Kabanata 7

18 5 0
                                    

Kabanata 7

Dominique's

Napasalampak ako sa sahig nang matapos ako maglinis. Kung tutuusin ay hindi pa sana tapos ngunit inagaw na sa akin ni Darelle ang mop. Hindi na rin naman ako umangal pa at pinili na lang ang magpaubaya dahil tuluyan nang nilamon ng pagod ang sistema ko.

Napabuntong hininga ako at matamang tiningnan si Darelle, may pakinabang pa rin naman pala siya kahit papaano, akala ko ay puros kabalbalan lang ang alam niyang atupagin sa buhay.

Pinunasan ko ang mga butil ng pawis na namumuo sa aking noo at inilagay sa likod ng aking tenga ang mga takas na buhok na humaharang sa aking paningin.

Sa wakas ay natapos din ang kalbaryo ko sa araw na ito. Sinisuguro ko talaga na lalayuan ko na ang hinayupak na lalaki na ito upang di na ako masangkot pa sa ano mang gulo.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo para lumabas na ng comfort room pero may humila sa braso ko kaya natigilan ako sa paglalakad. Sino pa ba, e 'di syempre yung siraulong nilalang.

"What do you need?" walang buhay kong tanong. Ayokong magpakita ng kahit na anong emosyon na maaaring magsiwalat ng kaalamang apektado pa rin ako sa nangyari kani-kanina lang. Pilitin ko mang hindi maapektuhan sa halik na iyon ay hindi naman ito mawaglit sa aking isipan.

He smiled at me before uttering some words. "You left your handkerchief," saad niya sabay abot sa akin ng panyo ko.

Kinuha ko naman iyon saka tumalikod na ng hindi man lang nagpasalamat. Sinadya kong hindi magpasalamat dahil gusto kong mainis din siya sa akin. That way, hindi niya na ako susundan pa. Maglalakad na sana akong muli, ngunit hinila niya sa pangalawang pagkakataon ang braso ko. This time nainis na talaga ako. I tried sounding so calm but my bitch side is trying to bring itself back to life.

"What now? What else do you need?" Saad ko sa medyo mataas na boses.

Sandali siyang napakamot sa likod ng kanyang ulo, nag-iisip kung magsasalita ba o mananatiling tikom ang bibig. What does he really need from me? "Ahm...gusto ko lang sana bumawi sa iyo. Can you spare me some of your time, kahit isang oras lang. I'll just take you out on a dinner, pambawi lang sana sa pagkakasangkot ko sa iyo sa parusa na ito," diretso niyang sagot. Does he mean date? Is he asking me out on a date? Hell no! Hindi dapat ako pumayag! Baka mamaya ay ano pa ang maisipan niyang gawin doon, mapahamak na naman ako o masangkot sa gulo.

I slightly smiled, not showing my real emotions. "No need, I'm fine, and also, you don't have to." I answered, trying to dodge his invite.

"Still, I insist, just 1 hour. After that, ay titigilan na talaga kita," pangungumbinsing saad niya na nagbigay sa akin ng magkaibang emosyon. Una ay masaya dahil sa wakas, malalayo na ako sa sakuna at hindi na niya ako guguluhin pa, pero sa kabila noon ay nakaramdam din ako ng lungkot dahil sa katotohanang lalayo na siya.

Hindi ko dapat iyon maramdaman ngunit bigla na lang siyang sumibol. Dapat ay purong panibugho lamang ang maramdaman ko ngunit may parte sa akin na nalulungkot. Heck! I should not be affected just because of that kiss. I should not get attached! Ang tipo niya ay tipo ng lalaking kailan man ay hindi magseseryoso, I should not fall for his traps, flowery words and actions.

No! Hell no! I will not fall for this goddamn guy.

I composed myself and soon agreed to his invitation, it sure wouldn't hurt right? "Okay, since you insisted and you said it's your treat, fine, I'll go, but make sure that this will be the last time that you will bother me. Is that understood?" I sounded cool.

"Yes! I assure you." Saad naman niya saka lahad na sa akin ng kamay ngunit hindi ko iyon tinanggap. Nilagpasan ko nalang siya saka nagtungo na sa sasakyan ko at bumusina senyales na mauna na siya para malaman kung saan kami pupunta.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon