Kabanata 2

30 4 0
                                    

Kabanata 2

Dominique's

Napabuntong hininga ako ng matapos ang klase naming iyon.

How I hate that period. It really bores me to death! Biruin ninyo, dalawang oras kaming nakaupo roon, doing nothing but listening to
the discussion of our professor.

Don't get me wrong, I do love the subject, kaya nga management ang major na kinuha ko e. What I don't like is the teacher's voice. Nakaaantok kasi ang boses niya dahil sa labis na hinahon nito. Kulang na lang ay ipaghele ka niya para tuluyan kang makatulog.

"Tara cafeteria Gab," pag-aaya sa akin ni Mel.

"Finally Mel! Mabuti naisip mo 'yan. Mabubulok na ako sa sobrang boring dito," reklamong saad ko.

"You're over reacting girl!" she said while rolling her eyes.

"I'm not over reacting you witch! I'm stating a fact! Nakakaboring kaya si Mrs. Monteverde! Don't tell me you enjoyed listening to her, because if you do, I would definitely laugh at you," muling reklamo ko habang kunot na kunot ang noo pagkatapos ay sinuklian ang pag-irap niya. Bruha talaga!

Tinawanan niya lang naman ako saka kami lumabas ng silid at nagsimula nang lumakad hanggang sa marating namin ang cafeteria ng eskuwelahan. Doon ay humanap kami ng bakanteng mauupuan. Mapalad namang ang lamesang malapit sa bilihan ng pagkain ay walang nakaupo at nagkataong 'yon na lang din ang bakanteng upuan.

Matapos masigurong sa amin na ang upuang iyon, sinimulan na naming umorder ng makakain. Simpleng tuna pasta with chicken lang ang inorder ko at saka isang fresh apple juice dahil kahit hindi ako masyadong nakakain nang maayos sa bahay kanina ay pakiramdam ko, busog pa rin ako. Si Mel naman ay umorder ng ham and cheese sandwich saka orange juice na labis kong ikinataka. Ay? Diet ang lola mo.

"Diet ka Mel? Nakakapanibago ah," natatawa kong sabi. Dati-rati kasi ay halos mapuno ang lamesa namin sa sobrang dami ng order niya. But you know what's amusing? Hindi tumataba ang gaga. Actually, she is a freelance model. Hindi ko nga lang alam kung saan, pero ang narinig ko, nagmomodel siya sa kaparehong kumpanya kung saan nagmomodel ang kuya ko.

Mahilig din sumali ng pageant ang bruha, at kahit hindi kapani-paniwala, palaging nakukuha ng gaga ang korona.

"Hindi naman! Busog lang talaga ako, saka sobra ka sakin ah! Hindi naman siguro ako ganun katimawa dati!" sagot naman niya sabay irap sa'kin. Napatawa naman ako. Nahihiligan ng babaeng ito ang irapan ako ah.

Paalalahanan niyo nga ako pagkatapos naming kumain na itutusok ko sa dalawang mata nito ang tinidor na gamit ko.

"Anong hindi?! Huwag ako Julia Melissa! Timawa ka dati!" pang-aasar ko naman sa kanya. Sa wakas, nakabawi din ako. Napahagalpak ako nang tawa nang makita ang reaksiyon ng mukha ni Mel.

"Tawang-tawa ka? Masayang-masaya? So clown ba ako? Joke ako? Pinatatawa ba kita? Ha?!" asar na turan niya dahilan upang lalo akong matawa. Pintik niya naman ako sa noo dahil doon.

"Aray ha! Napakasadista mo Mel! Sumbong kita sa Gregoria eh!" napahimas ako so noo ko. Babae ba talaga 'to? Parang hindi eh, lakas kung mamitik, kala mo lalaki.

"Bagay lang sa'yo 'yan bruha ka! Sige mang alaska ka pa ng 'di lang 'yan ang abutin mo!" sagot naman niya sabay tawa. Siya naman ngayon ang maligalig na tumatawa dahil sa reaksiyon ko.

Hindi na lang ako gumanti pa at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain hanggang sa may makapukaw ng atensiyon ko. Isang lalaking papasok sa bukana ng Canteen. Hindi lamang siya pang ordinaryong lalaki. Sh*t! Siya 'yun! Hindi ako maaaring magkamali! Siya iyon! Walang duda! Ang lalaki sa panaginip ko! Kung ganoon? Hindi talaga ako namamalikmata kanina!

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon