Kabanata 4

11 2 1
                                    

Kabanata 4

Dominique's

"Hi Baby Gab, how's your day? oh! Let me guess...bad day? Anong nangyari? Bakit nakasimangot ang prinsesa namin? May umagrabyado o bumastos ba sa iyo sa school? C'mon tell me! Babangasan ko mukha!" Bungad sa akin ng kuya nang makapasok ako sa aming bahay. Napansin niya siguro ang nakakunot kong noo at mahabang nguso.

"Wala kuya, I just got tired and bored. Maghapon kaming nakaupo lang sa room e," pagpapalusot ko. Pinili ko na lang na hindi isuplong kay kuya ang kabastusang ginawa sa akin ng mayabang na lalaki na 'yon dahil lahat ng sinasabi ng kuya ay tinototoo niya.

Naalala ko tuloy noong elementary palang ako, Grade 6 to be exact while kuya is in the first year of being a high school student. Ahead kasi siya sa akin ng 1 taon. May nambully sa akin na isang batang lalaki. I can't remember his name tho, but his face is still clear in my mind, siguro'y kung makasasalubong ko siya o hindi naman kaya ay makita, baka makilala ko siya, 'yon ay kung hindi pa nagbago ang mukha niya, hindi katulad ko. Sa kalsada nangyari ang insidente na iyon. I was a chubby girl that time. So, here's the scenario, I was walking down the alley, carrying my cute little poodle and then suddenly, someone pinch my cheeks from behind and called me piglet.

Hinarap ko ang kung sino mang tumawag sa akin no'n and find out that it was a little boy, na kung titingnan at susumahin ay mukhang kaedaran ko lamang. Dumidila siya sa akin at tinatawanan ako habang patuloy akong tinatawag ng piglet. At dahil nga, ako ay bata pa at likas sa akin ang pagiging mahina, wala akong nagawa kung hindi ang magtatakbo pauwi sa bahay at magsumbong sa kuya ko.

Hindi ko naman akalain na ganoon ang magiging tugon niya. Inutusan niya akong igiya sa kanya ang daan patungo sa pinanggalian kong lugar at nadatnan namin doon ang batang nambulas sa akin. Tinanong niya ako kung sino ang may dahilan nang pag-iyak ko at dahil sa takot na baka magalit siya sa akin ay itinuro ko ang batang lalaki.

Nilapitan siya ni kuya at sinapak. Napasinghap ako sa eksenang nasaksihan. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila na ako kaagad ni kuya pauwi sa bahay pagkatapos masuntok ang bata.

"Why are you laughing baby?" Rinig kong tanong ni kuya, nakita kong nakakunot ang noo niya.

Umiling na lang ako at ibinalik ang kaninang walang emosyon kong mukha. "Don't mind me kuya, I just remembered something funny." I answered with a small smile on my lips.

"Are you sure? Wala talaga? C'mon tell me, akong bahala. You know how much I love you dear sister. Ayokong naaagrabyado ka," sabi niya na tinugunan ko ng iling. "It's really nothing kuya." Ayokong pagsimulan pa ito ng gulo. Ayoko na rin namang magkaroon pa ng koneksiyon sa preskong lalaki na iyon kaya't mas mabuti pang dito na matapos ang ugnayan namin.

"Okay, If you say so. Basta kapag may bumastos sa iyo just feel free to tell me ha?Aaksiyon ako kaagad," nakangiti niyang saad.

"Yes kuya, thank you," sagot ko saka na nagpaaalam sa kanyang aakyat na ako patungo sa aking silid.

Ngunit bago pa man akong makaakyat ay muli niya akong tinanong. "How's Mel? I mean, how's your friend? Is she, doing okay?" He asked. Why is he asking? Close ba sila? He seems so interested huh.

Kunot-noo ko siyang nilingon upang sumagot at para na rin siya'y usisain. "She's okay kuya, she's doing just, fine. Why are you asking by the way? Kailan pa kayo naging close?" Puno ng kuryosidad kong tanong. Bigla naman siyang natigilan sa tanong ko. Now, I smell something fishy. Fishier than the low tided fish, kung meron mang ganoong klase ng isda.

Mabilis siyang umiling. "Ahm, no! We're not close. I'm just asking out of curiosity. I mean, she's your friend, you are always with her so I just wanna know if she's good enough to be with you and to...accompany you, yeah? I guess...that's the reason why I asked. Ahm, kung ayos ka lang talaga, maiwan na kita riyan. Have a good night sleep baby," paliwanag ni kuya pagkatapos ay mabilis na umalis at iniwanan ako. Balak ko pa sana siyang habulin at tanungin ulit ngunit nakapasok na ito sa silid niya. Narinig ko pa ang tunog ng pagkandado niya. Bahagya akong natawa at umiling na lang.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon