talaga ay iisipin ko nang bading ka. Para napakahinang suntok lang e, kung makaarte ka akala mo ay may nawala sa iyo," mahabang himutok ko na imbes na magpainis, ay lalo pang nagpangiti sakanya. Nabuang na ang timang.

Nginisian niya ako pagkatapos ay umaktong masakit ang tiyan habang hinihimas-himas iyon. "Ang sakit kaya, bakit ba napakalakas mong sumuntok? Parang hindi ka babae. Umamin ka nga sa akin, tomboy ka ano? Kaya pala hindi kita mapaibig e, at saka, sinong bading? Halos mapabigay ka na nga sa halik ko tapos sinasabihan mo pa rin ako ng bading? Ibang klase ka talaga," natatawang sabi niya na nagpalaki sa mga mata ko.

Ginawaran ko siya nang nakamamatay na tingin bago tinalakan. "Gago ka ba?! Babae ako! Babae akong ipinanganak, at babae akong mamamatay! Wala akong balak magpabago ng kung ano man sa katawan ko! Siraulo ka! Kung suntukin kaya kita muli riyan para matuluyan kanang mamilipit at ng mawala ka na sa landas ko? Siraulong ito!" Nanglilisik ang matang turan ko.

Natawa naman siya lalo. Tupa talaga ang ina ng isang 'to! Hindi siya tao! He is a shit, I mean, sheep! "Chill, babe, nagagalit ka nanaman. Alam ko namang hindi ka tomboy e, napakaganda mo kaya," sagot niya pagkatapos ay kinindatan ako. Nawala bigla ang ngiti ko at iniwas ang tingin sa kanya ngunit agad ko rin itong ibinalik upang hindi mahalata ang tunay kong emosyon.

"Hindi ko na kailangan pang ipaalala sa akin na maganda ako, dahil pagkapanganak pa lang sa akin, alam ko na iyon. Subukan mo pang sabihan ako ng tomboy at nang makita mo," may kayabangan kong sagot kasabay nang pambabanta ko sakanya habang naka-amba ang kanang kamao.

Pinigil kong huwag humagalpak ng tawa nang makitang ihinarang niya ang dalawang kamay sa katawan. "Oh! Hinay-hinay lang! Hindi pa nga nawawala ang sakit na dulot nang lakas ng suntok mo kanina, tapos dadagdagan mo na naman? Pasalamat ka nga at hindi ko sinabi kay Mrs. Sta. Ines na ikaw ang may gawa sa akin nito eh," pangongonsensiyang aniya. Muling lumaki ang mata ko.

"Anong pasalamat sinasabi mo riyan? Dapat nga nilakasan ko pa 'yang suntok ko sa iyo para makabawi man lang ako sa mga kagaguhang pinaggagagawa mo saking nilalang ka e," asik ko. Napatawa na lang ang hinayupak at hindi na sumagot pa.

Mabuti naman at hindi na siya nagsalita. Hahaba lang lalo.

"Nandito na tayo," saad ko, napaayos naman siya ng upo. Mukhang nakahuma na mula sa malalim na pag-iisip. Nang huminto kasi kami sa pagbabangayan kanina ay napansin kong napakalayo ng tingin niya.

Tila kay lalim ng iniisip, panaka-naka rin ang pagbuntong-hininga niya. Naisip ko ngang magtanong ngunit pinigilan ko ang sariling mang-usisa pagkat hindi ko nais na isipin niyang interesado ako sakanya kahit na may kaunti nga akong interes.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon