Kabanata 16

2 1 0
                                    


Dominique's

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hinintay niya ako nang ganoon katagal. Pakiramdam ko tuloy ay napakaganda ko dahil sa ipinaramdam niya sa akin.

Sadyang ibang-iba talaga ang lalaking ito sa bwisit na nasa bahay namin. Napakabait ng tao na ito to the extent na hindi niya pa ako nagagawan ng masama na nagbibigay ng kaalaman sa akin na mabahala dahil baka to good to be true lang siya.

He made me realize that judging him is out of the question. Baka talagang likas lang sa kanya ang pagiging mabait. Baka napaparanoid lang na naman ako. Epekto siguro ito ng paulit-ulit na panggagago sa akin ni Darelle. Bwisit kasi ang lalaking iyon, e.

"Sorry talaga ah, pinaghintay kita ng ganoon katagal." Paghingi ko ulit ng paumanhin. Kung bibilangin ay pang labindalawang beses ko nang sinasabi ang katagang sorry at paumanhin. Mula sa unang sabi ko hanggang ngayon ay pareho pa rin ang nagiging sagot niya. Makapaglaglag panty na ngiti at saka mga katagang nakakakilig tulad na laman ng...

"Okay lang basta ikaw"

Mga ganung salita na kahit sobrang simple lang at parang gamit na gamit na ng kalalakihan ay nagbibigay kilig pa rin sa akin. Ewan ko ba, kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Siguro'y dahil sa kaalamang sobrang mabuti siyang tao.

I smiled at him. "Pero, kasi nakakahiya sa iyo dahil baka hindi mo na nagawa pa ang mga dapat mong gawin dahil sa paghihintay sa akin," dagdag ko pa na tinawanan lang naman niya saka ginulo ang buhok ko, in a way na hindi nakakainis.

"Ano ka ba, pang ilang beses mo nang sinabi iyan. Okay nga lang. Wala rin naman akong ginawa habang hinihintay ka. Nagbantay lang ako ng shop ko. Saka don't worry. You're worth the wait," nakangiting turan niya sabay kindat sa akin nagpakilig muli sa akin. Pero ano daw ang sabi niya. Shop niya raw ito? Ibig sabihin kanya ang restaurant na ito? Paano nangyari 'yon e, nag aaral pa lamang siya? Nakakabilib naman na sa ganung edad ay may sarili na siyang pinagkukunan ng pera.

Gulat ko siyang tinanong. "Sa'yo ang restaurant na ito?!" Mangha kong tanong na nginitian niya lang saka tinanguan. Nagtanong pa ako kung paano niya nagawa ang ganito kaganda at katagumpay na business kaya ikinuwento niya naman sa akin. Pakiramdam ko ay nakanganga lamang ako sa kanya habang nagkukwento siya.

Nakakabilib siya, hindi tulad ng lalaki na iyon na panay pang bubully lamang ang alam. Teka nga? Bakit ko ba sila pinagkukumpara e, alam ko naman na una palang ay mas better si Anthony kaysa sa kanya.

"Ang galing mo!" Bilib na bilib kong saad.

Tinawanan niya lang naman ako saka ginulong muli ang buhok ko.

Pinagpatuloy namin ang pagkain. May pinindot siya sa telepono at doon ay may tumugtog. Isang napakaromantikong kanta. Sinabayan pa ng mga dim lights ang tugtugin.

"Can I have this dance?" Pagtatanong niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Gosh!

First dance ko ito!. Syempre hindi counted yung pucho puchong sayaw namin ni Darelle habang naghahalikan sa hallway. Aish! Naalala ko na naman.

"Sure," walang inhibisyon kong sagot pagkatapos ay tinanggap ang iniaabot niyang kamay at humawak doon. Iginiya niya ako patungo sa gitna at doon ay sinimulan naming sumayaw.

Nang matapos ang tugtog ay nagdesisyon na rin kaming bumalik sa pagkakaupo. Nagtatawanan pa kami dahil sa kwento niyang nakatatawa. Madami akong nakitang sides niya ngayon. Isa rin pala siyang lalaking palabiro. Buong pag-uusap ay nagtatawanan lang kami hanggang sa naisipan naming umuwi na at nag paalaman na sa isat-isa dahil lumalalim na rin ang gabi.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon