Kabanata 14

4 1 1
                                    


Dominique's

KINAUMAGAHAN Nagising ako dahil sa marahang pagtapik sa aking pisngi at sa mahinahong boses na aking naririnig.

"Gab? Gabby my love, wake up," I heard the voice calling me. I'm not sure if I'm still sleeping and this is just a dream or someone is really calling me.

Pagmulat ko'y nakita ko ang pares ng kulay brown na mata. I got mesmerized but then... I realized something.

Nanlaki ang aking mata at napabalikwas ng bangon ng makilala ang nagmamay-ari ng matang aking nakita.

"Anong ginagawa mo rito sa loob ng kwarto ko?!" Nakasigaw kong tanong saka hinila ang comforter para ipantakip sa katawan ko. Sinilip ko pa ang ilalim nito at tiningnan ang sarili ko kung may damit pa ba ako at nakahinga ng maluwag nang makitang balot na balot pa rin ang katawan ko at may takip pa rin ang mga dapat matakpan.

Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa. I glanced at where the laugh is coming from and gave him a deadly look.

I rolled my eyes at him. "Answer my question, you punk! Why the fvck, are you inside my goddamn room? Trespassing ka! May balak kang gahasain ako ano?! Manyak ka! Rape!" Malakas kong sigaw na lalong nagpatawa sa kanya. Siraulo ang lalaki na ito. Hindi ba dapat ay kabahan na siya dahil baka kapag narinig ng magulang ko ang sigaw ko, ay kung ano ang magawa ng mga ito sa kanya.

"Wala akong balak gahasain ka. I will never do that. I'd love the thought of making love to you and making you scream my name but now isn't the right time for that. Now get up, and start fixing yourself up because' it's already 8:40 in the morning," malumanay niyang saad habang mahinang tumatawa.

Muling nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang tinuran niyang oras.

Fvck!

8:40 na?! Bakit hindi tumunog ang alarm ko?

Kinuha ko ang telepono ko para siguraduhin kung nagsasabi siya ng tamang oras at naihilamos ko na lang ang palad sa mukha nang makita ang oras. 8:40 na nga!

Tumunog din ang alarm ko! Pero bakit hindi ako nagising?! Ganoon ba kahimbing ang tulog ko?

"Kanina ka pa ba nandito?!" Pagtatanong ko. Nakakahiya, baka nakita niya kung paano ako matulog. Although, alam ko namang maayos ako matulog but still, nakakahiya pa rin. Hindi ko nga alam kung may tuyong laway pa ako sa gilid ng labi o kung may muta pa ako, o kung  nakanganga ako matulog.

Damn! This is so embarrassing!

He act like he's thinking. "Ahm? I guess... about 10 minutes ago?" He answered unsured.

What the?! Sampung minuto na siyang narito pero ngayon niya lang ako naisipang gisingin? Ano? Pinanuod niya pa akong matulog? Ano akala niya sa akin? Movie? Teleserye?.

Sininghalan ko siya. "Kanina ka pa pala nandito pero ngayon mo lang ako naisipang gisingin?"

Humagalpak naman siya ng tawa bago sumagot. "Anong ngayon lang? Pagkapasok ko kaya rito ay sinimulan ko nang gisingin ka. Sadyang tulog mantika ka lang talaga kaya hindi ka nagising kaagad. Nakanganga ka pa nga e," nakangisi niyang pahayag na nagpamula sa buong mukha ko.

The heck?!

Nakanganga ako? Nakakahiya!

"Just kidding! Ang cute mo nga matulog e, you look like an angel," natatawa niya namang bawi sabay kindat.

The nerve of this guy!

Naniwala ako sa sinabi niya. Grabe ang pagkapahiyang naramdaman ko tapos malalaman ko na nagbibiro lang pala siya? Fvck him!

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon